Professional teacher na nag-upload ng edited picture ni Duterte, humingi ng paumanhin

Umani ng maraming batikos ang netizen na si Laarni Villaluz dahil sa pag upload niya ng larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte na in-alter habang humahalik sa lupa sa Jolo kamakailan.

Sa larawan, makikita si Pangulong Duterte na nakayuko habang may pagkain ng aso sa kanyang mukha.

Mabilis na kumalat ang larawan na ito at marami ang nagalit kay Villaluz na isang licensed professional teacher mula sa Lucena City.



Samantala, humingi naman ng paumanhin si Villaluz gamit ang isa pang account dahil hindi na raw niya ma-access ang kanyang orihinal na Facebook.

Humingi ito ng paumanhin kay Pangulong Duterte at aminadong mali ang kanyang ginawa. Humingi rin si Villaluz ng paumanhin sa kanyang pamilya dahil napahiya umano ang mga ito dahil sa kanyang ginawa.

“I want to apologize to our President for inappropriately posting the said meme in a specific group. I am humbly asking for your acceptance of my apology, Mr. President,” sabi ni Villaluz.

Maging sa kanyang mga studyante ay humingi rin ng paumanhin si Villaluz dahil sa kabastusang ipinakita niya. Aniya, nakita lamang niya ang larawan sa mga comment section at hindi siya ang mismong may gawa nito.



Narito ang buong post ni Villaluz:

"Hello po. Allow me to express myself.

First of, I want to apologize to our President for inappropriately posting the said meme in a specific group. I am humbly asking for your acceptance of my apology, Mr. President. I know this has caused too much and too bad. I am really sorry po at hindi po ako nag isip. This was literally a hundred percent sign of disrespect. I am really sorry po.



To My family, pasensya na rin po if napahiya po kayo dahil sa akin. Sa mga pinsan ko po, relatives and sa lahat po ng patuloy na minemessage. Pasensya na po sa lahat.

To DEPED community, I know this has been another issue po which has been connected in the profession. I am really sorry po for causing this trouble. Pasensya na po sa lahat ng teachers and in the field of Education. I am really sorry po.

To my Workplace, I know this has caused so much damage. Pasensya na po sa lahat. Especially sa admin who have been receiving lots of bashing. I will fix this po.

Please stop spreading hate towards my workplace po. Wala po silang kakulangan. My said post has nothing to do with my workplace po, at inaamin ko po na sobrang nagkamali ako. Please, ako na lang po. Wag po ang workplace ko.

To my students, sorry for disappointing you. I was becoming unprofessional with my post. I understand if the way you think of me has changed. Pasensya po. I'm really sorry.
And to everyone na nainis at nagalit, I am really sorry po. I know, this has lots of consequences.

With regards to my post, earlier in the morning, I saw that picture in a particular comment section and I downloaded it po. I was not the one who edited the picture, however, since I posted it po, I know I am accountable for it.

Please po, wag na po ang family ko. Ang workplace ko at ang mga kaibigan ko.

Hindi ko na rin po maaccess ang account ko.
I am really sorry po. I deserve all of these.”


***

Source: News Keener

wokes Monday, August 31, 2020
Dating OFW, Isiniwalat Na Nabuntis Siya Noon Ni Arnold Clavio Matapos Nilang Magkakilala Sa Isang Interview


“Ang ama po ng panganay ko ay Yes!, si Arnold Clavio po!” aniya sa isang Facebook live video.

Walang sikreto ang hindi mabubunyag, Sarah Balabagan inamin na sa publiko ang tungkol sa Ama ng kanyang panganay na anak.

Dalawapung taon ang nakalipas matapos itinago ni Sarah ang katotohan tungkol sa ama ng kanyang anak.


“Kaya ko to ginagawa dahil after 22 years, lumabas na naman. Sabi nga nila, walang baho ang hindi lumalabas. Hindi naman po ako nalungkot dahil by God’s Grace, masaya na ako sa buhay ko,” dagdag pa niya.

Aniya hindi naman siya habangbuhay ay nariyan upang ituwid ang mga lumalabas na haka-haka kaya minabuti niyang ilabas na ang katotohanan.

"Paano ‘pag wala na ako sa mundo? Tapos hindi ko ito kinorek? Baka mamaya maging multo pa ito sa anak ko,” dagdag pa ni Sarah.

Ito ay kanyang kinlaro matapos kumalat na si Late Ambassador Roy Seneres ang usap usapan na ama ng kanyang anak.

"Si late Ambassador Roy Señeres po ang tumulong sa akin noon ako ay nabuntis. Tinulungan niya ako para hindi kumalat sa public. Para hindi masira ang image ko noon at ‘yung image nu’ng taong ‘yun"

“Kinupkop ako at itinago ni ambassador pero ang nakakalungkot, e sinasabi nilang siya raw ang ama,” paglilinaw niya.

Ikinwento din ni Sarah kung paano sila nagka kilala ni Arnold Clavio. 

“Nagkakilala kami ni Arnold noong panahong ako ay nakapiit pa at dinalaw nila ako doon. Naging close kami noon ni ‘Kuya Arnold’…at nu’ng unuwi ako sa Pilipinas noon August 1, 1996, isa po siya sa mga nag-cover ng kaso ko. Naging exclusive la nga niya ang story.”

Ayon pa kay Sarah, nahulog ang loob niya dito dahil napapatawa siya nito noon sa kabila ng pinagdaanan niyang hirap. 

Mismong si Arnold di umano ang nagsabi sa kanya na wag aminin ang tungkol sa pagbubuntis nito. 

Matatandaan na naging kontrobersyal ang kwento ni Sarah noon 1996 matapos siya ay makulong na may kasong Murderer sa UAE. Naka uwi naman sa Pilipinas taong 1997, ay ginawang pelikula ang kanyang storya.


Source: The Relatable

wokes Saturday, August 29, 2020
Magandang Dilag, Nabisto Na Isang Kabit Dahil Sa Nakita Ng Misis Sa TikTok

Sa panahon ng ECQ ay walang ibang kinagiliwan ang ilan kung hindi ang babad sa internet. Isa na nga dito ang pag titiktok, sa kadahilanan na walang magawa marami ang nag uupload ng kani kanilang tiktok mapa sayaw man, dub at ibat ibang challenge.

Dumulog sa programa na Raffy Tulfo in Action si Chery De Guzman sa kadahilanan na nangabit ang kanyang mister.

Ayon kay Cherry boarder di umano ng kanyang mister dahilan kung bakit hindi na umuuwi ito. Kapapanganak lamang noon ni Cherry sa kanilang bunso at hindi man lang siya pinuntahan ng kanyang mister sa kanila mula ng isilang niya ang kanilang bunsong anak.


Ayon pa daw sa kanyang mister eh nagkakaroon siya ng ibat ibang sintomas ng Covid19. Kaya naman dahil sa awa ay pinadalhan parin ni Cherry ang kanyang asawa kahit na ito ay hindi na dumadalaw wa kanila.

Ayun sa pag rereklamo ni Cherry tungkol sa kanyang asawa na si Alexis na di umano ay may kabit. Balibalita ng mga kaibigan ni Cherry ay may namamagitan daw ito sa boarder nila.

Hindi rin maitanggi ni Alexis dahil kitang kita sa isang video sa Tiktok na suot suot ng babae ang mismong damit nito.

Ayun pa kay Alexis;

"Boarders lang po namin yun Sir. Nagkakayaan lang kaming uminom, at pinahiram ko lang po siya ng damit", depensa ni Alexis.



Dahil sa ginawang panganagbit ng kanyang mister ay pinag isipan ni Cherry na sampahan ng kaso ang kanyang mister dahil hindi na rin ito sumusuporta sa kanyang mga anak.

Sapat naman na ebidensya ayun sa Attorney upang makasuhan si Alexis. Humingi naman ng kapatawaran ei Alexis sa kanyang nagawa.


Source: The Relatable

wokes
High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants


Isa ka rin ba sa mga nagnanais na maging Flight Attendant o FA? Kung oo, isa itong magandang balita para sa iyo.

Ayon sa anunsyo, mayroon ng ilang airline companies ang tumatanggap ng applicants bilang FA kahit nakapagtapos lamang ng high school.

Ang maging isang Flight Attendant ay isa sa mga trabaho na pinapangarap ng karamihan, lalo na ang mga kababaihan. Ilan sa kanila ay dahil ninanais na makapaglibot o makapag-travel sa iba't ibang parte ng mundo. Bilang isang Flight Attendant, hindi naman talaga malabong makapunta ka sa iba't ibang destinasyon o iba't ibang lugar kung saan lalapag ang eroplano na iyong sinasakyan.


Ang mga Flight Attendant ay isa sa mga naninigurado ng kaligtasan ng bawat pasahero sa eroplano. Trabaho nila na masigurong komportable ang mga pasahero sa pagbabyahe at matugunan ang bawat pangangailangan ng mga ito.

Sa tuwing mayroong sakuna, sila din ang isa sa mga unang nagpapakalma sa mga pasahero. Sinisigurado din nila na sumusunod ang mga ito sa panuntunan ng Federal Aviation Adminsitration.

Kung noon ay kailangan mo pa magkaroon ng diploma ng kolehiyo o di kaya makapagtapos ang isang indibidwal ng isang dalawa o apat na taong kurso sa kolehiyo at sumabak sa matinding training upang maging isang ganap na Flight Attendant.

Ngunit, ayon sa anunsyo ng Facebook page na Becoming a Flight Attendant, mayroon na ngayong mga airlines ang tumatanggap ng mga aplikante na nais maging Flight Attendang kahit sila ay nakapagtapos lamang ng high school.

Ang nasabing Facebook page din ay naglabas ng listahan ng mga airlines na tumatanggap ng mga aplikanteng high school graduate. Maraming indibidwal ang nagnanais na maging Flight Attendang dahil tinuturing na din ito bilang isa sa mga pinakamagandang trabaho bukod sa libreng byahe sa iba't ibang lugar.

Ang pagkakaroon ng height o tangkad na karawaniwan ay hindi bababa sa 5'3 ay isa sa mga qualifications ng ilang airlines. Bukod pa diyan, requirement din ang pagkakaroon ng maayos na ngipin at presentrableng mukha.

Syempre, ang timbang ng isang Flight Attendant ay dapat nakatugma sa kanilang tangkad. Dapat din ay maganda ang ngiti na nakakatawag ng pansin.

Mayroon namang ilang airlines na tumatanggap lamang ng aplikante na hindi lalagpas sa edad na 27. Syempre, hindi mawawla ang pagkakaroon ng mature na pag-iisip at positibong pag-uugali.

Ang komunikasyon ay isa din sa mga mahahalagang bagay na dapat mayroon ang isang Flight Attendang. Dapat din ay magaling sila sa wikang English sa parehong pagsulat at pagsalita.

Kahit pa man madami ang requirement na kailangan ipasa upang maging isang Flight Attendant, tiyak naman na lahat ng ito ay magiging worth it at ang sahod na kanilang matatanggap ay malaki din.

Ayon sa DOLE o Department of Labor and Employement, ang sweldo ng isang Flight Attendant ay umaabot ng Php18,000 hanggang Php26,000 kahit sila ay nagisisimula pa lamang. Maaari pa itong tumaas hanggang Php36,000 hanggang Php54,000 kapag sila ay tumagal.

Maliban sa maayos na pasahod, mayroon ding mga incentive na ibinibigay ang kumpanya para sa Flight Attendant.

Kaya hindi na din nakakapagtaka kung bakit maraming nangangarap na maging isang Flight Attendang kahit pa man marami at mahirap ang proseso na kailangan nilang pagdaanan. Hindi naman nga kasi matutumbasan ang kasiyahan na makapunta o makapasyal sa iba't ibang bansa bilang trabaho at ng libre at maganda pa ang pasahod na ibibigay sayo.


Source: The Relatable

wokes
Babae, Viral Matapos Ang Kinalabasan Ng Kanyang Pagpapa-Tattoo Ng Kilay Sa Halagang P500


Kamakailan lang ay ibinahagi ng isang netizen sa social media ang mapait at hindi magandang karanasan sa isang lalaki na nag-tattoo ng kaniyang kilay.

Kwento ng netizen, laking panghihinayang at sobrang pagsisisi ang kaniyang naramdaman dahil siya ay nagtiwala sa umano'y tattoo artist dahil sa hindi magandang resulta na kinalabasan sa permanent tattoo na ginawa sa kaniyang kilay.

Sinubukan umano ng netizen na magpalagay ng tattoo sa kaniyang kilay dahil na din sa kagustuhan na magkaroon ng magandang kilay.

Ayon sa ilang screenshot ng conversation nila ng nasabing lalaki, makikita na siniguro nito na magiging maganda ang kakalabasan ng pagta-tattoo nito sa kaniyang kilay.

Ngunit, ang inaasahan na magandang kilay ng netizen ay nauwi lamang sa pagkadismaya at pagkapahiya dahil puro kritisismo lamang ang kaniyang tanggap dahil sa pina-tattoo na kilay.

Sa iba pang larawan na ibinahagi ng nasabing netizen, makikita na hindi pantay at naging makapal ang kilay na kaniyang pina-tattoo. Dahil dito, hindi na lumalabas ng bahay ang netizen sa kanilang bahay dahil siya ay nahihiya sa itsura ng kaniyang kilay.

Sinubukan naman nila na makausap muli ang lalaki upang maayos ang kaniyang kilay dahil nga sa hindi magandang resulta nito. Sumagot naman umano ang lalaki sa tawag nila at pinayuhan siya na ipagpatuloy lamang ang paglalagay ng petroleum jelly nang sa gayon ay mabawasan ang kapal ng tattoo na nakalagay sa kaniyang kilay.

Sinabi pa ng nasabing lalaki na hindi pa naghihilom o gumagaling ang tattoo kaya naman makapal pa di ito. Dagdag pa ng lalaki na sigurado siya na maganda ang magiging resulta nito kaya naman dapat lamang siyang pagkatiwalaan ng netizen.

Ngunit, ang makapal na tattoo sa kilay ng netizen ay hindi pa din nawawala at wala pa ring pagbabago dito kahit ilang araw na ang lumipas.

Ayon naman sa nasabing lalaki, ang netizen ang mayroong kasalanan kaya naging ganoon kakapal ang kaniyang pagkaka-tattoo sa kilay nito. Malikot daw kasi ang netizen habang ito ay nilalagyan ng tattoo.

Saad ng netizen sa kaniyang Facebook post, binlock na umano siya ng naturang tattooo artist kaya naman galit at malaki ang hinanakit niya dito. Sinabi ng netizen na ang nasabing lalaki ang responsable sa nangyari sa kaniyang kilay kaya wala itong karapatan na pagtaguan o tumakas sa kaniya.

Nagbanta din ang netizen sa kaniyang post at sinabi na kapag hindi pa nagpakita ito o nakipag-usap sa kaniya para ayusin ang nilagay nitong tattoo sa kaniyang kilay ay ipapahanap niya ito at ipademanda dahil sa ginawa nito sa kaniya.

Kahit pa man maraming netizens ang naaliw sa naging resulta ng kilay ng nasabing netizen, isang panloloko pa din ang ginawa ng lalaki sa netizen na kung saan ito ay dapat lamang niyang panagutan at harapin ang naging resulta nito.


Source: The Relatable

wokes
Magandang Modelo, Hinangaan Matapos Magpost Ng Larawang Walang Makeup Habang Nag-iigib Ng Tubig


Isang magandang modelo ang nagpost nito lamang miyerkules, ika-12 ng Agosto, ng kaniyang litrato habang nagtatrabaho at ipinaunawa sa publiko, "Don't expect me to  look elegant as always." 

Nagbahagi si Anghella QD Sta. Maria ng kaniyang dalawang litrato kung saan ang isa ay mula sa beauty pageant suot ang isang eleganteng damit, at isa habang nagtatrabaho dala ang lalagyan ng tubig. Nagtamo ang post niyang ito ng iba't ibang reaksiyon, online.

Sinabi niyang may mas malaki siyang responsibilidad kaysa magmukhang presentable sa publiko sa lahat ng oras.


Si Anghella ay isa ring tourism student sa La Consolacion College-Bacolod, bukod sa pagiging beauty queen at modelo. Nararapat na magmukhang maayos ang kanilang mga dating. Ngunit ayon nga sa kaniya, hindi dapat asahan na lagi siyang magandang manamit. 

Inamin din niyang madalas siyang kutyain ng sarili niyang mga kaibigan at kamag-anak, pero hindi niya dinadamdam ang mga sinasabi ng mga ito.



Binanggit din niyang inuuna niyang magsikap upang mabuhay niya ang kaniyang pamilya, at isantabi muna ang pag-aasam ng mga bagay na hindi naman kailangan o "luho", sapagkat kinakailangang magsakripisyo upang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya. 

Ayon pa sa kaniya, kahit ipinanganak siyang mahirap, napalaki naman siyang maayos at may mabuting asal, siya rin daw ay may puso para sa lahat. 



Hinihikayat din niya ang pubiliko na tigilan na ang sakit ng lipunang ito. 

Nagpahayag naman ng paghanga ang mga netizens sa dalaga. Hindi rin maiwasang puriin ang huli. Minulat din ng dalaga ang mata ng mga tao kaugnay sa ganitong usapin. 

“I’m glad to inspire my fellow youth and I am grateful for the love and support you have me to strive further.” ,ani Anghella sa kamakailan lamang niyang post. Nagpasalamat din siya sa mga taong nagpahalaga sa kaniyang pahayag. 

Umani na ng 54K likes  at reactions  at 50K share ang post ni Anghella sa Facebook, sa ngayon.


Source: The Relatable

wokes Friday, August 28, 2020
Bumili Ng 'Roses' Na Beddings Ang Lalaking ito Para Sorpresahin Ang GF, Pero Nakakatakot ang Kinalabasan


Nagimbal ang isang lalaki matapos makita ang kinalabasan ng kaniyang ginawang dekorasyon sa kama.

Pagkatapos ng mahabang araw, nais lamang magpahinga ng karamihan sa kanilang mga tahanan.

Ang kaginhawaan ay nakabatay sa kung ano ang iyong nakikita sa kapaligiran. At iyon ang magdadala sa iyo ng magandang pakiramdam.


Ngunit hindi sa karanasan ng lalaking ito.

Aniya, sinubuman niyang bumili ng bagong puting kobre-kama upang gawing kahali-halina ang kaniyang silid-tulugan. Dinagdagan pa niya ito ng pulang rosas katulad ng nakikita karamihan sa internet kung saan isinasambulat ang mga talulot ng rosas sa kama, o maaari ring gumawa ng mga hugis o disenyo na angkop sa gusto ng tao.

Kadalasang ginagawa ang ganito sa mga lugar kung saan nagde-date ang mga magkasintahan o mga mag-asawa. Subalit mas sikat ang ganitong pamamaraan sa mga bagong kasal na nasa honeymoon. Ang ganitong istilo ay patok sa mga tuluyan kagaya ng honeymoon suite sa isang hotel.

Ngunit hindi naging romantiko ang kinalabasan ng ginawa ng lalaki, kundi tila isang senaryo kung saan may nangyaring krimen. Waring mga dugo ang mga pulang rosas dahil sa kulay nito. Katakot-takot at hindi kaaliw-aliw ang tagpong ito.


Matapos ipost ang nangyaring ito sa twitter account ng lalaki @JohnDonighue64, marami ang nakapansin at dinagsa ito ng napakaraming komento. Iba-iba ang kanilang sinabi, ngunit halos lahat ay nagbiro ukol sa nangyari.


Maaaring nasa kalidad ng sapin sa kamang binili online ang nagdulot ng problemang ito. Hindi lahat ng paglalarawan sa mga produktong tulad nito ay tama, makikita mo na lamang talaga ang totoong lagay nito pag dumating na ang biniling gamit.


Siguruhun lagi ang kalidad ng mga ito. Laging pumili ng mga produktong makakapagdala ng kasiyahan at hindi kadismayaan. Tiyakin ding tunay ang mga ito pati na rin kung mapagkakatiwalaan ba ang bilihan, lalo na ngayong marami rin ang nahuhumaling sa online shopping.


Source: The Relatable

wokes
Lalaking Nahulog Sa Balon, Nakaligtas Dahil Sa Malaking Bilbil Nito


May mga pangyayari na hindi natin inaasahan sa ano mang oras ng ating buhay. Kagaya nalamang ng aksidente na hindi natin iniisip na mangayari sa ano mang oras at lugar. Ngunit mayroong may mga tao na kusang sumasagip sa atin sa kabila nang sakuna at aksidente.

Kagaya nalamang ng lalaking ito sa China na nahulog sa balon, at kusa siyang iniligtas ng kanyang malaking bilbil!

Ang insidenteng ito ay nangyari sa Yinchuan, Luayang. Siya ay labing walong taong gulang na kinilala dahil sa kanyang lastname na Liu.



Ayon sa Daily Mail, tinatakpan di umano ni Liu ang balon na pag mamay-ari na isang pamilya. Kusa niya itong nilagyan ng mga kahoy at bato para ito ay tuluyan ng matakpan nang sa gayon walang may mahulog na kahit sino, dahil wala naman itong tubig.

Sa isang video clip na kumakalat sa socmed platform ng China, makikita na madulas ang daanan at tila kalmado lang si Liu sa balon na naka cross arms panga ito. Halos isang dosenang bumbero ang nag tulong tulong para siya ay ma hila lamang.

Habang siya ay pinagtutulungan ng mga bumbero na mahila at maialis sa kanyang pwesto, makikita na na si Liu ay kalmado parin kahit na ganoon ang nangyari sa kanya.

Ayon sa mga bumbero habang tinatakpan ni Liu ang balon siya ay nakatapilok dahilan na ang daanan nito ay madulas at iyun ang naging sanhi kung bakit siya nahulog.

Si Liu ay nagtitimbang ng mahigit 500 pounds. Ito rin ang naging rason kung bakit hindi siya natuyang bumagsak sa malalim na balon.


Source: The Relatable

wokes
Isang Istatwa Na Di Sinasadyang Mahukay, Sobrang Nagpabago Sa Buhay Ng Magsasakang Ito


Ang pagiging magsasaka ay hindi biro. Ito na siguro ang isa sa pinakamahirap na trabaho ngunit pinakamarangal at nakakahangang trabaho na maaaring makuha ng isang tao.

Madaling araw pa lamang ay gising na ang mga magsasaka upang pumunta sa bukid at kung minsan nga ay gabi na silang umuuwi o di kaya ay nakakaligtaan ng kumain. Ngunit nakakalungkot lamang dahil sa kabila ng kanilang sakripisyo at hirap ay hindi pa din ganoon kalaki ang pera na kinikita nila sa araw-araw.

Ngunit sila ay patuloy na nagpupursige nang sa gayon ay mayroon silang maiuwi sa kanilang pamilya at may bigas na maibigay sa mamamayan.

Ang magsasaka na ito mula sa Greece ay nakadiskubre ng hindi pangkaraniwang pag-aari na maaari palang makapagpabago ng buhay niya habang buhay.

Siya ay kinilala bilang si Giorgos Kentrotas. Katulad ng nakasanayang trabaho, gigising si Giorgos ng maaga upang maaaga din siyang makapaghukay nga mga bato sa bukid.

Ngunit hindi niya inakala na ang bagay pala na kaniyang mahuhukay nang araw na iyon ay makakapagpabago ng kaniyang buhay.

Ayon sa ulat mula sa Boredom Theraphy,

"When Giorgos Kentrotas thought of Greece, the Olympics, Spartans and relaxing getaways to Mykonos didn't pop into his mind. This nineteenth - century farmer called the Mediteraanean nation home."

"On his particular morning, April 8, 1820, Giorgos left his home and headed into the field with a pickax, looking to dig up some stones. The farmer, however, would end up finding something beyond his wildest dreams."

Nadiskubre lang naman ni Giorgos ang isang napakalaking marble na mayroong koneksyon sa Greek antiques.

Saad pa ng Boredom Therapy,

"Giorgos tried to cover his find with dirt, but the French sailors were too quick. They ordered the farmer to keep digging until his entire discovery was revealed; he had no choice but to comply."

Unti-unting lumalabas ang kapirasong marble habang patuloy na naghuhukay si Giorgos. Matapos itong hukayin, nakita ng magsasaka at mga marino na ang bagay pala na kanilang nahukay ay isang hindi kilalang estatwa ng isang babae na nawawalan ng kamay.

Kaagad silang tumawag ng mga eksperto upang usisain at tingnan ng mabuti ang estatwa na siyang naging dahilan upang magbago ang buhay ni Giorgos.


Source: The Relatable

wokes
ABS-CBN employee sinisi ang gobyerno matapos makuryente ang isang lalaki dahil sa live wire ng Meralco

Sinisisi ng isang ABS-CBN employee ang gobyerno matapos makuryente ang isang lineman ng Globe network habang inaayos ang internet line.
Levi Miscala / Photo credit to his Facebook account

Aniya, hindi raw gumagana ang National Emergency Hotline na 911 nang ito ay tawagan nila.

Sa Facebook post ni Levi Miscala, nakuryente ang lalaki dahil sa live wire ng Meralco. Tinawag rin nila ang pamunuan ng Barangay sa lugar ngunit hindi rin nila alam kung ano ang dapat gawin.



Mabuti nalang daw at nakahingi ng tulong ang isa sa mga residente sa emergency hotline ng QC DRRM kaya natulungan ang lalaki.

Ani Miscala, 65 minutes umano ang lumipas bago natulungan ang nakuryenteng lalaki. 

A local rescue unit who doesn't know how to rescue. And a rescue hotline that is not working. IMPRESSIVE GOVERNMENT!” sarkastikong sabi ni Miscala.

Narito ang buong post ni Miscala:

"A lineman from Globe was electrocuted by a live wire of Meralco while fixing the internet line. AND IT TOOK 65 MINUTES TO RESCUE HIM. FOR 65 MINUTES, his body was hanging on the electric post.
.
We called 911, apparently, it's NOT WORKING.
.
We called the local Baranggay rescue unit but they don't know what to do. They lack the equipment to rescue him and suggested to wait for Meralco. There's no sense of urgency and even had the guts to burn sticks of cigarettes while WAITING. (cc: Brgy. Culiat)


.
"Tulungan niyo naman ako dito." The man wailed in pain. While another line man asked, "Boss, matagal pa ba?" as he tried to support him.
.
Luckily, a resident called all emergency hotlines and the QC DRRM unit arrived around 12:18 PM. The incident happened at 11:38 AM and the man was FINALLY rescued around 12:40 PM.
 Photo credit: Levi Miscala 
Photo credit: Levi Miscala 

A local rescue unit who doesn't know how to rescue. And a rescue hotline that is not working. IMPRESSIVE GOVERNMENT! ðŸ‘Š
.
Addendum: Bakit daw gobyerno ang sinisisi, EH DIBA SABI 911 daw ang tawagan kapag may emergency?
.
Headline: Duterte takes 911 emergency hotline nationwide. Link: https://www.google.com/…/duterte-takes-911-emergency-hotlin…
.
(Addendum 2: Hindi ko sinisisi si Duterte. Kailan ko sinabi yun. Napaghahalataang kulang sa comprehension tong mga DDS na to. Also government means: brgy., local government unit, at hindi lang national government. Jusko.)"


***

Source: News Keener

wokes
Asong Gala Na Sinipa Ng Isang Lalaki, Gumanti Kasama Ang Mga Kaibigan

Gaya ng sabi nila, huwag mong gigising o iistorbohin ang tulog ng mga aso - ito din ang naging payo ng isang driver mula sa China na na-karma sa hindi pagpansin nito.

Pabalik na sana ang lalaki sa kaniyang bahay sa Chongqing, China nang makita niya ang isang aso na nakahiga sa paborito niyang parking spot. Upang mapaalis ang aso sa pagkakahiga nito, sinipa ng lalaki ang aso. Lingid sa kaniyang kaalaman, ang ginawa pala niyang ito ay magiging iba ang balik sa kaniya.

Umalis ang aso sandali ngunit hindi pa pala doon nag tatapos ang pangyayari.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik ang aso kasama ang iba pang mga aso at nagpatuloy sa paghihiganti sa lalaki sa pamamagitan ng pagkagat sa bodywork at windscreen wipers nang sasakyan ng lalaki na sumipa sa aso.

Ang pangyayari naman ay nakuhanan ng kapitbahay na nagulat din sa pangyayari. Kinabukasan, ipinakita niya sa driver ang mga ebidensya ng ilang mga marka at gasgas sa kaniyang sasakyan na sanhi ng mga pagkagat ng aso.


Lingid sa kaalam nating lahat na ang mga aso sa China ay madalas kinukuha sa kalsada at dinadala ang mga ito sa isang dog fights kaya naman hindi nakakapagtaka na sanay sila sa mga ganitong uri ng gawain.


Ang China ay isa lamang sa mga bansa na walang animal cruelty laws at ang tao na puminsala sa isang tao o sa iba pang mga hayop ay maaari lamang makasuhan para sa pagsira ng pag-aari kung ang hayop ay pagmamay-ari ng isang tao.

Samantala, marami namang netizens ang bumilib at pumuri sa aso dahil alam nito kung paano depensahan ang kaniyang sarili laban sa tao na gumawa ng mali sa kaniya. Sinabi din ng ilan na karma lamang ang nangyari sa lalaki dahil sa pagsipa na ginawa nito sa tahimik na nakahigang aso.


Source: The Relatable

wokes Thursday, August 27, 2020
"Munting Hardin" Sa bubungan Ng Isang Pamilya, Nag-Trending Matapos Pumatok Sa Mga Netizens


Halos lahat ng tao ay nananatili na lamang sa loob ng kani-kanilang bahay nitong mga nakalipas na buwan dahil cr1sis na kinakaharap ngayon ng maraming bansa sa buong mundo dulot ng C0VID-I9 pand3mic.

Dahil sa pand3mya, maraming tao ang nawalan ng trabaho, negosyo, at hanapbuhay ngunit nakakatuwa lamang isipin na kahit pa man tayo ay may cr1sis na kinakaharap ngayon, patuloy pa din tayong nagiging positibo at lumalaban sa buhay at nagpapakita ng kabutihan sa ating kapwa.

Sa mga nakalipas na buwan, sumailalim ang maraming bansa sa quarantine. Para makaiwas sa boredom na ating nararamdaman, umiisip tayo ng mga bagay nang sa gayon ay maging productive pa din tayo sa gitna ng pand3mya.


May ilan na naglilinis ng bahay, nagluluto, at marami pang iba habang ang iba naman ay nagtatanim ng kanilang sariling gulay, prutas, at iba pang mga halaman sa kanilang bakuran.

Sobrang laki naman talaga ng tulong ang pagkakaroon ng pananim na mga gulay at prutas dahil makakasiguro ka na ang mga gulay na kakainin ng inyong pamilya ay sariwang sariwa pa at hindi mo na din kailangan pang lumabas para pumunta sa palengke upang bumili ng mga gulay, lalo na ngayon na sobrang delikado ang magpunta sa mga pampublikong lugar dahil sa kumakalat na v1rus.

Bukod pa diyan, hindi mo na din kailangan gumastos para makabili ng iba't ibang gulay dahil maaaring ang gulay na kailangan mo ay nasa inyong bakuran na.

Samantala ang kawalan ng lugar o lupa na kanilang mapagtataniman ay isa sa mga problema ng iba pagdating sa pagtatanim.

Ngunit kakaiba ang naisip ng pamilya na ito na itinampok sa isang Facebook page na "New Normal: The Survival Guide". Ang pamilya kasi na ito ay mayroong "roof garden" sa kanilang bahay.

Para sa pamilya na ito, ang pagkawala ng lugar na maaari nilang pagtaniman ay hindi naging hadlang para sila ay makapagtanim, lalo na sa panahon natin ngayon na ang gulay ay isa sa mga importanteng kainin dahil napapalakas nito ang ating resistensya at katawan.

Si Tatay Buboy ang siyang nagmamay-ari ng munting taniman sa naturang bubungan ng bahay. Nakapagtanim pa si Tatay Buboy ng dalawang batya ng petsay at lettuce na talaga naman sobrang mahal na kung bibili ka sa mga pamilihan.

Samantala, marami namang mga netizens ang bumilib at humanga sa pamilya ni Tatay Buboy. Napansin din ng ilan na mayroong tanim si Tatay Buboy na "Magic Rose". Ito ay patunay lamang na kapag may gusto kang pagsikapan at mapagtagumpayan, walang kahit anong bagay ang makakahadlang sayo upang gawin ito.


Source: The Relatable

wokes
Seo Services