"Munting Hardin" Sa bubungan Ng Isang Pamilya, Nag-Trending Matapos Pumatok Sa Mga Netizens


Halos lahat ng tao ay nananatili na lamang sa loob ng kani-kanilang bahay nitong mga nakalipas na buwan dahil cr1sis na kinakaharap ngayon ng maraming bansa sa buong mundo dulot ng C0VID-I9 pand3mic.

Dahil sa pand3mya, maraming tao ang nawalan ng trabaho, negosyo, at hanapbuhay ngunit nakakatuwa lamang isipin na kahit pa man tayo ay may cr1sis na kinakaharap ngayon, patuloy pa din tayong nagiging positibo at lumalaban sa buhay at nagpapakita ng kabutihan sa ating kapwa.

Sa mga nakalipas na buwan, sumailalim ang maraming bansa sa quarantine. Para makaiwas sa boredom na ating nararamdaman, umiisip tayo ng mga bagay nang sa gayon ay maging productive pa din tayo sa gitna ng pand3mya.


May ilan na naglilinis ng bahay, nagluluto, at marami pang iba habang ang iba naman ay nagtatanim ng kanilang sariling gulay, prutas, at iba pang mga halaman sa kanilang bakuran.

Sobrang laki naman talaga ng tulong ang pagkakaroon ng pananim na mga gulay at prutas dahil makakasiguro ka na ang mga gulay na kakainin ng inyong pamilya ay sariwang sariwa pa at hindi mo na din kailangan pang lumabas para pumunta sa palengke upang bumili ng mga gulay, lalo na ngayon na sobrang delikado ang magpunta sa mga pampublikong lugar dahil sa kumakalat na v1rus.

Bukod pa diyan, hindi mo na din kailangan gumastos para makabili ng iba't ibang gulay dahil maaaring ang gulay na kailangan mo ay nasa inyong bakuran na.

Samantala ang kawalan ng lugar o lupa na kanilang mapagtataniman ay isa sa mga problema ng iba pagdating sa pagtatanim.

Ngunit kakaiba ang naisip ng pamilya na ito na itinampok sa isang Facebook page na "New Normal: The Survival Guide". Ang pamilya kasi na ito ay mayroong "roof garden" sa kanilang bahay.

Para sa pamilya na ito, ang pagkawala ng lugar na maaari nilang pagtaniman ay hindi naging hadlang para sila ay makapagtanim, lalo na sa panahon natin ngayon na ang gulay ay isa sa mga importanteng kainin dahil napapalakas nito ang ating resistensya at katawan.

Si Tatay Buboy ang siyang nagmamay-ari ng munting taniman sa naturang bubungan ng bahay. Nakapagtanim pa si Tatay Buboy ng dalawang batya ng petsay at lettuce na talaga naman sobrang mahal na kung bibili ka sa mga pamilihan.

Samantala, marami namang mga netizens ang bumilib at humanga sa pamilya ni Tatay Buboy. Napansin din ng ilan na mayroong tanim si Tatay Buboy na "Magic Rose". Ito ay patunay lamang na kapag may gusto kang pagsikapan at mapagtagumpayan, walang kahit anong bagay ang makakahadlang sayo upang gawin ito.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services