Miyembro ng 4Ps na katutubong Mangyan nagpasalamat sa mga nagbabayad ng buwis

Ang programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ay naging usap-usapan kamakailan sa social media dahil sa mga ilang miyembro nito na umaasa lamang sa tulong ng gobyerno at nagrereklamo pa dahil hindi umano sapat ang kanilang natatanggap.
Imahe mula sa Facebook post ni Darleen Ternida Lolong

Mayroon din mga miyembro ng 4Ps na naglulustay lamang ng pera sa pagsusugal at pag-iinom ng alak.

Dahil dito ay maraming mga netizens ang nagalit at binabatikos ang ilang miyembro ng 4Ps. 

Samantala, sa Facebook post ng DSWD employee na si Darleen Ternida Lolong, ibinahagi nito ang larawan ng isang lola na miyembro umano ng 4Ps.

Nagpapasalamat umano si lola sa mga nagbabayad ng buwis dahil nakakatulong ito sa mga katulad nila.

Si lola ay isa umanong Katutubong Buhid Mangyan. 

Ayon kay Darlene, buwan buwan ay inaakyat nila ang mga katulad ni lola at tinuturuan nila ang mga ito na gumamit ng ATM.

Aniya, hindi lahat ng miyembro ng 4Ps ay katulad ng mga nasasaksihan natin sa social media. Mayroon ding mga tulad nila na totoong nakikinabang sa programa ng gobyerno.

Nakiusap rin si Darlene na huwag husgahan ang mga katulad nilang nagtatrabaho sa DSWD dahil ginagawa lamang nila ang kanilang tungkulin.

Hindi ho porke may nakikita kayong lapses ng programa ay palpak na ito- kung may problema ho kayo at alam kung sino sino na ung may problema na myembro tara ho sa opisina namin don tayo mag usap. Wag ho dito sa social media,” sabi nito.

Dagdag nito, sana raw ay matuto tayong magpasalamat sa mga taga-DSWD dahil nandiyan sila parati sa tuwing may mga sakuna sa ating bansa.

Sa huli ay muling ipinaabot ni Darlene ang pasasalamat ni lola sa mga nagbabayad ng buwis.

Taos pusong pasasalamat po ang kanilang ipinaabot sa mga buwis na binabayad ninyo- May pambili na sila ng bigas, at gamot- d na ho kailangan ng pang ulam- may tanim ho silang mga gulay sa kabundukan- handa ho sila mag banat ng buto-“

Narito ang buong post ni Darlene:

"Magandang araw:

Para sa mga Middle Class at mga nagbabayad ng buwis:

Ito na po o nakuha na po ni Nanay ung ambag nyong TAX-Maraming salamat po ðŸ˜Šsabi nya😊- wala po kasi silang Celphone pang text at pang FB.
 Imahe mula sa Facebook post ni Darleen Ternida Lolong
Imahe mula sa Facebook post ni Darleen Ternida Lolong

Katutubong Buhid Mangyan po Siya- kagaya ng sinasabi nyo Myembro sila ng pinag-iinitan ng marami na Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Kung tatanungin nyo marunong ba syang gumamit ng ATM? Opo tinuturuan namin sila inaakyat namin sila buwan buwan upang maturuan at makasabay sa daloy ng buhay at ng makabagong teknolohiya na tinatamasa ng mga kagaya nating nagbabayad ng buwis.

Hindi ho nya kilala si JOLIBEE, MANG INASAL MC DO AT MILK TEA Lalo na si Starbucks Coffee. Wala pong Korapsyon dito sila mismo ang may hawak ng EMV/ATM cards nila.

Tinuturuan namin silang maging responsable lalong lalo na sa pagpapaaral ng kanilang mga anak at pangangalaga ng kanilang kalusugan-

Nalala nyo yong bagyong TISOY at URSULA?

Sinira nila ung kabuhayan ng mga katutubong ito-d pa man nakakabangon ay dumating pa ang C0vid I9- pero napakapositibo nila- sanay po kami sa hirap- sanay po kami sa kamote at saging- sanay po kami sa bundok. Pwede po bang don nalang kami para d mahawa ng sakit? Napaisip ako kung sakit na C0V1D 19 wag naman talaga sana silang mahawa. Kawawa sila. Pero huwag naman sana lalo sa sakit ng pagiging makitid at mapanilip wala kasi lalong gamot don. Pasalamat na din ako wala silang FB baka kasi pag nagkaroon masaktan sila sa mga paratang na sinasabi ng ilan na para bang yumuyurak sa pagkatao ng lahat ng myembro ng 4Ps at mga mangagagwa nito-

Hindi ho porke may nakikita kayong lapses ng programa ay palpak na ito- kung may problema ho kayo at alam kung sino sino na ung may problema na myembro tara ho sa opisina namin don tayo mag usap. Wag ho dito sa social media.

Sana matuto naman tayong mag pasalamat- pag may bagyo- may DSWD, pag may Lindol may DSWD, pag may pagputok ng bulkan may DSWD, ngayon may epidémya ng SAKIT may DSWD- hindi ko to sinusumbat, sinumpaang tungkulin namin ito- pero sana bago nyo husgahan ang lahat ng nagpapadaloy ng programang ito- Alamin nyo din muna ng lubos ang programa- alamin nyo ng lubos kung tama pa ba ang pagliligalig nyo? Sumama kayo minsan sa akin pagkatapos ng C0v1d na to.. kausapin natin silang isa isa sabay sabay tayong matuto mula sa kanila kung paanong mag pasalamat mula sa kaunting biyaya hanggang sa pag unlad na tinatamasa.

Ulit po mula sa katutubong mangyan na ito.

Taos pusong pasasalamat po ang kanilang ipinaabot sa mga buwis na binabayad ninyo- May pambili na sila ng bigas, at gamot- d na ho kailangan ng pang ulam- may tanim ho silang mga gulay sa kabundukan- handa ho sila mag banat ng buto-

Ako bilang mangagawa ng lipunang ito- Salamat ho ng marami sa inyo-

Narito naman ang komento ng mga netizens:




***

Source: Darleen Ternida Lolong | Facebook 


Source: News Keener

No comments

Seo Services