Estudyanteng ginawang pamasahe sa jeep ang itinitindang basahan, inantig ang puso ng mga netizens

Dahil sa kakapusan at hirap ng buhay, maraming estudyante ang pumapasok sa paaralan kahit na walang laman ang tiyan at walang baon na pagkain o pera.
Imahe mula Facebook

Ngunit dahil sa kanilang kagustuhan na makapagtapos sa pag-aaral, nagsasakripisyo at nagtitiis sila upang pagdating ng panahon ay guminhawa ang pamumuhay ng kanilang pamilya.

Sa ating panahon ngayon, hindi maitatanggi na maraming kabataan ang hindi nagpapahalaga sa kanilang pag-aaral. Ang iba ay mas pinipiling lumiban sa klase o huwag pumasok kahit na sa mamahaling eskwelahan pa ito nag-aaral.

Subalit, mayroon din namang mga kabataan na pursigidong makapagtapos sa kabila ng hirap at pagsubok sa buhay.

Katulad na lamang ng ibinahagi ng netizen na si Jade De Luna. Nakasabay umano niya sa jeep ang isang estudyanteng may dala-dalang basahan.
Imahe mula Facebook

Imahe mula Facebook

Naantig ang damdamin ni Jade ng marinig niya ang estudyante na nakiusap sa driver ng jeep na kung pwede ay basahan na lamang ang kanyang pambayad na pamasahe dahil wala raw itong pera.

Isang lalaking pasahero naman ang nakarinig sa usapan ng dalawa at nagprisinta itong bayaran ang pamasahe ng estudyante ngunit hindi narin tinanggap ng driver ang bayad nito.

May mga ibang pasahero rin ang kumausap sa estudyante at bumili ng dala-dala nitong basahan.

Narito ang buong post:

“Share ko lang po yung karanasan ko kanina. So, kanina late na po ako and traffic pa.
At nung nasa bandang LA FORTEZA na po kami, biglang may isang studyante babae na may dala'dalang basahan ang sumakay na kumuha ng aking atensiyon..”

SIYA: Manong! Mag kano po yung pamasahe hanggang libis po? (Mahinang pagkakasabi)

DRIVER: otso

SIYA: pwde po bang basahan nalang?

DRIVER: * tumango *

MANONG: aysige ako na * sabay kuha ng pera sa bulsa*

SIYA: ay, salamat po!

DRIVER: aysige wag na..

SIYA: salamat po!!

MANONG: magkano ba yang basahan?

SIYA: sampo lang po.

MANONG: *binigyan siya ng bente pesos*

SIYA: wala po akong panukli

MANONG: sige iha, sayo na yan wag mo na suklian

SIYA: salamat po!

BABAE: magkano yan ineng?

SIYA: sampo po.

BABAE: oh! Ito *binigay ang bente* sayo nayan.

~ Pagkatapos ay kinausap po siya ni manang na katabi niya po. Sabi niya nag- aaral daw po siya saTala High. at ang kaniyang mga magulang ay nag titinda lang din po ng basahan.

So, ayun nakakaiyak na nakakatuwa lang po na di siya huminto sa pag aaral kundi pinag sasabay niya ang pag aaral habang nag titinda ng basahan. Eh yung iba nga saatin ay pa chill chill lang at sagana pero nagagawa paring mag cutting classes at yung iba pa diyan tinatamad pumasok. Sana gayahain natin si ate gurl and sana maging insirasyon siya sating mga studyante. diko pinost ito para sa LIKES.

Pinost ko ito para naman maging isang inpirasyon sa mga estudyanteng katulad ko at para nadin matulungan si ate gurl. Sana hipuin ang inyong mga puso at matulungan si ate kahit pang baon lang or gamit sa school.

So, Hello ate gurl ingat ka parati kung sino ka man po. Pagpatuloy mo lang yan, aral ka pong mabuti ikaw din aani ng pag sisikap mo para sa future. GOD BLESS!!"




***
Source: Facebook

Source: News Keener

No comments

Seo Services