Most Recent

Seo Services
Imahen ng mga santo, himalang nakaligtas sa bahay na halos maabo na sa sunog
Hindi maiwasang mapaisip ng ilang netizens kung papaano nangyaring nakaligtas ang mga imahen ng santo sa isang sunog na nangyari sa Passi City, Iloilo.
Photo credit: Pao Paginado Dehan

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Pao Paginado Dehan, milagro umano ang nangyari na hindi man lang nadamay sa sunog ang mga santo.

Aniya, may divine intervention na nangyari sa kanilang tahanan na nasunog dahil tila nakaligtas sa pinsala ang mga imahen ng santo.

Makikita sa mga litrato na halos maabo na ang buong bahay pero buong-buo pa rin at tila hindi naabutan ng apoy ang mga imahen.
Photo credit: Pao Paginado Dehan
Photo credit: Pao Paginado Dehan

Ayon sa awtoridad, isyu sa electrical connection ang sanhi ng sunog.

Maraming netizens ang naniniwalang milagro nga ang nangyari.

Sa Facebook page naman ng ABS-CBN News kung saan ibinahagi ang mga larawan mula kay Dehan, umabot na sa 82k reactions, 5.2k comments at 2.8k shares ang nasabing post.

Samantala, nagtatalo-talo naman tungkol sa relihiyon ang mga netizens sa comment section.

Tignan ang mga larawan sa ibaba:
Photo credit: Pao Paginado Dehan
Photo credit: Pao Paginado Dehan
Photo credit: Pao Paginado Dehan
Photo credit: Pao Paginado Dehan

Photo credit: Pao Paginado Dehan
Photo credit: Pao Paginado Dehan


***
Source: ABS-CBN News

Source: News Keener

wokes Tuesday, October 10, 2023
Estudyante, bagsak ang grado matapos nawala ni teacher ang ipinasang projects at activities
Trending ang Facebook post ng isang estudyanteng nagrereklamo matapos siyang makakuha ng bagsak na grado sa kanyang MAPEH subject kahit na kumpleto naman ang kanyang mga requirements.
Photo credit: Bombo Radyo and Willow Hamada

Sa Facebook post ni Willow Hamada, sinabi nito na nawala raw ng kanyang teacher ang ipinasa niyang projects at activities kaya siya nakakuha ng 74 na grado sa Music, Arts at Health.

Tanong niya, bakit siya bagsak kung mismong teacher niya ang nakawala ng kanyang mga requirements?

Nawala daw nila mga projects and activities na napasa namin, so kung nawala nila, bakit nila kami binagsak??” sabi ni Willow.
Photo credit: Willow Hamada

I mean, it's very wrong. Sila nakawala tapos kami sasalo ng problema by having a bad grades?” dagdag nito.

Mabilis na kumalat sa social media ang post ni Willow na ngayon ay mayroon ng 36k reactions at 36k shares.

Narito ang kanyang buong post:

“I just got my card now, i'm dissapointed. They give me a 74 in mapeh, nagchat ako sa teacher ko kung bakit ganon grades ko. Ang sagot niya, kulang daw ako sa requirements which is not. Nawala daw nila mga projects and activities na napasa namin, so kung nawala nila, bakit nila kami binagsak?? I mean, it's very wrong. Sila nakawala tapos kami sasalo ng problema by having a bad grades? I just thanked God that i have a parents who doesn't pressure me to have a high grades, but giving us low grades just because nawala nila yung napasa namin is very wrong.”


***

Source: News Keener

wokes Monday, October 9, 2023
Ang tagapagmana ni Willie Revillame! Nag-iisang anak na lalaki ni Willie, ipinakilala na sa publiko
Si Wilfredo Buendia Revillame o kilala bilang si Willie Revillame ay isang Filipino television host, singer, song writer, businessman, actor and comedian.
Photo credit to the owner

Si Willie ay nagmula rin sa mahirap na buhay kung kaya't ramdam din nito ang hirap ng ating mga kababayan na sumasali sa kanyang palabas.

Gayunpaman ay sa wakas ipinakilala na rin niya sa publiko ang kanyang pinaka-mamahal na bunso at nag-iisang anak na lalaki na si Juamee Revillame.

Si Juamee ang lalaking bunsong anak ni Willie sa dati nitong asawa na si Liz Almoro. Matatandaan na naghiwalay din ang dalawa matapos magsampa ng petisyon sa korte si Liz upang ideklarang walang bisa ang kanilang kasal. 

Larawan mula sa Famous

Matatandaan na may mga ilang babae na dumating sa buhay ni Willie ngunit tila wala pa rin napapabalitang kanyang magiging kasama sa kanyang pagtanda.

Si Willie ay may apat na anak at ang kanyang panganay na babae na si Mary Rosalind Soriano Revillame o kilala bilang si Meryll Soriano ay pinasok na rin ang mundo ng showbiz.

Dati na rin niyang ipinakilala ang dalawa pa niyang anak na babae sina Louise Anne, at Marimonte, ngunit ang hindi naman alam ng karamihan ay mayroon pala siyang anak na lalaki na si Juamee Revillame.

Ipinakilala ni Willie Revillame sa publiko ang kanyang anak na si Juamee sa “Tutok To Win” segment ng “Wowowin".
Larawan mula sa Famous
Larawan mula sa Famous
“At siyempre ang aking bunso, ang nag-iisa kong anak na lalake. Si Juamee Revillame,” banggit ni Willie.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ni Liz ang kanilang anak na lalaki ngunit hindi naman ipinagdadamot ng babae kay Willie si Juamee at kahit na anong oras ay maaari nitong bisitahin ang kanyang anak.

Ayon kay Willie, siniguro na umano niya ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga anak lalo na ang mga bagay na kakailanganin nila sa kanilang future.
Larawan mula sa Famous
Larawan mula sa Famous


***

Source: News Keener

wokes Sunday, October 8, 2023
Ganito pala ang nangyari sa buhay ng Hari ng Kontrabida na si Paquito Diaz
Si Francisco Bustillos Diaz Sr. o nakilala sa pangalang Paquito Diaz ay ipinanganak noong May 28, 1937 sa Arayat, Pampanga at ang kanyang mga magulang ay sina Maria Bustillos at Silvino Diaz na isang Mexican American.
Photo credit to the owner

Si Paquito ay ama ng isa ring magaling at matipuno na action star na si Joko Diaz na talaga namang namana nito sa kanyang ama ang talento pagdating sa pag-arte sa telebisyon.

Naging tanyag ang pangalan ni Paquito Diaz sa larangan ng showbiz dahil siya ang madalas maging kontrabida sa mga pelikula ng malapit niyang kaibigan na si Fernando Poe Jr.

Tila nga naman bentang-benta sa mga manunuod ang astigin at kuwela na datingan ni Paquito sa kanyang mga lumabas na pelikula.
Larawan mula sa Philstar
Larawan mula sa Philippine Digest

Bukod pa sa kanyang galing pagdating sa pagiging kontrabida ay hinangaan din siya sa kanyang natural na talento sa pagpapatawa kung kaya naman naging tuloy-tuloy ang kanyang karera sa pag-aartista.

Ngunit ang hindi alam ng karamihan ay bago pasukin ni Paquito ang mundo ng showbiz ay naging basketball player muna siya ng FEU Tamaraw noong dekada singkwenta kung saan nagwagi sila ng tatlong magkakasunod na kampeonato.
Larawan mula sa Pinterest

Larawan mula sa Pinterest

Sa pagiging aktibo sa paglalaro ng basketball ni Paquito ay dito naman niya nakilala ang kanyang team mate na si Sergio Santiago na isa palang direktor at producer ng pelikula.

Dito ay binigyan siya ng maliit na role sa pelikulang pinamagatang 'Mr. Basketball' na pinagbidahan naman ni Bob Soler, at kahit na maliit na role lamang ang kanyang ginampanan doon ay agad siyang nakitaan ng natural na talento sa pag-arte.

Dito na nag-umpisa ang kanyang karera sa industriya ng showbiz at unti-unting iniwan ni Paquito Diaz ang pag-lalaro ng basketball upang harapin ang kanyang tadhana sa pag-arte.
Larawan mula sa Tunay na Buhay

Larawan mula sa Tunay na Buhay

Dahil sa angking talento nito ay agad tumatak sa isipan ng mga Filipino ang pangalan ni Paquito bilang numero unong kontrabida sa mga pelikula.

Ngunit  sa kabila ng kanyang mukha sa showbiz, hindi alam ng mga tao na si Paquito ay isang mabait, matulungin sa mga mahihirap, responsableng asawa't ama at mabuting kaibigan sa totoong buhay.

Lumipas ang panahon, sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang nagkaroon ng karamdaman si Paquito at dito na nga nag-umpisang bumagsak ang kanyang karera sa showbiz.

Madami ang nagulat ng makita nila si Paquito na biglang bumagsak ang kanyang matipunong katawan dahil sobra ang pagpayat nito at nangangalo mata.
Larawan mula sa PEP

Larawan mula sa PEP
Malayong-malayo sa matipuno niyang pangangantawan noong siya pa ay aktibo sa showbiz.

Dahil dito ay naubos na ang kanyang ipon kung kaya naman napagpasyahan nila ng kanyang asawa na ibenta na ang kanilang bahay at lupa pati na ang kanilang natitirang kotse.

Sa kabila ng kanyang pakikipaglaban sa kanyang karamdaman ay hindi na rin kinaya ng kanyang katawan at unti-unti na nga itong nanghina.

March 3, 2011 sa edad na 78 ay tuluyan na ngang namaalam ang batikang aktor na si Paquito Diaz.

Talaga nga naman na kahanga-hanga ang kanyang ginawa sa mundo ng showbiz kung kaya naman hindi maitatanggi na isa siya sa mga naging matitibay na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.


***

Source: News Keener

wokes
Rene Requiestas, alyas "Cheetah-eh", ano ang tunay na nangyari at bakit sa edad na 36 ay nagpaalam na ito?
 Si Renato L. Requiestas o mas kilala sa pangalang Rene Requiestas ay ipinanganak noong January 22, 1957 sa Tondo Manila at hindi maikakailang nagmula siya sa isang maralitang pamumuhay.
Photo credit to the owner

Ayon sa kanyang kwento, sa murang edad pa lamang ay nasubukan na nitong magtinda ng sigarilyo sa kalye ng Tondo.

Ayon pa dito, pagkagaling sa eskwelahan ay umeekstra din siya sa junkshop para mas kumita at may maibigay sa kanyang mga magulang.
Larawan mula sa famousfix

Larawan mula sa famousfix

Dahil kapos at sobrang hirap ng kanilang buhay noon ay madalas lugaw lamang ang kanilang pinantatawid gutom sa pang araw-araw.

Dahil sa hirap ng kanilang buhay ay nagpasya ang kaniyang mga magulang na ipakupkop silang magkakapatid sa kanilang kamag-anak.

Halos araw-araw umano ay tumutulo ang luha ni Rene at nagdarasal ito na sana ay balang araw mabuo na ulit ang kanilang pamilya.

Kahit na ganito ang buhay na mayroon si Rene ay hindi siya pinanghinaan ng loob at isang araw ay naisipan nitong mag-apply sa isang teatro kung saan nagtatrabaho ang kanyang kaibigan.

Dito ay hindi umayon kay Rene ang tadhana at dahil sa kanyang itsura ay hindi siya natanggap.
Larawan mula sa Net Worth Post

Si Rene ay hindi kaagad sumuko at sinubukan niya ulit mag-appy at sa pagkakataon na ito ay natanggap na siya ngunit hindi bilang aktor kundi bilang isang janitor.

Buong puso na tinanggap ni Rene ang ibinigay sa kanyang trabaho dahil alam niyang ito lang kanyang pag-asa para kumita ng pera para sa kanyang pamilya.

Isang araw ay hindi inaasahan ni Rene na mabibigyan siya ng role dahil hindi sumpipot ang isang aktor at kailangang makahanap kaagad ng kapalit nito.

Dito ay sinubukan nila ang talento ni Rene at dito na nga niya ipinakita ang kanyang itinatagong angkin galing sa pag-arte.

Hindi nito binigo ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya at dito nga siya ang nanalo bilang isang best aktor sa ginampanang role ng gabing iyon.

Dito na nga nag-umpisa ang kanyang karera sa mundo ng showbiz bilang isang komedyante at dahan-dahang nagbago ang takbo ng kanyang buhay.

Isang araw ay nabigyan siya ng break matapos nitong makilala ang kanyang idol na si Joey De Leon at kinuha siya bilang isang sidekick sa pelikulang "Starzan".
Larawan mula sa Net Worth Post

Larawan mula sa Net Worth Post
Gumanda ang kanyang karera sa pag-arte at nakabili siya ng magandang bahay at lupa para sa kanyang pamilya.

Naging tuloy-tuloy ang kanyang pag-angat sa buhay ngunit kasabay naman nito ang kanyang pagkahumaling sa ibat-ibang bisyo at dahil dito ay unti-unting bumigay ang kanyang katawan.


Dahil mahina ang kanyang resistensya ay sa kasamaang palad ay noong taong July 24, 1993 ay nagpaalam na nga ang aktor sa edad na 36.
Larawan mula sa wowbatangas
Talaga nga naman na kahanga-hanga ang kanyang ginawa sa mundo ng showbiz kung kaya naman hindi maitatanggi na isa siya sa mga naging matitibay na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.


***



Source: News Keener

wokes
Sunshine Cruz pinagsisihan ang pagiging ‘bold star’; Inaming malaking dahilan sa hiwalayan nila ni Cesar Montano
Sa naging panayam ni Boy Abunda kay sa aktres na si Sunshine Cruz, diretsahang inamin ng aktres na may mga panahong pinagsisihan niya ang pagiging bold star noon.
Sunshine Cruz and Cesar Montano / Photo credit to the owner

Aniya, dahil sa kanyang image noon ay apektado rin maging ang kanyang mga anak.

“I get affected kasi ‘yung mga bata dapat hindi nadadamay pero ngayon naisip ko ang importante kung talaga ‘yung mga nakakakilala sa’kin at naiintindihan ako at mahal ako,” paglalarawan ng aktres sa kaniyang saloobin noon sa isyu.

“‘Yung mga tao na nagsasabi ng hindi maganda tungkol sa akin – bold star, sexy star – it doesn’t matter anymore,” dagdag ni Sunshine.
Photo credit to the owner

Nasa poder ni Sunshine ang tatlong anak nila ni Cesar na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Francheska.

Pagbabahagi ng aktres, hinintay din umano niya ang tamang pagkakataon bago ipinaalam sa mga anak ang kaniyang nakaraan.

“Nung time na ready na sila at kahit papano ay maiintindihan na nila ako, dun ko sinabi sa kanila. Hangga’t maaari kasi gusto ko sa’kin manggagaling hindi sa ibang tao,” pagbabahagi ni Sunshine.
Cesar Montano and Sunshine Cruz / Photo credit to the owner

Hindi naman itinanggi ng aktres na minsan na niyang pinagsisihan na nakilala bilang sexy star noong kabataan niya.

“There was a time na ni-regret ko ‘yun especially naging malaking parte ‘yun ng aming separation ng aking ex-husband. But at the end of the day, mas naging stronger ako; mas natuto ako,” aniya.

Dagdag ni Sunshine, mas pinatunayan niya lang sa publiko na hindi lang siya sa pagpapa-sexy magaling.

“Mas natuto ako and ang ginawa ko lang Tito Boy ay mas pinatunayan ko sa mga tao na hindi lang ako sexy star o bold star.”

“I can also be a singer.  I can be an actress. Most especially, I am a good mom. I know that for a fact na lahat naman tayo nagkakamali, nagkakaroon ng maling desisyon nung mga bata pa tayo pero ang importante ay kung ano tayo ngayon,” saad ng aktres.

Matatandaang noong 2000 nang ikasal sina Sunshine at Cesar ngunit naghiwalay rin sila taong 2013.
Cesar Montano and Sunshine Cruz / Photo credit to the owner

Sa kasunod na taon ay nag-file si Sunshine ng annulment upang mapawalang bisa ang kasal nila ni Cesar.

Ayon kay Sunshine, nagkaroon raw ng ibang mga babae si Cesar at may reklamo rin ito ng domestic abuse gaya ng marital r*pe at kahalayan sa harap ng kanilang mga anak na babae.

Nagkaroon sila ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca.

Matapos nga ang apat na taon ay pinayagan na ng Quezon City Regional Trial Court ang petisyon ni Sunshine noong September 2018.


***
Source: Balita

Source: News Keener

wokes Friday, October 6, 2023
Ogie Diaz, kinampihan si Vice Ganda at sinabing mas mabigat ang ‘lubid’ pahayag ni Joey de Leon
Nagbigay ng kanyang opinyon si Ogie Diaz sa kontrobersyal na pagsasabi ni Joey De Leon ng salitang lubid sa E.A.T. 
Ogie Diaz, Joey de Leon, Ion Perez and Vice Ganda / Photo credit to the owner

Sa bagong episode ng kanyang Showbiz Update channel, sinabi ni Ogie na kahit hindi malinaw ang dahilan ng pagsasabi ni Joey sa salitang lubid ay alam ng nakararami na ang pinatutungkulan nito ay maselang usapin. 

Nangyari ito nang matanong ang isang contestant ng kanilang segment kung ano ang mga bagay na isinasabit umano sa leeg. 

Doon nabanggit ni Joey ang salitang lubid na inalmahan ng marami. Dahil dito, hindi maiiwasang maikumpara ito sa naging reklamo umano kina Vice Ganda at Ion Perez sa icing incident naman na nangyari sa It's Showtime. 

"Ako ah kung tatanungin niyo, mas mabigat 'yung lubid sa icing," ani Ogie Diaz. 

Samantala, wala pa umanong pormal na reklamo na nakarating sa departamento ukol sa nasabing insidente sa E.A.T. 

Panoorin sa ibaba ang kabuuan ng talakayan nina Ogie D, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa YouTube channel nilang Ogie Diaz Showbiz UPdate: 



***

Source: News Keener

wokes Saturday, September 30, 2023
Seo Services