Anakbayan, isinisi kay Duterte ang pagkamatay ng isang lalaki matapos bugbugin ng mga barangay tanod

Isinisi ng Anakbayan Calamba kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkamatay ni Ernanie Jimenez, 26-anyos sa Calamba Laguna.
Photo credit to the owner

Sa ulat ng Inquirer, sinabi ng mga saksi na lumabag umano sa ipinapatupad na curfew si Jimenez kaya ito hinuli at binugbog ng mga barangay tanod sa Purok Dos, Brgy. Turbina, Calamba, Laguna.

Nawalan ng malay ang biktima kaya isinugod ito sa Calamba Medical Center Hospital ngunit hindi na ito nailigtas pa dahil sa lubha ng kanyang mga natamong sugat.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na raw ng mga pulis ang insidente.
Ernanie Fernandez / Photo credit: Anakbayan Calamba
Ernanie Fernandez / Photo credit: Anakbayan Calamba

Sa Facebook page ng ‘Anakbayan Calamba’, ipinaliwang nila na lumabas si Jimenez bandang alas-10 ng gabi upang bumili ng pagkain. Doon siya hinuli ng mga barangay tanod.

Maayos namang sumunod si Jimenez ngunit nang magpaalam itong iihi lamang ay nagalit umano ang mga tanod kaya napatakbo ito sa takot.

Nang maabutan si Jimenez ay dito na raw siya pinagbubugbog. 

Nang mahagilap si Jimenez at pinagbubugbog ito, nakatamo ito ng maraming pasa, sugat at nabasag pa ang bungo,” ayon sa post.

Isinisi naman ng Anakbayan ang pangyayaring ito kay Duterte.

Isa rin sa dapat lamang na managot ay si Duterte dahil sa pagiging bastos, inutil at utak-pulbura nito!

Basahin sa ibaba ang buong post ng Anakbayan Calamba:

“TRIGGER WARNING: DE*TH, VIOLENCE

ALERT | Kamat*yan mula sa pambubugbog ang sinapit ni Ernanie Jimenez, 26-anyos mula sa Guinayangan, Quezon. Nahuli itong lumabag sa curfew at pinagbubugb0g ng mga barangay tanod ng Purok Dos, Brgy. Turbina, Calamba, Laguna.

Ayon sa ulat, noong ika-7 ng Abril ay lumabas si Jimenez bandang 10 ng gabi upang bumili ng pagkain ngunit nahúli ito ng mga tanod at mapayapang sumáma sa mga ito. Nang magpaalam ito na iihi lamang, nagalit ang mga tanod at napatakbo si Jimenez sa tákot.

Nang mahagilap si Jimenez at pinagbubugb0g ito, nakatamo ito ng maraming pasa, sugat at nabasag pa ang bung0. Lubos naman ang galit ng kapatid ng biktima sa Calamba Medical Center (CMC) nang tanggihan sila noong isinugod ang biktima sa ospital.

Ipinapanawagan ng Anakbayan Calamba ang hustisya para kay Ernanie Jimenez! Kailanma'y hindi pagdidisiplina ang pagpat*y. Isa rin sa dapat lamang na managot ay si Duterte dahil sa pagiging bastos, inutil at utak-pulbura nito!"

Narito ang ilang komento ng mga netizens:






***
Source: Inquirer

Source: News Keener

No comments

Seo Services