Ang istorya ay umiikot sa dalawang babaeng magkapatid. Kung saan madalas humihiram ang nakakatandang kapatid ng pera sakanyang bunsong babae na kapatid, na isang guro.
Ayon sa istorya, noong mga unang pagkakataon ay hinahayaan niya lang na makahiram ng pera ang kanyang kapatid at hindi iniisip kung saan ba nito ito ginagamit.
Hindi sukat akalain ng kanyang nakakabantang kapatid na hindi naman pala nangangailangan ang kanyang ate. At panghihiram ng pera pala nito ay hinanda lamang niya para sa pagdating ng kagipitan.
Masasabing napakaswerte talaga kapag meron kang kapatid na katulad ng nasa istorya. Na kung saan hindi lamang sarili ang kanyang inaalala kundi pati ang kapakanan ng kanyang kapatid. Nawa’y mag silbing inspirasyon ang istoryang ito sa mga may kapatid at gayun din sa walang kapatid.
Laging din sana natin tandaan ang kasabihan na ang buhay ay parang gulong na kung minsan ay nasa taas at kung minsan din ay nasa baba. Kaya nakakabuti na hangga’t may biyayang natatamasa ay wag aksayahin ito bagkus ay mag ipon kagaya ng nakakatandang babae sa ating istorya
Ang istoryang ito din ay nagpapaalala sa atin ng kasabihan na kapag may sinuksok ay merong madudukot.
Kung kayo ay may kommento, maaari niyo din itong ibahagi sa amin at kung meron din kayong alam na istorya na katulad nito ay ibahagi niyo lamang sa amin.
Source: The Relatable
No comments