Pamilyang Aeta, Tinanggihang Isakay Ng Isang Kilalang Bus Liner

Sa panahon ngayon meron pa din talagang mga tao na mapang diskrimina at hindi marunong tumanggap ng kultura o pagkakaiba ng mga naka gisnan ng isang tao.

Katulad na lamang ng istorya na ibinahagi ni Mikhael Petito kamakailan sa socmed, kung saan isang pamilyang aeta ang tinanggihang isakay ng kilalang Bus liner.

Ayon sa nag ibinahaging istorya na si Mikhael Petito, Siya ay naghihintay ng masasakyan papuntang Pasay ng mapansin nito ang isang pamilyang aeta sa tabing gilid na may kausap na babae. Ayon sa kanyang nalaman, ang mga ito ay patungo sa Sta.Cruz, Pampanga. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi daw ito pinasakay at tinatanggihan pasakayin sa mga bus na nagdaan.

Dahil sa hindi makatarungan na pangyayari ay nag mabuting loob na si Petito at ang babae na tulungan ang mga ito upang makasakay. At sa kabutihang palad ay nakasakay din ang mga ito sa kasunod na bus.

Makikita sa larawan na nasa maayos na pananamit naman ang maganak na pamilyang aeta. Sadya nga lang talagang may mga tao talagang mapangmata ng kapwa.

Kaya naman dahil sa pangyayaring ito ay nag labas ng kanyang hinaing si Petito patungkol sa Bus na hindi pinasakay ang pamilyang Aeta. Narito ang kayang mensahe na kanyang pinost sa social media.

“Hi Victory Liner, Inc. may existing rules ba kayo na namimili ng sasakay? Ayon kay ate na nag assist din sa kanila 2 victory liner bus ang tinaggihan sila.”.

Ang binahaging post na ito ni Petito ay mabilis na nagviral sa social media at nakaabot din sa social media account ng nasabing bus company. Sumagot din ang socmed ng bus company na nabanggit at humingi ng patawad sa hindi magandang nangyari.

"I totally agree with you, that all of the PUV's should not select their passengers. All are equal and should be treated the same as the others. Aeta's are also filipino's are humans therefore they should be treated as one."

Nakakalungkot isipin na hindi lamang pala sa ibang bansa nangyayari ang ganitong  pangdidiskrimina. Pero mabuti na lamang at may mga taong katulad ni Petito na handang  tumulong at magmalasakit sa mga nangangailangan ng tulong.

Nawa’y ang pangyayaring ito ay makapag bukas mata sa ibang pang mabubuting tao sa paligid upang tumayo at tumulong sa iba. Mabuhay kay Petito.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services