Gaya ng sabi nila, huwag mong gigising o iistorbohin ang tulog ng mga aso - ito din ang naging payo ng isang driver mula sa China na na-karma sa hindi pagpansin nito.
Pabalik na sana ang lalaki sa kaniyang bahay sa Chongqing, China nang makita niya ang isang aso na nakahiga sa paborito niyang parking spot. Upang mapaalis ang aso sa pagkakahiga nito, sinipa ng lalaki ang aso. Lingid sa kaniyang kaalaman, ang ginawa pala niyang ito ay magiging iba ang balik sa kaniya.
Umalis ang aso sandali ngunit hindi pa pala doon nag tatapos ang pangyayari.
Makalipas ang ilang minuto, bumalik ang aso kasama ang iba pang mga aso at nagpatuloy sa paghihiganti sa lalaki sa pamamagitan ng pagkagat sa bodywork at windscreen wipers nang sasakyan ng lalaki na sumipa sa aso.
Ang pangyayari naman ay nakuhanan ng kapitbahay na nagulat din sa pangyayari. Kinabukasan, ipinakita niya sa driver ang mga ebidensya ng ilang mga marka at gasgas sa kaniyang sasakyan na sanhi ng mga pagkagat ng aso.
Lingid sa kaalam nating lahat na ang mga aso sa China ay madalas kinukuha sa kalsada at dinadala ang mga ito sa isang dog fights kaya naman hindi nakakapagtaka na sanay sila sa mga ganitong uri ng gawain.
Ang China ay isa lamang sa mga bansa na walang animal cruelty laws at ang tao na puminsala sa isang tao o sa iba pang mga hayop ay maaari lamang makasuhan para sa pagsira ng pag-aari kung ang hayop ay pagmamay-ari ng isang tao.
Samantala, marami namang netizens ang bumilib at pumuri sa aso dahil alam nito kung paano depensahan ang kaniyang sarili laban sa tao na gumawa ng mali sa kaniya. Sinabi din ng ilan na karma lamang ang nangyari sa lalaki dahil sa pagsipa na ginawa nito sa tahimik na nakahigang aso.
Source: The Relatable
No comments