Professional teacher na nag-upload ng edited picture ni Duterte, humingi ng paumanhin

Umani ng maraming batikos ang netizen na si Laarni Villaluz dahil sa pag upload niya ng larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte na in-alter habang humahalik sa lupa sa Jolo kamakailan.

Sa larawan, makikita si Pangulong Duterte na nakayuko habang may pagkain ng aso sa kanyang mukha.

Mabilis na kumalat ang larawan na ito at marami ang nagalit kay Villaluz na isang licensed professional teacher mula sa Lucena City.



Samantala, humingi naman ng paumanhin si Villaluz gamit ang isa pang account dahil hindi na raw niya ma-access ang kanyang orihinal na Facebook.

Humingi ito ng paumanhin kay Pangulong Duterte at aminadong mali ang kanyang ginawa. Humingi rin si Villaluz ng paumanhin sa kanyang pamilya dahil napahiya umano ang mga ito dahil sa kanyang ginawa.

“I want to apologize to our President for inappropriately posting the said meme in a specific group. I am humbly asking for your acceptance of my apology, Mr. President,” sabi ni Villaluz.

Maging sa kanyang mga studyante ay humingi rin ng paumanhin si Villaluz dahil sa kabastusang ipinakita niya. Aniya, nakita lamang niya ang larawan sa mga comment section at hindi siya ang mismong may gawa nito.



Narito ang buong post ni Villaluz:

"Hello po. Allow me to express myself.

First of, I want to apologize to our President for inappropriately posting the said meme in a specific group. I am humbly asking for your acceptance of my apology, Mr. President. I know this has caused too much and too bad. I am really sorry po at hindi po ako nag isip. This was literally a hundred percent sign of disrespect. I am really sorry po.



To My family, pasensya na rin po if napahiya po kayo dahil sa akin. Sa mga pinsan ko po, relatives and sa lahat po ng patuloy na minemessage. Pasensya na po sa lahat.

To DEPED community, I know this has been another issue po which has been connected in the profession. I am really sorry po for causing this trouble. Pasensya na po sa lahat ng teachers and in the field of Education. I am really sorry po.

To my Workplace, I know this has caused so much damage. Pasensya na po sa lahat. Especially sa admin who have been receiving lots of bashing. I will fix this po.

Please stop spreading hate towards my workplace po. Wala po silang kakulangan. My said post has nothing to do with my workplace po, at inaamin ko po na sobrang nagkamali ako. Please, ako na lang po. Wag po ang workplace ko.

To my students, sorry for disappointing you. I was becoming unprofessional with my post. I understand if the way you think of me has changed. Pasensya po. I'm really sorry.
And to everyone na nainis at nagalit, I am really sorry po. I know, this has lots of consequences.

With regards to my post, earlier in the morning, I saw that picture in a particular comment section and I downloaded it po. I was not the one who edited the picture, however, since I posted it po, I know I am accountable for it.

Please po, wag na po ang family ko. Ang workplace ko at ang mga kaibigan ko.

Hindi ko na rin po maaccess ang account ko.
I am really sorry po. I deserve all of these.”


***

Source: News Keener

No comments

Seo Services