Kadalasan tayong mga pilipino ang tumutulong sa kapwa rin natin pilipino. Ngunit kakaiba ang pangyayaring ito na nagbigay inspirasyon sa lahat, na kahit pala dayuhan ay may busilak din ang puso na tumulong sa ibang lahi.
Isang may butihing puso na si Basel Manadil, isang Syrian Vlogger. Tinulungan ni Basel ang isang 82-anyos na balut vendor, nang matanggap niya ang larawan at malaman ang kwento ng vendor na si lolo Fernando, hinanap niya ito upang tulungan.
“I have soft spot sa mga elders, na sana ay nagrerelax nalang while on their golden age pero in reality marami pa din sakanila ang kumakayod para sa pamilya.”
Agad pinuntahan ng Syrian Vlogger ang Balut Vendor na nakatira at nagtitinda sa Biñan, Laguna, nadatnan ni Manadil si lolo Fernando na nagtitinda pa rin kahit dis oras na ng gabi.
“Pinakyaw ko na lahat ng paninda, x3 ng presyo at kinuha ko na lahat ng paninda at inihatid si lolo ng safe sa kanyang bahay to make sure hindi makulit si lolo at ititinda pa din nya ang kanyang mga balut.😅” kwento niya.
Eto pa ang nasabi ng isang netizen dahil sa paghanga sa kabutihang loob ng Syrian.
“Thanks Basel for being such a good person! I’m praying that you stay healthy and successful so that the Hungry Syrian Wonderer can continue helping the needy Filipino people!
God Bless!”
God Bless!”
Marami na ang natulungan si Manadil na siyang labis na kinahanga ng Netizens, lalo pa at siya ay dayuhan lamang sa ating bansa.
***
Source: Nation's Press
,
Source: News Keener
No comments