Lola, Muntik na mabudol ang 7M na pinag ipunan sa loob ng 30 taon pagta trabaho sa Amerika

Marami sa atin ang matalino na pagdating sa pag iimpok upang mapaghandaan ang ating hinaharap, para sa ating pamilya, lalong lalo na para sa ating pagtanda.

Sapagkat sa ating pagtanda ay hindi na  tayo makakapag hanapbuhay, at syempre ayaw din natin dumating ang araw na iaasa natin ang ating mga gamot at pangangailangan sa ating mga anak.

May ibat ibang paraan ng paghahanda para sa pagtanda, sa aspetong pinansyal. Ang iba ay nag iimpok sa bangko at ang iba naman ay kumukuha ng kanilang mga insurance.


Napakahirap talaga ang maghanda at mag impok para sa pagtanda, kelangan ng magtiis at magtipid upang makapagtabi man lang para sa kinabukasan, kaya naman napakasakit kung ito ay maglalaho lamang na parang bula. 

Gaya ng karanasan ng isang lola na nakaipon ng 7-M halaga sa loob ng 30 taon pagtatrabaho sa Amerika.


Napakahirap isipin na ang isang taong naghanda at nagpakahirap para sa kanyang pagtanda ay maloloko lamang ng masasamang tao.

Mabuti na lamang at sadyang napakabuti ng Panginoon sapagkat hindi tuluyang nabudol ang pera ng 92 anyos na si lola Remedios, taga Balagtas Bulacan.


Sa isinagawang entrapment operation, nahuli ang salarin, lalaki, na nagngangalang Anthony Jitula, na napag alaman na matagal ng umaali aligid sa lugar ng Bulacan at sa mga karatig bayan nito.

Si Jitula ay miyembro pala ng budol budol at pinlano na nilang kuhanin ang pera ni lola na mahigit 7M, na pinaghirapan nitong ipunin sa loob ng 30 taon trabaho sa Amerika.

Sa imbestigasyon, nakilala ni lola ang suspek, sapagkat ito ay nag offer na mag invest sa mamahaling  home appliances kay lola, at agad naman nilang nakuha ang loob nito.


“Di natin alam kung gaano kagaling `yong skill nila sa pag-convince pero na-convince nila ang вιктιмα kasi according sa records ng bank ay talagang nagkaroon ng withdrawals.”

Saad naman ni Lola Remedios,“Mag-ingat sa mga kakausap sa inyo, `Wag kayong magtiwala agad.
Hindi katulad natin lahat ng tao, may mga ωαℓαnghiya ngayon.”“Kay tanda ko na, aargabiyaduhin pa nila. Imbis na tulungan nila, Sa aking mga pinuno, ayon ang dapat nilang bantayan.”
Nagbabala ang pulisya sa lahat na mag ingat sapagkat patuloy parin at dumadami pa ang mga modus na ganito.
***
Source: LIGHTFEED

Source: News Keener

No comments

Seo Services