Babaeng Estudyante, Labis Na Na Stress Sa Module At Nawala Pa Sa Katinuan

Ang ating kaisipan ay hindi natin kailanman kontrulado sa paraan na meron ilang dahilan nag dudulot na maka sira dito. Dahil sa labis na pag iisip maaring ito ang maging dahilan sa pagkakaroon ng "anxiety" "depression" at ibang bunga dulot ng labis na pag iisip sa mga bagay bagay.

Sa systema na inilatag ng Gobyerno sa ngayon na kung tawagin ay Online Class o Modular Class. Meron sa ilang kabataan ang syang nahihirapan sa bagong systema na ipinalabas ng DepEd at CHED.

Pero dahil sa kagustuhan na makatapos, walang magagawa ang ilan kung hindi mag comply sa lahat ng tasks at activity na nais ipasa sa nasabing mga schedule.


Hindi lingid sa kaalaman ng ilan na mayroong mga bata ang hindi nagagabayan o natuturuan sa mismong tahanan. Kagaya nalamang ng kwento ni Rochelle Robles na nakatira sa Tanay, Rizal.

Ibinihagi ng kanyang Ate na si Regine Robles ang kahihinatnan ng kanyang kapatid na tila ba nawalan na ito sa pag iisip dulot ng pag sasagot sa mga modules nito. 

Ayon sa pahayag ni Regine sa kanyang FB Post;

"Humihingi kami ng tulong para ipa psychiatrist ang kapatid ko na si Rochelle Robles kasi po nanakit na siya."

Hindi na raw ma control ng pamilya nila ang kahinatnan ni Rochelle dahil sa nanakit na ito. Labag sa kalooban ng pamilya na itali nalamang si Rochelle sa kawayan dahil hindi na ito ma control ng mismo niyang pamilya. 

Humihingi naman ng tulong si Regine sa RaffyTulfoInAction at WishKoLang upang matulungan sa gastusin para ipagamot ang kanyang kapatid.

Umani naman ng ibat ibang pahayag sa social media ang kalagayan ng 16 anyos na dalagita. Umabot na sa 2.3 shares ang nasabing post.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services