Isang foreigner ang na-stranded dito sa Pilipinas matapos maipatupad ang lockdown noong March 16, 2020 dahil sa banta ng CoV1d-19.
Photo credit: Kicker Daily News
Kinilala ang foreigner na si Dustin Borglin, 36, mula sa Michigan USA, at isa ring vlogger.
Taong 2016 noong unang bumisita si Dustin sa Cebu City at talaga namang nagustuhan niya ang ating bansa dahil sa mga magagandang tanawin at mabubuting ugali ng mga Pilipino. Kaya naman bumalik ulit siya noong Marso ng taong ito.
Ngunit dahil sa pandemya, na-stranded si Dustin sa Toledo City noong kumalat ang CoV1d sa ating bansa. Ngunit imbes na mamoblema, mas ginusto ni Dustin ang tumulong sa ating mga kababayan.
Photo credit: Kicker Daily News
Ang mag-asawang sina Raymund at Reche Adoptante ang nagpatuloy sa kanilang tahanan kay Dustin.
Unang nagkilala sina Dustin at Raymund noong bumisita ang foreigner sa Pilipinas taong 2016. Naging magkaibigan sila noon dahil sa paglalaro ng basketball.
Madaling natuto si Dustin sa kultura ng mga Pilipino. Natuto rin siyang magluto ng iba’t ibang Filipino dishes. Naging maganda rin ang pakikisama ng mag-asawa sa kanya.
Bilang pasasalamat, niregaluhan ni Dustin sina Raymund at Reche ng bahay.
“They’re like my family. I’ve known them for almost three years now, and they’ve just been so kind to me,” sabi ni Dustin.
Photo credit: Kicker Daily News
Masayang masaya raw si Raymund sa natanggap niyang regalo mula sa kaibigan. Hinding hindi raw niya ito makakalimutan hanggang sa kanyang pagtanda.
Ayon kay Dustin, alam niya raw kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ng mga Pilipino sa panahon ng pandemya. Kaya naman gumawa rin siya ng paraan upang matulungan ang iba pang pamilya.
Isang pamilya rin ang pinagawan ni Dustin ng palikuran dahil nalaman niyang sa kakakhuyan lamang dumudumi ang mga ito.
Ginagamit ni Dustin ang kanyang kinikita sa pagvlo-vlog upang tumulong sa ating mga kababayan.
Naging panatag din pamilya ni Dustin sa Machigan ng malaman nilang nasa mabuting kalagayang ang vlogger.
Sa ngayon ay hindi pa alam ni Dustin kung makakauwi na ba siya bago matapos ang taong ito.
Panoorin ang video sa ibaba:
***
Source: Kicker Daily News
Source: News Keener
No comments