Bahay Na Gawa Sa Amakan, Di Akalain Na Sobrang Bongga Ang Loob

Nag-viral ang isang post ng bahay na gawa sa amakan matapos itong ibahagi ng isang netizen na si Reneza Escuadra Verner, nito lamang Huwebes, ika-3 ng Setyembre, taong kasalukuyan. 

Ipinost ito ni Verner, na ilang buwan na ring miyembro nang isang public group na Lovely House Design. Mayroon itong 2.1 M na miyembro, kung saan nagbabahagian ang mga ito nang kani-kanilang disenyo ng mga bahay o kaya naman ang mismong bahay ng mga ito. 

Ilan na sa mga post dito ang umani ng maraming likes at share sa Facebook. Mayroong iba't ibang uri ng disenyong tampok dito. Mayroong simple o kaya nama'y magarbo. Marami rin dito ang patok sa budget ng maraming kababayan. Kabilang na nga rito ang paggawa ng tinatawag na Amakan House. 



Ang amakan ay isang tradisyonal na materyal gawa sa hinabing kawayan. Dahil sa murang halaga nito, madalas itong ginagamit sa mga maliliit na bahay sa probinsiya at sa ilang beach resorts. 

Sa ngayon, marami na ang nagpapatayo ng ganitong bahay. Ang iba'y half-concrete at half-amakan upang kahit papaano'y matibay. Ang iba nama'y buong amakan ang bahay. 

Ngunit sa bahay na ito, kung anong kinasimple ng loob, siya namang kinarangya ng loob.

Ang terrace sa labas ay naka-tiles, pagdating naman sa loob, parquet na ang disenyo ng sahig. Maayos rin ang pader sa loob, hindi amakan ang mababakas dito. Ang kisame'y maganda. Maluwag ang sala, kung saan makikita na rin ang kusina.


Mayroong dalawang kuwarto. Maganda ang lighting ng tirahan. Maaliwalas kung titignan ang kabuuan nito dahil na rin sa puting kulay ng mga pader. 

Marami ang humanga sa disenyo nang bahay na ito at nagbigay ng papuri. Ang ilan nama'y na-engganyong gayahin ang ganitong estilo. Mayroon ding mga nagtanong ukol sa detalye ng bahay. 

Sa ngayon, umabot na sa 38K likes, 3K comments at 41K shares ang post na ito sa Facebook.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services