Medical group kinondena si Dr. Ron dahil sa pagkakalat nito ng maling impormasyon patungkol sa C0VID-19

Kinondena ng Philippine Physical Therapy Association Inc. (PTTA) ang physical therapist na si Dr. Ronald Samaniego o mas kilala sa tawag na ‘Dr. Ron’ matapos nitong magkalat ng mga maling impormasyon patungkol sa C0VID-19.
Dr. Ronald Samaniego / Photo credit to the owner

Noong Martes ay naglabas ng pahayag ang PTTA laban kay Dr. Ron dahil sa pagiging “unethical and irresponsible” nito.

Mr. Samaniego is not a member of the association. We have reviewed some of the statements he made, and his claims about vaccination and the C0VID-19 pandemic now circulating on social media which are dearly unfounded and without medical value. His claims do not reflect the views of the entire physical therapy profession, even less so, of the PPTA,” ayon sa pahayag ng PTTA.
Dr. Ronald Samaniego / Photo credit to the owner
Dr. Ronald Samaniego / Photo credit to the owner

Naghahanda na rin daw ang PTTA na magsampa ng ‘ethical complaint’ laban kay Dr. Ron sa Professional Regulation Commission (PRC).

Napag-alaman din na expired na rin pala ang lisensiya ni Dr. Ron.

Mabilis na nag-viral at kumalat sa social media ang mga videos ni Dr. Ron kung saan sinasabi nitong hindi raw totoo ang C0vid-19.

Kinuwestiyon rin niya ang Department of Health (DOH) at mga healthcare workers kung papaano raw malalaman kung infected ang isang tao ng C0vid.
Dr. Ronald Samaniego / Photo credit to the owner
Dr. Ronald Samaniego / Photo credit to the owner

“Ito tanong ko sa DOH at sa mga naniniwala na may C0VID na nakakamatay at nakakahawa ng husto. Paano niyo nalaman na may C0VID? Anong proof niyo na meron C0VID pa rin? Ano proof niyo na nakakahawa at nakakamatay ang C0VID?” tanong ni Dr. Ron.

Sa ngayon ay binura na raw ng Facebook ang Facebook page ni Dr. Ron na mayroong halos 700,000 followers.

Dagdag pa niya, scam lang daw ang C0vid at ginagamit lamang ito ng gobyerno upang pagkakitaan. Ayon rin sa kanya, ang PCR (polymerase chain reaction) test ay hindi raw nakaka-detect kung positive ang isang tao.
Dr. Ronald Samaniego / Photo credit to the owner
Dr. Ronald Samaniego / Photo credit to the owner

Kahit ‘yung inventor mismo (ng PCR test) nagsabi hindi dapat ginagamit ‘yan to diagnose coronavirus. So ang tanong ko sa mga medical doctors na nagsasabi na may cor0navirus pa rin, paano niyo nalaman na meron coronavirus talaga?” sabi ni Dr. Ron.

Kung PCR testing lang at data ng WHO (World Health Organization), data ng DOH, wala na tayo pag-uusapan. Talo na kayo.” dagdag pa nito.

Ayon naman sa News5, walang sinabi ang inventor na si Kary Mullis na hindi makaka-detect ng positive individual ang PCR test.

Nanawagan ang PTTA sa mga healthcare workers at sa mamamayan na maging mapanuri sa mga impormasyon na kumakalat sa social media.

We need to be active combatants against the spread of disinformation and misinformation. Now more than ever, we need to be able to rely on solid information backed-up by evidence from trusted sources and agencies/organizations if we are to win against this pandemic.”

Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:








***
Source: News5

Source: News Keener

No comments

Seo Services