Patuloy parin ang pagdinig patungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN network sa Congreso at marami ng celebrities ang nagpahayag ng kanilang suporta upang muling magbalik telebisyon ang Kapamilya network.
Isa sa mga nagpakita ng kanyang pagsuporta ay ang GMA Kapuso aktres na si Glaiza de Castro.
Sa kanyang Twitter, ipinahayag ni Glaiza ang pagsuporta sa ABS-CBN.
“Hindi na ito labanan ng istasyon, laban [‘to] ng mga Pilipino. Lahat tayo apektado. Dasal, kapit, akap,” tweet ni Glaiza.
Hindi na ito labanan ng istasyon, laban to ng mga Pilipino. Lahat tayo apektado. Dasal, kapit, akap.— Glaiza de Castro (@glaizaredux) July 6, 2020
Ang agenda ng hearing kahapon ay patungkol sa pagiging “political bias” umano ng nasabing network partikular na sa hindi nito pag-ere ng campaign ads ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.
Ayon kay CEO and President, Carlo Katigbak, ang pag-ere umano ng campaign ads ng ABS-CBN ay “first come first served”.
Noong May 4 nag expired ang franchise ng ABS-CBN at patuloy parin ang pagdinig patungkol sa renewal nito.
***
Source: Inquirer
Source: News Keener
No comments