Ramon Ang ibinunyag ang panloloko sa panahon ng pandemya: "Kailangan natin totoong tumulong, hindi yung bola."

Sa inagurasyon ng COVID testing facility ng San Miguel Foundation sa Edsa, nagpatama si SMC President at CEO Ramon S. Ang sa mga taong nagpapagawa ng CoVid-19 testing facilites ngunit kakaunti lamang ang tine-test dahil sa kakulangan ng mga gamit.
Ramon Ang / Photo credit: CNN Philippines

Sinasabi nila na yung RITM (Research Institute for Tropical Medicine), ang rated capacity ay 10,000 per day ang naprocess kahapon ay 70 percent. Kahanga-hanga ‘yun. Yung iba naman, rated capacity, kung 5,000 ang naprocess 2 percent lang,” sabi ni Ramon.

“Lahat sila kumikita sa gobyerno, lahat sila kumikita sa bayan pero puro pakitang-tao…”Yung swab booth, P1000 isa nun. Eh kung bibili ka ng 250,000 na swab kits, 250 million (pesos) yun. Yung swab (booth), pakitang-tao lang yun. Kailangan natin consumables. Kailangan natin swab kits. Kailangan natin totoong tumulong, hindi yung bola. Kailangan natin totoong tumulong, hindi yung bola.” dagdag niya

Aniya, marami umano ang kumikita dahil sa pandemya, habang ang iba naman ay ginagamit ang health crisis para pabanguhin ang kanilang mga pangalan.

Dahil dito ay hinikayat ni Ramon ang media na bigyan ng malaking coverage ang mga testing center upang lumutang ang mga indibidwal na pera lamang ang habol. 

Ito rin daw ang magiging daan upang maibunyag sa publiko kung bakit ayaw ng mga Pilipino sa mga ganitong testing center dahil sa sobrang mahal ng singil.

Kailangan imulat niyo yan sa taong-bayan. Who are the performers and who are not? Para mahiya silang lahat at mag-step up. So mga kababayan, sana po lahat tayo tumulong para matulungan ang mga mahihirap,” giit ni Ramon.

Dagdag niya, walang rason para pagdamutan ang mga Pinoy, mahirap man o mayaman para sa polymerase chain reaction (PCR) diagnostic test. Sa COVID-19 facility ng San Miguel Foundation, nagkakahalaga ang testing ng P2,500 kung saan makikita agad ang resulta sa loob ng 24 oras.

Tingnan niyo, today, magpapatest ang ordinary na tao. First of all, may sakit na siya, hahanapan pa siya ng doctor’s prescription. Tapos saan siya pwede magpatest? Sa mamahaling ospital? P10,000, P5,000, P7,000,” ayon kay Ramon.

Ang isang ordinary na tao, sa tingin niyo they can afford to pay 5 or 10 thousand for testing? Baka sabihin niya, “mas kailangan ko itong iuwi sa bahay para makakain ang anak ko. Di na ako magpapatest, mamatay na lang ako sa kalye,” dagdag niya.


***
Source: Abante

Source: News Keener

No comments

Seo Services