Seller nagreklamo, Viral dahil sa mabilis na pagdating ng inorder nitong produkto?

Normal na sa ating mga customer na maging mas masaya pag dumating agad ang kinasasabikan nating order online.

Madalas pa nga ay ikinagagalit pa natin kung matagalan pa ang pagdating ng order nating produkto.

Ngunit kakaiba ang customer na ito na inaway ang seller sa maagang pagdating ng kanyang order, sapagkat inaasahan nya ito tatlo hanggang limang araw matapos nya itong orderin.

Ikinagulat na lamang ni seller sa 3 stars na rating ni customer sa kanyang serbisyo. Agad namang tinanong ni seller ang customer kung anu ang dahilan at 3 stars lang ang rating sa kanila, napag alaman ni seller na ikinagalit pala ng customer ang mabilis na delivery ng inorder nya.

Ibinahagi ni Jace Sarmiento, pangalan ng Lazada online seller sa social media, trending ang kanyang karanasan sa isang customer na naging usapan nila ni customer.

"ok naman products kaya 3 star kasi disapointnent yan- March 19 lang ako nag order pero March 20 dumating. Sana sabihan nyo yungtaga deliver nyo na wag naman agad agad kasi pano pala kung wala ko pambayad nung araw na yon?"

"Kea (kaya) nga Lazada ako nag order kc (kasi) ineexpect na 3 to 5 days bago dadating pero kinabukasan nadala agad...."

Nagpakumbaba at humingi na lamang ng pasensya si Jace sa customer sa abala na dulot ng maagang pagdating ng order nito.



Ipinaliwanag ni seller makikita naman sa apps ang progress ng inorder niyang produkto, at ang deliveries ay hindi hawak ng sellers, kundi ay sa delivery courier.

Ayon naman sa customer ay ngayon lang niya naranasan na dumating agad ang kanyang order kinabukasan, giit pa ni customer mali pa rin na dumating ng sobrang aga ng delivery nila.



Iminungkahi na lamang ni seller na mareklamo nalang si customer sa Lazada admin.



Ayon pa sa seller sa kanyang post ng ito ay mag viral, wala silang intensyon mang maliit ng tao, sa kabila nito hindi pa rin nya ipinost ang pangalan ng customer. Ayon pa kay seller ay malaki pa rin ang respeto niya sa mga customer at pinangangalagaan niya ang privacy nito.

***


Source: News Keener

No comments

Seo Services