Gwapo at Milyonaryo, naghahanap ng Personal Assistant upang makasama sa paglibot nito sa Buong Mundo

Sa panahon ngayong pandemya, lalong dumami ang nawalan ng trabaho at karamihan ay hindi narin namimili ng  hanapbuhay kahit hindi na naaayon sa kanilang propesyon.Wala rin daw madaling trabaho, at hindi rin madali kumita ng pera.

Ngunit mamamangha tayo sa napakagandang offer ng isang " Binatang Milyonaryo".

Sinu kaya ang hihindi sa trabahong lilibutin ang buong mundo at sasahod ng malaking halaga upang samahan ang napaka gwapong boss.


Si Matthew Lepre, 26 taong gulang, naghahanap ng personal assistant para sa kanyang paglalakbay sa ibat ibang panig ng mundo upang magbigay payo sa paglago ng online business.


Isang napakagandang oportunidad ang ino offer ng binata para sa kanyang magiging personal assistant, ayon sa kanya, sagot nya lahat ng gastusin gaya ng pagkain, air fare at hotel accommodation nito.

lalo pang kamangha mangha ang sahod na kayang ibigay ng binata, sa nagkakahalagang $52,000 o 
humigit kumulang 2.7 milyon pesos sa loob lamang ng isang taon.


Tulad na rin ng ibang trabaho na ating pinapasukan, meron ding mga kwalipikasyon na kinakailangan
 Bilang isang employer, hinahanap ni Matthew ay ang taong mahusay sa multitasking, mag ayos ng travel iteneraries, at sapat na kaalaman sa social media channels, at para sa mga paglalakbay kelangan din ang passport na valid kahit sa isang taon lamang.



“Travelling while I work has allowed me to live my ideal life, and I want to give someone the opportunity to do the same alongside me.” pahayag ni Lepre sa isang panayam.



Ayon sa report ng Daily nag Mail, ang sikreto ng pagiging milyonaryo ni Matthew ay sapagkat sa murang edad nito na 23 anyos ay nagsimula na syang magnegosyo ng e-commerce matapos na huminto sa pag aaral sa kolehiyo.

Sa sipag at tiyaga ng binata, siya ay nagtagumpay sa kanyang negosyo at kumita ng $120,000 o 6.3 milyon pesos sa loob lamang ng isang buwan.

Ang trabahong ino-offer ni Lepre ay tinagurian niyang "coolest job in the world" sapagkat ito ay pamamasyal sa ibat-ibang parte ng mundo ng libre habang ikaw nagta trabaho.

***





Source: News Keener

No comments

Seo Services