Enchong Dee nainis kay MMDA Spokesperson Celine Pialago: Walang puso at bobo

Hindi nakapagpigil at muli nanamang bumanat ang aktor na si Enchong Dee patungkol sa kontrobersiyal na pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson at assistant secretary Celine Pialago na ‘drama serye’ umano ang naging libing sa anak ng aktibistang si Reina Mae Nasino.

Enchong Dee and Celine Pialago / Photo credit: Inquirer and Top Gear Philippines

Sa kanyang Tweet, galit na galit si Enchong sa komento ni Pialago na nag trending sa social media.


This person is Heartless and Unintelligent. Ilagay mo ang sarili mo sa kalagayan ng isang ina at mangyari to sayo. 


Bilang isang tao... ok lang talaga sayo??”



Mabilis na nag-viral ang post ni Pialago matapos niyang banatan ang mga nagtatanggol kay Nasino.


Aniya, hindi naman lahat ng nakakulong ay nabibigyan ng pagkakataong makakapunta sa libing o burol ng kanilang anak.



 Source: Enchong Dee | Twitter


Source: News Keener

wokes Sunday, October 18, 2020
Isang Ina, Pinagpapalo Diumano Ng Anak Ng Tabla Hanggang Sa Masira Ito


Ang pagmamahal ng ating mga magulang sa atin ay kailanman hindi mapapantayan ng kahit anong bagay. Hindi nila iniinda ang hirap at sakripisyo na kanilang pinagdadaanan dahil ang nais lamang nila ay mabigyan tayo ng magandang buhay at kinabukasan. Kaya naman bilang mga anak, dapat nating mahalin, respetuhin, at alagaan o pagsilbihan ang ating mga magulang kapag sila ay tumanda na.


Ang di pagbibigay galang o pananakit sa magulang ay napakalaking kasalanan sa mata ng Diyos at sa batas nating mga tao.


Kagaya na lamang ng isang ina na pinagpapalo ng kaniyang anak gamit umano ang isang tabla hanggang sa masira ito.


Sa larawan na ibinahagi ng socmed page na "Titang Sultan News", makikita ang sinapit ng isang ina matapos itong pagmalupitan at pagpapaluin ng isang tabla ng kaniyang anak.



Nakilala ang anak ng biktima sa pangalan na Marlon Siriban. Sa sakripisyo at hirap na ginawa ng kaniyang ina para sa kaniya para lamang bihisan at palakihin siya ng maayos, ang ganti lamang ng mapanakit na anak nito ay saktan at pagmalupitan ang kaniyang ina.



Si nanay ay nakatira sa Lal-lo Cagayan at dumulog sa programa ni Raffy Tulfo para manghingi ng tulong sa beteranong mamamahayag para sa kaniyang pagpapagamot at para na din maparusahan ang anak na walang awa siyang sinaktan.


Ang ina na ito ay puro pasa at sugat sa mukha dahil sa pagmamalupit ng kaniyang anak sa kaniya. Kaya naman nais ng mga kapatid at kaanak ng biktima na sana ay mahuli itong si Marlon para pagbayaran niya ang ginawa niya sa kaniyang ina.




Basahin sa ibaba ang kabuuang post:


"Isa na namang nakakaawang ina ang sinaktan ng sariling anak. Pinagpapalo ng malapad na tabla ang mukha at iba pang bahagi ng katawan ng sarili niyang ina. Ginawa niyang parang chopping board ang mukha ng sariling ina.


"Kaya naman nanawagan ang mga kapatid at kaanak ni nanay na sana madakip itong si (marlon siriban jr.)."


Source: The Relatable

wokes Saturday, October 17, 2020
Maswerteng Lalake, Nabago Ang Buhay Matapos May Nakitang Bag Sa Loob Second-Hand Na Sasakyang Kanyang Nabili

Tuna’y nga naman na napakalaki ng matitipid mo kapag ikaw ay bumili ng second hand na sasakyan kumpara sa bago. Pero kung minsan ay sakit ng ulo din ang pwedeng maidulot ng pagbili ng segunda manong sasakyan lalo na kapag ito ay mayroon nakatagong dipirensya na hindi mo nakita bago mo binili.

Minsan inaakala natin na makakamura o makakatipid yun pala ay kabaliktaran. Pero kung minsan naman din ay meron talagang sinuswerte sa pagbili ng segundamanong sasakyan. Katulad na lamang ng lalaki na ito, na naka Jackpot sa nabiling sasakyan.

Sino nga ba naman ang magaakala na ang sasakyan palang nabili niya ay mayroon nakatagong limpak-limpak na pera. Nalaman niya ito matapos mapansin niya na tila ba may diperensya ang power-window ng nabiling sasakyan. 



Nung una ay plano na niya itong ipatingin sa mekaniko ngunit sinubukan na muna niya itong suriin at tignan. Nagbakasali lamang ito na baka kaya niyang ayusin. Sinimulan nitong  baklasin ang mga cover ng pinto sa loob.

Matapos nitong baklasin ang door cover ay sinunod niya naman ang plastic cover. Nang-iangat nito ang cover plastic ng pintuan ay umagaw sa kanyang antensyon ang isang bag na nakasuksuk sa gilid. Naisip nito na marahil ito ang sanhi kung bakit ayaw gumana ng kanyang power window.

Sinubukan niya itong tanggalin, matapos niyang tanggalin ang bag sa pinto ng sasakyan ay kanyang nakita ang tila ba mga quadradong bato na nakabalot sa duct tape. Sinubukan nitong alisin ang duct tape sa isa sa mga ito at laking gulat nito na isang bungkos na pera pala ang laman nito.



Hindi nabanggit kung magkano ang kabuuang halaga ng pera na nakalagay sa itim na bag. Kanyang napag alaman na ang kanya palang nabiling sasakyan ay police-confiscated vehicle kaya minarapat na lamang niya na hindi magpakilala nang binahagi ang istorya na ito.


Kung minsan may mga pagkakataon talaga na dumadating sa isang tao ang swerte ng hindi inaasahan. Kagaya na lamang ng nangyari sa lalaki na ito. Kung kaya ang nasa katayuan ng lalaki ano ang gagawin niyo?


Source: The Relatable

wokes
Vlogger, Nasabunotan Ng Asawa Ng Lalaking Pinakiusapan Niyang Tumulong Sa "No Bra Ice Bucket Challenge"

Naging usap-usapan sa socmed kamakailan lamang ang video ng isang babaeng YouTube vlogger matapos siyang sabunutan ng asawa ng lalaking kinausap niya para buhusan siya ng "ice bucket" para sa isang challenge na ginagawa niya sa kaniyang YouTube channel.

Sa video na ibinahagi ng socmed page na "Gold Vines PH" na orihinal na galing kay "Amber Lin", makikita ang isang babae, na marahil ay ang vlogger, na tila nahihiya pang lumapit sa isang lalaki na kakarating lang sa convenience store na 7/11.

Tinanong niya ngayon ang lalaki kung maaari ba niya itong kunin para buhusan siya ng "ice bucket" bilang parte ng challenge na kaniyang ginagawa.


Pumayag naman ang lalaki at tinanong ang babae kung saan nila ito gagawin. Tinuro naman ng babae ang isang pwesto sa harapan ng naturang convenience store.

Matapos mapapayag ang lalaki at maging ayos na ang lahat kung saan nila gagawin ang nsabing challenge, kinuha ng vlogger ang isang timba na naglalaman ng ibubuhos sa kaniya sa kaniyang sasakyan.

Makalipas ang ilang sandali, ginawa na ng vlogger ang naturang "ice bucket" challenge sa tulong na din ng lalaki na pinakiusapan niya.


Ngunit, bigla na lamang mayroong babae na lumapit, na marahil asawa o kasintahan ng lalaki, at pinaghahampas na lamang bigla ang lalaki. Maging ang timba na ginamit kani-kanina lamang ng vlogger at ng lalaki ay binalibag din nito!

Sinubukan awatin ng vlogger at ng kasama niyang nagvi-video ang babae sa ginagawa nito sa lalaki. Nakalayo din naman ang lalaki ilang sandali lamang ngunit ang vlogger naman ang siyang sinabunutan ng babae.

Humingi naman ng pasensya ang vlogger sa susunod na bahagi ng video dahil hindi daw niya inaasahan ang pangyayaring iyon. Sa katunayan nga nyan, nanginginig pa din daw siya hanggang sa mga oras na iyon.

Ayon sa vlogger, pinaliwanag naman daw niya sa babae ang nangyari bago umuwi ang mga ito. Hiling lamang ng vlogger na sana ay hindi na mag-away pa ang dalawa hanggang sa makauwi na sila sa kanilang tahanan. Muli pa ay humingi ng tawad ang vlogger dahil sa nangyari.

Umani naman ng iba't ibang komento ang nasabing video sa maraming netizens. Narito ang ilan sa kanila:

"Ice bucket challenge with extra sabunot. dko alam kng mtatawa ako maawa ako.."

"lukarit ka kasi. mga kabataan ngayon wala ng tamang attitude. dapat nagdala ka na din ng sabon at shampoo. papansin... ..."

"Grabe naman si ateng sugod agad di ba pde mag tanong una wala naman mali ginawa yun vloger hahahaha naawa ako sa vloger."

Sa ngayon, umabot na sa mahigit na 186,000 reactions, 27,000 comments, at 52,000 shares ang nasabing post.


Source: The Relatable

wokes
Dahil Sa Pagpigil Sa Pagbahing, Lalake Nagkaroon Ng Kakaibang Kondisyon Sa Lalamunan At Rib Cage Niya

Sa panahon ngayon masasabing ang hindi pagtatakip ng bibig sa tuwing babahing ay nagpapakita ng hindi magandang asal. Kaya naman may iilan na imbis na takipan ang kanilang bibig sa pagbahing ay pinipigilan na lamang ito.

Pero lingid sa kaalaman, ang pagpigil pala sa pagbahing ay may hindi magandang pwedeng idulot sa ating katawan.

Ayon sa isang doctor mula Emergency Department ng Britain`s Leicester Royal Infirmary,lumabas sa kanilang pag-aaral na ang pagpigil sa pagbahing ay maaaring makapag dulot ng hindi maganda sa ating kalusugan. 

Tulad na lamang ng nangyari sa isang lalaki na nagkaroon ng kakaibang kondisyon matapos makaugalian nito ang pagpigil sa kanyang pag bahing.

Ang lalaki ay 34 taong gulang lamang at ayon dito, sinubukan nitong pigilan ang pagbahing sa pamamagitan ng pag pisil ng ilong at pagtakip ng bibig, na nagresulta sa kakaibang pakirandam sa kanyang katawan.

Matapos ang pangyayaring yun ay napansin nito na nahirapan siya lumunok at nakaramdam ito ng pananakit ng lalamunan. Napansin din nito na nagbago ang kanyang boses.

Dagdag pa nito ay namaga ang kanyang leeg at nakakarinig na ito ng paglagutok sa tuwing igagalaw ang kanyang leeg.


Dahil sa pangyayari ay pinatingin nito agad sa doctor at lumalabas na nagkaroon ng tinatawag na maliit na “streak of air” sakanyang  leeg gayundin din sa kanyang “chest compartment” sa pagitan ng kanyang baga. 

Ang pwersa ng hangin na dapat palabas noong siya ay dapat na babahing ay bumalik paloob na nagresulta upang ma-damage ang kanyang malambot na tissue sa leeg na tinatawag na “subscutaneous emphysema and pnĂ©um0mediastinum”.

Binigyan agad ng gamot ang lalaki at dahil sa hirap itong kumain ay sa tube muna pinadaan ang kanyang mga kinakain.

Makalipas ang dalawang buwan ay bumalik din ang normal na pakirandam ng lalaki at nakarecover ito.

Kaya magsilbing paalala sana ito upang hindi niyo maranasan ang nangyari sa lalaking nabanggit. Bagama’t hindi natin masabi ang mga pagkakataon kung kaylan tayo mababahing nakakabuti na  ugaliing magdala ng panyo sa anumang oras upang ipang takip sa ating bibig. 


Source: The Relatable

wokes
Nasaan Na Nga Ba Ngayon Ang Mistress Ni Chris Watts Na Si Nichol Kessinger?

Naging trending at usap-usapan kamakailan sa socmed ang Netflix documentary film na pinamagatan na "American Murd3r: The Family Next Door". Ang kwento sa nasabing pelikula ay hango sa tunay na buhay at ito ay nangyari taong 2018 sa United States.

Bago pa man ilabas ang nasabing pelikula noong Setyembre 30, ang nangyari sa pamilyang Watts ay hindi gaanong napalabas o napagtuunan ng pansin sa labas ng USA.

Ang kaibahan lamang ng documentary na ito sa ibang mga programa ay wala itong narrator o kaya walang nagre-reenact ng mga pangyayari.

Lahat ng footage ay kuha mula sa socmed accounts ni Shanan Watts, sa cellphone ni Chris Watts, mga text messages sa kanilang mga kaibigan, body cams at panayam ng mga awtoridad, CCTV footage ng mga kapitbahay at ang mga report mula sa media.

Sa pinagsama-samang mga dokumento, makikita ang isang pamilya na mayroong dalawang anak na babae at isang bahay na mayroong tatlong kotse sa Frederick, Colorado. Tila isang perpekto at masayang pamilya ang mga Watts ngunit di kalaunan ay mayroon palang trahedya na babalot dito sa loob lamang ng ilang linggo.

Sa mga video na kuha mula sa cellphone, makikita si Chris Watts at ang kaniyang girlfriend na si Nichol Kessinger. Sa mga nasabing video, makikita na sila ay nasa kanilang secret vacation sa Great Sand Dunes, isang national park sa souther Colorado. Habang ang asawa naman ni Chris Watts na si Shanann at ang kanilang dalawang anak na sina Bella at Celeste ay nasa bakasyon sa North Carolina noong mga panahon na iyon.


Sa mga larawan, makikita na naghahalikan si Watts at Kessinger. Mayroon pa ngang video na kuha si Kessinger kung saan nagbibigay siya ng halik sa camera at sinasabi: "I'm having a wonderful time. You mean a lot to me. And I'm glad that you're having a blast."

Nagkaroon ng maraming larawan ang dalawa sa kanilang bakasyon noong Hulyo 28. Ayon sa mga reports ng mga police, ginamit ng dalawa ang sasakyan ni Kessinger para pumunta sa Sand Dunes. Ang mga larawan at video ay nakatagao sa Secret Calculator app ng cellphone ni Watt.

Kasama na dito ang mga larawan ni Kessinger na nakasuot ng bikini sa banyo na kuha pa ni Watts dahil ang kaniyang sarili ay nakikita sa salamin. Ang ilan naman ay makikita na walang suot si Kessinger sa iba't ibang lugar na kanilang pinuntahan.


Kung makikita mo ang mga larawan nang hindi alam ang tunay na kwento sa likod nito, maaaring isipin mo na sila ay ordinaryong magkasintahan lamang, Ngunit, ang mga larawan ni Watts kasama ang kaniyang pamilya ay parehas din na tila sila ay isang masayang pamilya. Ngunit, makalipas ang ilang linggo, sinasakal na niya si Shanan at pinat@y ang kaniyang dalawang anak at inilagay ang mga bangkay nito sa oil tankers.

Noong Hulyo 31, pumunta si Watts mula sa Denver papunta sa Raleigh, North Carolina para samahan ang kaniyang pamilya. Dumiretso siya kaagad sa bahay ni Kessinger.

Sa Denver airport bago ang kaniyang flight, inilipat niya ang 41 na larawan mula sa kaniyang camping trip kasama si Kessinger sa kaniyang Secret Calculator app.


Makalipas ang kalahating oras, tinext niya na si Shanann at sinabing: "On the plane. Love you Boo."

Si Kessinger na isang geologist ay nakilala si Watts noong June 2018 at nagkaroon sila kaagad ng relasyon makalipas lamang ang ilang linggo. Sila ay magkaibigan na sa Anadarko Petroleum at si Kessinger ay nagtatrabaho doon bilang site engineer.

Nawalan siya ng trabaho matapos kumalat ang kanilang relasyon. Gumugol pa siya ng ilang taon bago muling makahanap ng ibang trabaho.



Sinabi ni Kessinger sa mga awtoridad noong Agosto 16 na sinabi ni Watts sa kaniya na nasa proseso na ito ng pakikipag-divorce sa kaniyang asawa at hindi nabanggit na si Shanann pala noon ay 15-weeks ng buntis.

Ani Kessinger, "I thought what we had¦.it was very comfortable for me. I enjoyed it. I think he did very much as well. I know why he lied to me. He lied to me because if I'd have known that he had a child on the way, I would have never wasted my time with him in the first place. None of this would've even occurred."

Tinanggi din ni Kessinger ang pagkakasangkot niya sa pagp@tay.

You know, it wasn't fair to his family for him to have an affair. It wasn't fair to me to have him lie to me and make me think that everything is going to plan and still to this day I don't even know what's a lie and what's not."

Binunyag ni Kessinger na siya at si Watts ay nagpapalitan ng "I love yous" sa isa't isa.

"He definitely felt the urge to say it to me a lot more than I did to him because it was all just very new to me and it was like, take your time with this and you don't need to rush that, you know."

Bago pumunta sa pulis, binura na ni Kessinger lahat ng mga traces ni Watts sa kaniyang cellphone. Ngunit, nadiskubre ng mga imbestigador ang kaniyang web history ilang araw bago nangyari ang pagpat@y. Agosto 4 nang si Kessinger ay nagse-search na ng mga wedding dresses online sa loob ng dalawang oras.

Ayon sa report mula sa People noong July 24, sinearch daw ni Kessinger na "Man I'm having affair with says he will leave his wife". Agosto 8 naman nang sinearch niya ang topics katulad ng "marrying your mistress."

Isa pa sa mga pinagtatakhan ng mga tao ay ang biglaan na lamang pagkawala ni Kessinger. Walang kahit na anong balita mula sa kaniya simula nang huli niyang panayam noong 2018.

Noong Disyembre 17, 2018, iniulat ng Radar Online na si Kessinger ay nakasailalim sa witness protection dahil na din sa mga pagbabanta na natanggap niya.

Si Watts naman ay nasistensyahan ng five life terms nang walang kahit na anong makukuhang parole, na siya ay nagsisilbi sa Wisconsin Department of Corrections. Sa kaniyang kulungan, makikita ang mga larawan nina Shanann, Bella, at CeCe.

Pebrero 18, 2019 naman nang muling makapanayam si Watts ng Frederick Police Department at FBI sa loob ng limang oras.

Aniya, "If I never met (Kessinger) would I have ever thought our relationship was bad? Probably not. I never thought I would have strayed away from (Shanann)."

Sinabi ni Watts na alam ni Kessinger ang totong sitwasyon sa pagitan niya at ni Shanann nang ipakita niya dito ang larawan ng kaniyang pamilya sa kanilang cellphone. Ngunit, nais lamang daw ni Kessinger na isalba ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagtanggi na alam nito ang katotohanan tungkol sa kaniyang pamilya.


Source: The Relatable

wokes Friday, October 16, 2020
Babaeng Nagreklamo Na Di Pinaupo Sa Bus Ng Isang Lalake, Nakatikim Sa Mga Netizens

Ang bus ay isa sa mga mode of transportation na laging ginagamit nating mga Pilipino. Ngunit madalas ay talagang punuan ang bus dahil sa rush hour kaya naman marami din ang hindi nakakaupo sa dami ng mga pasahero. Dumadagdag pa sa inis ng mga pasahero ay ang sobrang siksikan sa bus.

Naging usap-usapan kamakailan sa socmed ang post ng isang babae matapos niyang ibahagi ang hindi magandang karanasan nang siya ay sumakay sa bus. Hindi umano pinaup ng isang lalaki ang babae sa bus.

Ang post na ito ay ibinahagi ng netizen na si Fran Rusti. Ibinahagi din niya ang larawan at mukha ng babae na nagngangalang Rizzy Nicole De Guzman.

Ayon sa post ng babae, baliktad na daw ang mundo ngayon dahil ang lalaki na ang naka upo at ang babae naman na ang nakatayo.

“Baliktad Na Talga Mundo Ngaun Lalake Na Ang Naka Upo. Babae Na Ang Naka Tay Hahahaha.”


Samantala, ibinahagi naman ni Fran Rusti ang kaniyang pagkadismaya sa nasabing post ng babae.

"Isang babae na gustong umupo sa bus nag picture sa lalakeng naka upo!na baliktad na daw ang mundo ngayon ang lalake naka upo ang babae naka tayo! Ate hindi porket babae ka dapat kang paupoin ni kuya, lahat tayo pagod galing trabaho hindi obligation ni kuya na paupoin ka!nag picture kapa sa kanya pinag tawanan niyo pa EQUALITY dapat!hindi mo alam ang pinagdadaanan ni kuyasana ma hanap natin si kuya at makasohan si ate!sana mag pa Tulfo si kuyang nasa picture! abangan na lang natin."

Kaagad kumalat online ang nasabing post at umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa kanilang komento:

"D na uso un ini expect mo esp nka pants ka.katwiran nila both kayo nagbayad ng fare.. khit nga senior minsan d pinapaupo."

"Prehu nman kaung ngbbyad ateng,gusto mo mkaupo d sna ng grab or taxi ka..hnd ka nman senior citizen pra paupuin or buntis wag kang pabebe."

"Bumili ka ng sasakyan mo ate para makaupo ka parehas lng kayong magbabayad wag kang maarte ginusto mo yan."


Source: The Relatable

wokes Thursday, October 15, 2020
Seo Services