Babaeng Nagreklamo Na Di Pinaupo Sa Bus Ng Isang Lalake, Nakatikim Sa Mga Netizens

Ang bus ay isa sa mga mode of transportation na laging ginagamit nating mga Pilipino. Ngunit madalas ay talagang punuan ang bus dahil sa rush hour kaya naman marami din ang hindi nakakaupo sa dami ng mga pasahero. Dumadagdag pa sa inis ng mga pasahero ay ang sobrang siksikan sa bus.

Naging usap-usapan kamakailan sa socmed ang post ng isang babae matapos niyang ibahagi ang hindi magandang karanasan nang siya ay sumakay sa bus. Hindi umano pinaup ng isang lalaki ang babae sa bus.

Ang post na ito ay ibinahagi ng netizen na si Fran Rusti. Ibinahagi din niya ang larawan at mukha ng babae na nagngangalang Rizzy Nicole De Guzman.

Ayon sa post ng babae, baliktad na daw ang mundo ngayon dahil ang lalaki na ang naka upo at ang babae naman na ang nakatayo.

“Baliktad Na Talga Mundo Ngaun Lalake Na Ang Naka Upo. Babae Na Ang Naka Tay Hahahaha.”


Samantala, ibinahagi naman ni Fran Rusti ang kaniyang pagkadismaya sa nasabing post ng babae.

"Isang babae na gustong umupo sa bus nag picture sa lalakeng naka upo!na baliktad na daw ang mundo ngayon ang lalake naka upo ang babae naka tayo! Ate hindi porket babae ka dapat kang paupoin ni kuya, lahat tayo pagod galing trabaho hindi obligation ni kuya na paupoin ka!nag picture kapa sa kanya pinag tawanan niyo pa EQUALITY dapat!hindi mo alam ang pinagdadaanan ni kuyasana ma hanap natin si kuya at makasohan si ate!sana mag pa Tulfo si kuyang nasa picture! abangan na lang natin."

Kaagad kumalat online ang nasabing post at umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa kanilang komento:

"D na uso un ini expect mo esp nka pants ka.katwiran nila both kayo nagbayad ng fare.. khit nga senior minsan d pinapaupo."

"Prehu nman kaung ngbbyad ateng,gusto mo mkaupo d sna ng grab or taxi ka..hnd ka nman senior citizen pra paupuin or buntis wag kang pabebe."

"Bumili ka ng sasakyan mo ate para makaupo ka parehas lng kayong magbabayad wag kang maarte ginusto mo yan."


Source: The Relatable

No comments

Seo Services