Sa panahon ngayon masasabing ang hindi pagtatakip ng bibig sa tuwing babahing ay nagpapakita ng hindi magandang asal. Kaya naman may iilan na imbis na takipan ang kanilang bibig sa pagbahing ay pinipigilan na lamang ito.
Pero lingid sa kaalaman, ang pagpigil pala sa pagbahing ay may hindi magandang pwedeng idulot sa ating katawan.
Ayon sa isang doctor mula Emergency Department ng Britain`s Leicester Royal Infirmary,lumabas sa kanilang pag-aaral na ang pagpigil sa pagbahing ay maaaring makapag dulot ng hindi maganda sa ating kalusugan.
Tulad na lamang ng nangyari sa isang lalaki na nagkaroon ng kakaibang kondisyon matapos makaugalian nito ang pagpigil sa kanyang pag bahing.
Ang lalaki ay 34 taong gulang lamang at ayon dito, sinubukan nitong pigilan ang pagbahing sa pamamagitan ng pag pisil ng ilong at pagtakip ng bibig, na nagresulta sa kakaibang pakirandam sa kanyang katawan.
Matapos ang pangyayaring yun ay napansin nito na nahirapan siya lumunok at nakaramdam ito ng pananakit ng lalamunan. Napansin din nito na nagbago ang kanyang boses.
Dagdag pa nito ay namaga ang kanyang leeg at nakakarinig na ito ng paglagutok sa tuwing igagalaw ang kanyang leeg.
Dahil sa pangyayari ay pinatingin nito agad sa doctor at lumalabas na nagkaroon ng tinatawag na maliit na “streak of air” sakanyang leeg gayundin din sa kanyang “chest compartment” sa pagitan ng kanyang baga.
Ang pwersa ng hangin na dapat palabas noong siya ay dapat na babahing ay bumalik paloob na nagresulta upang ma-damage ang kanyang malambot na tissue sa leeg na tinatawag na “subscutaneous emphysema and pnĂ©um0mediastinum”.
Binigyan agad ng gamot ang lalaki at dahil sa hirap itong kumain ay sa tube muna pinadaan ang kanyang mga kinakain.
Makalipas ang dalawang buwan ay bumalik din ang normal na pakirandam ng lalaki at nakarecover ito.
Kaya magsilbing paalala sana ito upang hindi niyo maranasan ang nangyari sa lalaking nabanggit. Bagama’t hindi natin masabi ang mga pagkakataon kung kaylan tayo mababahing nakakabuti na ugaliing magdala ng panyo sa anumang oras upang ipang takip sa ating bibig.
Source: The Relatable
No comments