Tuna’y nga naman na napakalaki ng matitipid mo kapag ikaw ay bumili ng second hand na sasakyan kumpara sa bago. Pero kung minsan ay sakit ng ulo din ang pwedeng maidulot ng pagbili ng segunda manong sasakyan lalo na kapag ito ay mayroon nakatagong dipirensya na hindi mo nakita bago mo binili.
Minsan inaakala natin na makakamura o makakatipid yun pala ay kabaliktaran. Pero kung minsan naman din ay meron talagang sinuswerte sa pagbili ng segundamanong sasakyan. Katulad na lamang ng lalaki na ito, na naka Jackpot sa nabiling sasakyan.
Sino nga ba naman ang magaakala na ang sasakyan palang nabili niya ay mayroon nakatagong limpak-limpak na pera. Nalaman niya ito matapos mapansin niya na tila ba may diperensya ang power-window ng nabiling sasakyan.
Matapos nitong baklasin ang door cover ay sinunod niya naman ang plastic cover. Nang-iangat nito ang cover plastic ng pintuan ay umagaw sa kanyang antensyon ang isang bag na nakasuksuk sa gilid. Naisip nito na marahil ito ang sanhi kung bakit ayaw gumana ng kanyang power window.
Sinubukan niya itong tanggalin, matapos niyang tanggalin ang bag sa pinto ng sasakyan ay kanyang nakita ang tila ba mga quadradong bato na nakabalot sa duct tape. Sinubukan nitong alisin ang duct tape sa isa sa mga ito at laking gulat nito na isang bungkos na pera pala ang laman nito.
Hindi nabanggit kung magkano ang kabuuang halaga ng pera na nakalagay sa itim na bag. Kanyang napag alaman na ang kanya palang nabiling sasakyan ay police-confiscated vehicle kaya minarapat na lamang niya na hindi magpakilala nang binahagi ang istorya na ito.
Kung minsan may mga pagkakataon talaga na dumadating sa isang tao ang swerte ng hindi inaasahan. Kagaya na lamang ng nangyari sa lalaki na ito. Kung kaya ang nasa katayuan ng lalaki ano ang gagawin niyo?
Source: The Relatable
No comments