Hindi Siya Umalis Nang Mawalan Ng Pera Ang Kanyang Mga Amo, Nung Makabangon Ulit, Isang Gantimpala Ang Kanyang Natanggap

Limang taon na si Nelia sa pagiging yaya at kasambahay sa pamilyang Cordero. Kinailangan niyang lumuwas patungong Maynila upang mamasukan dahil nabaon sila sa utang sa lupa. Minabuti nila nang kanyang asawa na magkatuwang na bayaran ito. Plano nilang kapag nakapagbayad na sila sa kanilang utang ay uuwi na rin at titigil na sa pagkakasambahay ang ginang.

Mabuti na lamang at mababait ang amo ni Nelia kaya hindi rin siya nahihirapan sa mga trabaho. Minsan ay nakakabale rin siya ng sahod sa tuwing nagigipit ang pamilya sa probinsiya. Bilang kapalit nama’y pinagbubuti niya ang kaniyang trabaho.

Nang ilang buwan na lamang at malapit na nilang makumpleto ang bayad sa utang sa lupa, nagpabatid na siya ng pagnanais na makauwi na sa mahal niyang pamilya. Para na rin daw hindi mahirapan ang mga amo sa paghahanap ng kapalit. 

Ngunit sinabi nang among babae, na hindi muna sa panahong iyon siya makakapagdesisyon sapagkat masyado pa silang abala sa gawain at walang mapagkakatiwalaang sa pag-aalaga sa kaniyang anak.

Ngunit nang malapit-lapit na sa panahon ng pag-uwi si Nelia sakanila ay doon naman nagkaroon ng problema sa negosyo ang mag-asawang kaniyang pinapasukan.

Nanatili si Nelia, sa kabila ng mababang sahod, dahil kailangan siya nang amo at tinuturing na rin niyang pamilya ang mga ito.


Inabot nang ilan pang taon ang paninilbihan ni Nelia sa pamilyang Cordero. Minsan ay naaabutan siya ng kaunting pera ng mag-asawa na kaniya namang ipinapadala sa pamilya. 

Hanggang isang araw tuluyan nang nakaahon ang negosyo ng kaniyang amo. Makakauwi na si Nelia.

Binigyan siya ng kaniyang amo ng isang sobreng naglalaman ng maraming pera. Ngunit bago siya umalis ay may huling pabor ang amo. Inaya siya nito sa isang malaking bahay. Magkatuwang nilang nilinis ito at nilagyan ng iilang muwebles. 


Subalit, wala siyang kaalam-alam na kaniya pala ang bahay na iyon. Inabot sa kaniya ng babae ang susi ng bahay. Inakala niyang pinapasara lamang  ng huli ang bahay.

Nagulat na lamang siya nang sinabi ng kaniyang amo na kaniya na iyon at doon na sila maninirahan ng pamilya. 

Labis ang pasasalamat ni Nelia sa mga ito, ngunit mas higit daw ang pasasalamat ng mga ito sa kaniyang walang sawa at tapat na serbisyo.


Source: The Relatable

wokes Sunday, December 6, 2020
Sikat Na Singer, Nagdadalamhati Ngayon Sa Pagkawala Ng Kanyang Bagong Silang Na Sanggol

Si Christina Judith Perri ay isang American singer at songwriter. Matapos ang pagsikat ng kanta niyang "Jar of Hearts" na naging theme song ng movie na So You Think You Can Dance in 2010.

Dito mas nakilala ang singer at nagkaroon ng ibat ibang album gaya ng A Thousand Years, Human, Arms at iba pa.

Ikinagulat ng ilang taga hanga ni Christina Perri ang pag panaw ng kanyang bagong silang na sanggol.


Ayun sa post ng kanyang Asawa na si Paul Costabile, makikita sa litrato na hawak hawak nila ang maliit na kamay ng kanilang anak.

July noon ng inanunsyo ni Christina Perri na siya ay anim na buwan ng buntis sa pangalawa nilang anak ni Paul.

"last night we lost our baby girl,” saad ni Christina sa kanyang IG post.


"She was born silent after fighting so hard to make it to our world. she is at peace now and will live forever in our hearts."

Mahirap man sa dalawa ang pinagdadaan alam nilang mag asawa na nasa mabuting kalagayan na ang kanilang pangalawang anak.

Labis naman ang pasasalamat ni Paul sa lahat ng mga taong nangangamusta sa kanila at patuloy na nag bibigay inspirasyon upang sila ay maging matatag sa kanilang haharapin sa buhay.


Source: The Relatable

wokes
Batang Umorder Ng Pizza, Kulang Ang Pambayad; Rider Di Na Pinabayaran Ang Pagkain Matapos Malaman Na Di Pa Ito Nakakakain Buong Buhay Niya

Para sa marami sa atin ang pagkasabik sa pagkain ng pizza ay kasing dali lamang ng pago-order nito sa mga food delivery app o di kaya naman ay ang pagbe-bake nito sa bahay. Ngunit ito rin ay isang malungkot na katotohanan para sa marami na maaari lamang nilang ma-enjoy ang pananabik nila sa pizza at sa iba pang mga masasarap na pagkain sa kanilang mga mata dahil ang ilan ay hindi naman ganoon pinalad sa buhay at hindi sapat ang pera para makabili ng isa.

Sa bansang Malaysia, nakatagpo ang FoodPanda rider ng isang bata na binigyan siya ng bag na punong puno ng mga barya bilan bayad sa in-order niyang pagkain.

Ngunit, ang pera na dala nito ay hindi pa sapat para bayaran ang kaniyang mga na-order ngunit napagpasyahan ng FoodPanda rider na ilibre na lamang ang pizza sa bata matapos niyang malaman na hindi pa pala ito nakakatikim noon sa buong buhay niya.

Isang normal na araw lamang iyon para kay Faiz Rosman ngunit nagulat na lamang siya na ang order na ihahatid niya ay para sa isang bata na binayaran lamang siya ng bag na punong puno ng mga barya. At ang ilan pa sa mga barya ay maliliit lamang ang halaga.

Ang na-order naman nito na pizza ay nagkakahalaga ng tinatayang RM28.5 o P338. Ngunit, naniniwala pa din si Faiz na aabot ang mga barya sa halaga na kailangan bayaran ng bata sa order nito.

Ngunit, hindi na niya magawang bilangin pa ang mga barya dahil nagmamadali din siya para sa iba pang mga ide-deliver. Kaya naman sinabihan niya ang bata na makukuha nito ang pizza na kaniyang in-order ngunit siguraduhin nito na ime-message siya matapos bilangin ang mga barya. Masayang masaya naman na pumayag ang bata kahit pa man may pangambang nararamdaman ang delivery rider.

Makalipas ang ilang sandali, napag-alaman ni Faiz na ang kabuuang pera pala na laman ng bag ay nasa RM18 lamang o P213.25. Hindi pa ito sapat para sa presyo ng pizza at pati na din sa delivery fee. Kaya naman kaagad niyang minessage ang bata ngunit nagmakaawa ang huli sa kaniya na maintindihan niya ito at sinabi ng bata na hindi alam ng kaniyang ama na siya ay um-order ng pizza.

Nang sabihan ni Faiz ang bata na humingi ng pera sa kaniyang ama para bayaran ang kaniyang order, sinabi nito,

“I was scared to tell my father. I just wanted to try the pizza for the first time.”

Nakaramdam naman ng awa si Faiz para sa bata lalo na at hindi pa pala nakakakain ng pizza ang bata sa buong buhay niya. Kaya naman napagpasyahan ni Faiz na ibigay na lamang ng libre sa bata ang pizza ngunit siniguro din niya na sabihin sa bata na ang ginawa nito ay panloloko sa kapwa at ito ay masamang gawain. Humingi naman ng tawad ang bata sa kaniyang nagawa at nangako na hindi na niya ito uulitin.


Source: The Relatable

wokes Saturday, December 5, 2020
Aso, Nakitang Umiiyak Habang Nag-Aagaw Buhay Matapos Lasunin Ng Mga Magnanakaw

Ano mang alagang hayop ay siyang maituturing na pamilya kung saan ito ay nagdadala ng kasiyahan sa tahanan. Ang ibang alagang hayop naman ang siyang nagsisilbing gabay kapag tayo ay wala sa bahay at kapag tayo ay mahimbing na natutulog tuwing gabi.

Tinatawag na "man's best friend" ang mga alagang aso dahil ito ay nagdadala ng kasiyahan at tunay na tapat sa kanyang mga amo.

Sila rin ang nagbabantay tuwing gabi kapag tayo ay natutulog at kapag tayo ay umaalis sa bahay. 

Isang aso sa Indonesia ang nag papatunay kung gaano niya kamahal ang kanyang amo sa pag babantay ng bahay nila kung saan ito rin ang naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Ayun sa Goodtimes, ang aso ni Wijaya ay walang tigil na tumatahol na may nais itong imungkahi sa kanya, ngunit hindi ito pinansin ni Wijaya dahil baka raw ay may kaaway lang ito na ibang aso o di naman kaya ay pusa.

Kinaumagahan laking gulat ni Wijaya na wala ng buhay ang alaga niyang aso. Ayun pa sa kanya, malamang ay pinoison ng sino mang gustong magnakaw sa kanilang bahay kaya tahol ng tahol ang kanyang aso dahil sa pagproprotekta nito sa bahay nila.

Hindi naman akalain ni Wijaya na iyon pala ang dahilan kung bakit walang tigil na tumatahol ang kanyang aso.

Nais naman sanang dalhin ni Wijaya sa malapit na vet ang aso nito ngunit sa ganong araw ay sirado ang clinic na pagdadalhan niya.

Malungkot man ang sinapit ng kanyang aso, hindi malilimutan ni Wijaya ang kabutihang dala ng kanyang aso hanggang sa huli nitong sandali.


Source: The Relatable

wokes
Isang Babala Sa Mga Gumagamit Ng Cellphone

Sa panahon ngayon, maraming tao na ang gumagamit ng gadgets. Lalo na ngayong panahon ng pandemya, kung saan gadgets at internet ang ginagamit na midyum sa pag-aaral at pagtatrabaho. Kung kaya naman tila isa nang “pangangailangan” ang gadgets. Ang cellphone ang pangunahing gadgets na ginagamit ng tao.

Sa katunayan, mayroon nang humigit-kumulang na 1.35 bilyong cellphone. Sa ilang bansa, higit sa kalahati ng populasyon ng mga ito ang mayroon nito. Nakadepende na ang tao sa cellphone sapagkat sa pamamagitan nito maaring makipagkomunikasyon ng mabilis, pagbabayad ng bills, pag-aaral o pananaliksik, trabaho at iba pang maaring gawin dito. 

Ngunit ang paggamit ng mga gadgets na ito ay may katuwang na pag-iingat. 

Isang netizen, na nagngangalang Rosalyn Evangelio Garcia ang nagbahagi ng kaniyang karanasan at nagpabatid  sa mga iba pang gumagamit ng cellphone na mag-ingat sa paggamit ng mga gadgets.

Ayon sa salaysay ni Rosalyn sa post niya sa Facebook, hindi raw natanggal ang kaniyang cellphone sa pagkakacharge at ilang oras ding naiwang nakasaksak sa saksakan ng kuryente. 

"Kanina lng po bandang 2:30am March 9,2018 ay pumutok ang cellphone ko…ang lakas nagulat ako ganito na ang hitsura nya…Nakacharge kc ito Ng 8:30pm kagabi sbi ng anak ko..Umalis kmi sa bahay ng 10pm pra mglamay…"


"Hindi natanggal ng anak ko ang CP sa pagcharge..Naiwan sa bahay ang asawa ko at c Harry na natutulog nag lamay kami ni Hk at Hero ung mga anak ko…2:20am nakauwi n kmi dto sa bahay…tinanggal ko itong CP sa charge dahil chinarge ko nmn ung CP kong malaki…Tapos nilapag ko lng sya…Dahil pumunta akong kusina para initin ung kanin…"




Pagpapatuloy niya, "Maya-maya ng konti my pumutok ng malakas at umuusok na san pwesto kung nsan ang CP kong maliit… Buti nalng at hindi sya nakacharge…pero ang lakas ng pagputok…Kaya babala ito sa mga gumagamit ng CP na katabi nyo SA pagtulog or malapit sa inyo dahil maaari pala tayong masunog… Hanggat maari bantayan po ntin ang oras ng pagcharge ng CP para maiwasan ang ganitong pangyayari…Kaya ingat po."


Sinabi rin niyang hindi peke ang kaniyang aparato.


“Hindi po FAKE ung phone ko…Na over charge sya kaya cguro pumutok kc ang anak ko ang ngcharge..nakalimutan nya tanggalin bago kami umalis…Pinost ko ito para mabigyan ng babala ang mga gumagamit Ng phone na maaring mangyari din sa inyo ito.”


Ayon naman sa mga eksperto, nangyayari ito dahil sa labis na init na nagdudulot ng short circuit sa baterya ng cellphone na sumisira sa mga internal cells.


Hindi rin daw dapat na tinatagalan ang oras ng pagchacharge dito sapagkat binabawasan nito ang kapasidad ng battery. 


Source: The Relatable

wokes
Magkapatid Na Saging Na Saba Lamang Ang Pantawid Gutom, Di Alam Na Ito Din Ang Magbibigya Karangyaan Sa Kanila Balang Araw

Ilang araw na simula nang puro saging na lamang ang kinakain ng magkapatid na sna Gino at Jelly. Hindi naman din kasi makahanap o makapag-hanapbuhay si Gino dahil hindi siya ay menor de edad pa lamang at hindi maaaring makalabas ng bahay bunsod ng lockdown.

Dalawang linggo na din ang nakakalipasnang puman@w ang kanilang ina kaya naman si Gino na ang nagtataguyod at nag-aalaga sa limang taong gulang na kapatid. Maagang namulat si Gino sa kahirapan kaya naman bata pa lamang ay natuto na siyang magbanat ng buto.

Mabuti na lamang din at mayroong maliit na taniman ang kaniyang ina sa likod ng kanilang bahay kaya naman kahit papano ay mayroon silang pinagkukunan ng pagkain ngayong lockdown.

Ngayong araw ay saging na naman muli ang inulam ng magkapatid. Nais man ni Gino ibahin ang kanilang ulam o mabigyan ng maayos na pagkain ang kapatid na si Jelly ay hindi niya magawa dahil hindi pa siya makapaghanapbuhay ngayon.

Gayunpaman, hindi naman nagrereklamo si Jelly sa kanilang pagkain bagkus ay tuwang tuwa pa ito sa saging na pagkain nila dahil ito ay naging paborito na din niya.

Ngunit, hindi pa din mapigil ni Gino ang makaramdam ng awa para sa kaniyang kapatid dahil sa halos araw-araw nilang pagkain ng saging ay ang nasabing pagkain na lamang din ang naging paborito ni Jelly. Hindi din kasi nakakatikim ng ibang putahe si Jelly dahil saging at saging lamang ang kinakain nito.

Sa kabila nito, ipinagpapasalamat pa din ni Gino sa Diyos na kahit papaano ay mayroon silang kinakain. Ipinangako na lamang niya sa kaniyang sarili na siya ay gagawa ng paraan para magkaroon ng maayos na buhay at mabigyan ng komportableng buhay ang kaniyang kapatid.

Bago kagatin ang nilagang saging, isinawsaw muna ito ni Gino sa bagoong at sinabayan niya ng subo sa kaning lamig. Inilaan niya kasi ang bagong saing na kanin para sa kaniyang kapatid para naman mainitan ang sikmura nito.

Maya maya pa ay may bigla na lamang kumatok sa pintuan ng kanilang bahay. Nagtataka man ay tinignan pa din ni Gino kung sino ang kanilang panauhin.

Binuksan niya kaagad ang kanilang pintuan na de buhal dahil tanggap na ang bisagra nito dahil sa nagdaang bagyo.

Pagkabukas niya ay nakita niya ang isang mapostura ngunit hindi niya kilalang babae. Tila kasing edad lamang ito ng kaniyang ina.

Hinahanap din nito ang kaniyang ina na si Loida. Ngunit, binalita na lamang ni Gino ang malungkot na balita tungkol sa pagp@naw ng kaniyang ina.

Nagulat naman ang babae at maya maya pa ay sunod sunod ng nagbagsakan ang mga luha nito mula sa mata dahil hindi makapaniwala sa nangyari kay Loida.

Maya maya pa ay napagpasyahan ni Gino na alukin na ang babae na pumasok sa kanilang bahay. Doon ay tinanong na siya ng babae kung siya ba ang anak ni Loida.

Tumango naman si Gino bilang tugon dito at ipinakilala ang nakakabatang kapatid na si Jenny na noo'y patuloy pa din sa pagkain ng saging.

Saad naman ng nagpakilalang si Ada,

"Ako naman ang Ninang Ada mo. Matalik kong kaibigan si Loida. Noong mga panahong ako ang nangangailangan ay siya ang kaisa-isang taong tumulong sa akin kahit pa salat na salat siya.

Pagkukuwento pa nito,

"Alam mo ba, hijo? Maliit ka pa nang huli kaming magkita ng iyong ina. Nang mga panahong iyon ay hindi pa rin nabibilanggo ang ama mo't masaya pa silang nagsasama ni Loida."

Muli namang nalungkot si Gino nang maalala na sumakab1lang buhay na din ang kaniyang ama na nahuli dahil napagbintangang magnanakaw at nadisgrasay ng mga kapwa nito bilanggo sa loob ng kulungan. Siguro ay masaya na ang kaniyang ama sa langit ngayon dahil muli nitong nakapiling ang kanilang ina..

"Si Loida ang nagturo sa aking maging mapagpasalamat kahit na ang mayroon lang sa hapag mo'y nilagang saging na paborito naming kainin noon dahil iyon lang ang mayroon kami. Tumakas kasi ako sa mga magulang ko noon. Malaki ang pasasalamat ko sa iyong ina, Gino. Sayang nga lang at hindi na ako umabot para sana'y natulungan ko siya."

Muli namang naiyak ang babae habang binabalikan ang pinagsamahan nila ng kaibigan.

"Pero ngayon, nandito ako para bumawi. Kahit man lang sa inyong mga anak niya'y maipadama ko ang pasasalamat ko sa inyong ina. Simula ngayon ay aampunin ko na kayo'y ituturing na sariling akin."

Labis naman ang kasiyahan na naramdaman ni Gino nang marinig niyang sabihin iyon ng kaniyang Ninang Ada. Niyakap niya ito ng mahigpit at nagpasalamat dito. Sa wakas ay hindi na nila kailangan pa ng kaniyang kapatid na magtiis ng gutom.

Si Ninang Ada ay isang may kayang babae. SIya ay nagmamay-ari ng ilang negosyo. Wala itong anak o kahit asawa kaya naman mas naging malapit silang magkapatid sa babae. Itinuring na din nila ito na parang tunay na ina at minahal ng lubusan.


Source: The Relatable

wokes
Mister, Idinahilan Na Mayroon Siyang COVID Para Sumamang Magbakasyon Sa Kabit

Viral ngayon sa social media ang kakaibang kwento ng isang mister mula sa Maharastra, India na dinahilan umano na siya ay nag-positibo sa C0VID-19 kaya hindi siya makauwi sa kanilang bahay ngunit gawa gawa lamang pala ito ng huli para iwanan na ang kaniyang misis ng tuluyan at sumama sa kaniyang kab1t.

Sa report na ibinahagi ng Yahoo News, tinawagan umano ng misis ang kaniyang mister para malaman kung nasaan ito dahil nag-aalala na din siya dito.

Dito ay sinabihan na siya ng nasabing mister na siya ay nag-positibo sa C0VID-19 at tinakot pa ang kaniyang misis na baka umano patay1n na lamang niya ang kaniyang sarili.

Matapos ng kanilang pag-uusap ay kaagad daw binaba ng kaniyang mister ang telepono at hindi na niya ito muli pang nakausap.

Dahil naman sa pag-aalala at pangamba na naramdaman ng misis, ito ay kaagad niyang ini-report sa pulisya at doon niya nalaman kung saan nanggaling ang huling tawag ng kaniyang mister. Nagkaroon din sila ng lead kung saan tumutuloy ang kaniyang mister kaya naman hindi siya nag-dalawang isip na puntahan ito.

Ayon pa sa ibang report, nakita umano ng kaniyang bayaw ang mga gamit ng naturang mister na kung saan iniwan na lamang niya ito sa isang lugar na walang katao tao.

Samantala, kaagad namang pinuntahan ng mga awtoridad at iba't ibang mga testing facilities ang mister para masuri ito. Base sa kanilang imbestigasyon, noong nalaman umano nila kung saan tumutuloy ang nasabing mister ay napag-alaman nila na binago nito ang kaniyang pagkakakilanlan kung saan ito ay sumama na pala sa kaniyang kab1t.

Makalipas ang ilang araw ay bumalik naman ang naturang mister sa kaniyang tunay na pamilya. Sa kabila ng kasalanan at mali niyang nagawa sa kaniyang misis ay tinanggap pa din siya nito ng buong buo.


Source: The Relatable

wokes
Seo Services