Hindi Siya Umalis Nang Mawalan Ng Pera Ang Kanyang Mga Amo, Nung Makabangon Ulit, Isang Gantimpala Ang Kanyang Natanggap

Limang taon na si Nelia sa pagiging yaya at kasambahay sa pamilyang Cordero. Kinailangan niyang lumuwas patungong Maynila upang mamasukan dahil nabaon sila sa utang sa lupa. Minabuti nila nang kanyang asawa na magkatuwang na bayaran ito. Plano nilang kapag nakapagbayad na sila sa kanilang utang ay uuwi na rin at titigil na sa pagkakasambahay ang ginang.

Mabuti na lamang at mababait ang amo ni Nelia kaya hindi rin siya nahihirapan sa mga trabaho. Minsan ay nakakabale rin siya ng sahod sa tuwing nagigipit ang pamilya sa probinsiya. Bilang kapalit nama’y pinagbubuti niya ang kaniyang trabaho.

Nang ilang buwan na lamang at malapit na nilang makumpleto ang bayad sa utang sa lupa, nagpabatid na siya ng pagnanais na makauwi na sa mahal niyang pamilya. Para na rin daw hindi mahirapan ang mga amo sa paghahanap ng kapalit. 

Ngunit sinabi nang among babae, na hindi muna sa panahong iyon siya makakapagdesisyon sapagkat masyado pa silang abala sa gawain at walang mapagkakatiwalaang sa pag-aalaga sa kaniyang anak.

Ngunit nang malapit-lapit na sa panahon ng pag-uwi si Nelia sakanila ay doon naman nagkaroon ng problema sa negosyo ang mag-asawang kaniyang pinapasukan.

Nanatili si Nelia, sa kabila ng mababang sahod, dahil kailangan siya nang amo at tinuturing na rin niyang pamilya ang mga ito.


Inabot nang ilan pang taon ang paninilbihan ni Nelia sa pamilyang Cordero. Minsan ay naaabutan siya ng kaunting pera ng mag-asawa na kaniya namang ipinapadala sa pamilya. 

Hanggang isang araw tuluyan nang nakaahon ang negosyo ng kaniyang amo. Makakauwi na si Nelia.

Binigyan siya ng kaniyang amo ng isang sobreng naglalaman ng maraming pera. Ngunit bago siya umalis ay may huling pabor ang amo. Inaya siya nito sa isang malaking bahay. Magkatuwang nilang nilinis ito at nilagyan ng iilang muwebles. 


Subalit, wala siyang kaalam-alam na kaniya pala ang bahay na iyon. Inabot sa kaniya ng babae ang susi ng bahay. Inakala niyang pinapasara lamang  ng huli ang bahay.

Nagulat na lamang siya nang sinabi ng kaniyang amo na kaniya na iyon at doon na sila maninirahan ng pamilya. 

Labis ang pasasalamat ni Nelia sa mga ito, ngunit mas higit daw ang pasasalamat ng mga ito sa kaniyang walang sawa at tapat na serbisyo.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services