Humigit kumulang siyam na buwan na ang pagkalat ng pandemya sa Pilipinas, na nagresulta nang paghihigpit ng pamahalaan sa mga patakaran kontra c0v1d. Ilan na lamang sa mga ito ang social distancing, pagbabawal nang pagkakaroon ng mass gathering, tamang pagsusuot ng face mask at face shield upang mabawasan posibilidad na magkahawaan ang mga tao partikular na sa pampublikong lugar.
Ngunit, hindi naman lahat ng tao ay mayroong kakayahang bumili ng face mask dahil na rin sa hirap ng buhay, lalo na’t halos lahat ng mamamayang Pilipino ay natigil sa pagtatrabaho. Ito nga ay dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine, kung saan talaga namang mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng mga awtoridad pagdating sa tamang pagsusuot ng face mask. Maaari ring maparusahan ang mga lumabag rito.
Subalit sa hirap ng buhay, walang kakayahang bumili ang iba ng face mask. Ang iba’y gumagawa na lamang ng mga alternatibo nito.
Katulad na lamang ng matandang lalaking ito na dahon ng saging ang ginawang facemask. Sa litratong ibinahagi sa socmed, makikita ang lalaking padaan sana ng checkpoint sa Brgy. Alinam, Cauayan City, Isabela habang sakay ng kaniyang bisikleta. Napansin ito ni PSSG Mark Anthony Ramirez, partikular na ang kaniyang kakaibang face mask.
Nalaman ng mga ito na walang sapat na perang pambiliang matandang lalaki upang makabili ng face mask at face shield.
Dahil dito, imbis na pagmultahin, kanila na lamang itong tinulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng N-95 face mask upang maprotektahan ang sarili laban sa vrus. Nagbahagi rin ang pulis ng mabubuting salita at pinuri ito sa pagiging malikhain.
Ibinahagi ng Cauayan City Police Station ang nakakaantig-damdaming istoryang ito sa socmed. Marami namang netizen ang nakaintindi sa sitwasyon ng matanda, kaya naman marami ang naghandog ng tulong sa lolo. Kanila ring pinuri ang pagiging mabait at matulungin ng PSSG.
Source: The Relatable
No comments