Ang pagiging Overseas Filipino Worker (OFW) ay isa sa pinakamahirap na trabaho. Ang malayo sa ating pamilya ay talaga namang nakakalungkot at minsan ay nagiging dahilan ng stress at depresyon.
Bukod sa pangungulila sa ating pamilya, mayroon din mga OFW’s na nakakaranas ng pagmamalupit at karahasan mula sa kanilang mga amo. Kaya naman napakaswerte ng isang OFW na mayroong mabait na amo.
Katulad na lamang ng amo ng isang OFW sa bansang Malaysia na si Valleryn Caranza Landong.
Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi ni Valleryn ang screenshot ng pag-uusap nila ng kanyang babaeng amo. Maraming netizens ang natuwa at naaliw ng makita at mabasa nila ito.
Mababasa ang pag-uusap ni Valleryn at ng kanyang amo gamit ang lenggwaheng ingles. Nakakatuwa ito dahil kahit mali ang mga spelling o ‘barok’ ang usapan nila ay nagkakaintindihan ang mag-amo.
Narito naman ang naging pag-uusap ng dalawa:
"Employer: Sandra I out tomolo you cook sir the brief in the frid fly veges and rice you can fly the rice put egg
Valleryn: Okie maam I dont cook you... I just cook sir?
Employer: Yes just cook sir and please fly the fish sir many eat if you cooking
Valleryn: Okie maam
Employer: Thank you"
Ayon sa pagkakaintindi namin, ang nais ipagawa ng amo ni Valleryn ay magluto ito ng beef at magprito ng gulay, kanin at itlog. Gusto ring sabihin ng kanyang amo na hindi ito makakauwi kaya ang amo nitong lalaki na lamang ang kanyang ipagluto.
Aniya, magprito rin daw ng isda si Valleryn dahil marami raw ang nakakakin ng kanyang among lalaki kapag siya ang nagluluto.
Noong 2019 pa unang nag-viral ang post ni Valleryn ngunit hanggang ngayon ay naaaliw pa rin ang mga netizens sa tuwing mababasa nila ito.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
***
Source: Facebook
Source: News Keener
No comments