Tinaguriang pinaka malaking grupo ng mga pinoy bikers sa America, ibinida ng NCPR o NorCal Pinoy Riders ang TNT Traysikel na sumamang bumyahe para sa isang event ng kanilang grupo.
Isang taunang pagtitipon ng grupo na kamakailan lamang ay kanilang idinaos ay nilahukan ng mahigit 70 na mga Pinoy motorcycle riders.
Tinatayang napaka makasaysayan ng byaheng ito dahil ito ang tinatayang kauna unahang pagkakataon para makita sa lansangan ng bansang Amerika ang isa sa mga pangunahing pampublikong sasakyan dito sa Pilipinas.
Tinawid lang naman ng TNT Traysikel ang Golden Gate Bridge sa San Francisco hanggang sa Bodega Bay ng California USA.
Ang naturang tricycle ay likha at pagmamayari nina Mike Arcega and Paolo Asuncion.
Ang kanilang Instagram post ay mabilis na kumalat sa social media dahil na rin sa dami na mga mahihilig sa motorsiklo dito sa Pilipinas.
Ang tricycle ay sinasabing pinondohan ng San Francisco Arts Commission/Individual Artist Commission at karagdagang tulong pinansyal mula sa Awesome Foundation, San Francisco State University at Balay Kreativ.
Sa kasalukuyan ay mayroong 450 mahigit at patuloy na lumalaki ang mga miyembro ng grupong NorCal Pinoy Riders.
Proud na proud naman ang mga pinoy netizens sa isang bihirang pagkakataon na ito at maramin ring nagsasabi na nawa'y patuloy na makilala at mapansin ang iba pang mga natatanging kultura ng pilipino, di lang sa bansang Amerika kundi maging sa iba pang sulok ng mundo.
Narito ang kabuuang YouTube video ng biyahe ng NCPR.
Source: TNT Traysikel | Instagram and Ray Moto | YouTube
Source: News Keener
No comments