Nakasanayan o nakagawian na nating mga Pilipino ang tumanggap ng 'pasalubong' mula sa ating mga kamag-anak o mga kaibigan galing ng ibang bansa. Ito ay naging kultura na ng ating bansa dahil kilala tayo sa pagiging mapagbigay at mapagmahal sa ating pamilya.
Photo from Viral News Portal
Kahit na ano mang bagay ang ating natatangap ay masaya na tayo dahil alam nating galing ito sa ibang bansa. Kaya naman labis-labis ang tuwa natin sa tuwing makatatanggap tayo ng pasalubong.
Ngunit ngayon ay tila iba na ang kaugalian ng ilan sa ating mga Pilipino. Imbes na magpasalamat sa kanilang natatanggap ay nagagawa pa nila ang magreklamo.
Ito ang ibinahagi ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nadismaya sa mga taong hindi marunong magpasalamat o mag-appreciate ng pasalubong.
Aniya, ang mga katulad nilang OFWs ay hindi nagpunta sa ibang bansa upang mamasyal o magrelax. Sa katunayan nga raw ay hirap na hirap ang mga katulad niya na mag-ipon ng perang ipapadala sa kanilang pamilya sa Pilipinas upang magkaroon sila ng magandang buhay.
Kaya naman tuwing uuwi siya ng Pilipinas na may dalang pasalubong o souvenirs ay nasasaktan o sumasama ang kanyang loob kapag hindi naa-appreciate ng kanyang mga kaibigan o kamag-anak ang kanyang ibinibigay.
"Minsan, nakakadala talagang magbigay ng pasalubong kapag nagbabalik-bayan ka, bignyan mo man sila o hindi, meron at meron silang masasabi sa’yo, na kesyo “ito lang”, “nagbigay ka pa”, “kuripot naman”, “yan ba ‘yung abroad?”, “tatlong-taon sa abroad heto na ‘yun?," sabi ni Raymond.
Raymond Lopez / Photo from his Facebook
Aniya, kung tutuusin ay hindi naman niya obligasyon ang magbigay ng pasalubong tuwing uuwi ng Pilipinas. Dagdag niya, kaya raw umuuwi ang isang OFW ay upang makapagpahinga, makapaglibang at makasama ang kanilang pamilya.
Sa huli ng kanyang post ay hinamon niya ang mga taong ito na maging OFW upang maranasan nila ang hirap at sakrispiyo ng mga katulad niya sa ibang bansa.
Sa ngayon ay mayroon ng 254k reactions, 57k comments at 84k shares ang post ni Raymond.
Basahin ang buong post ni Raymond sa ibaba:
"Minsan, nakakadala talagang magbigay ng pasalubong kapag nagbabalik-bayan ka, bigyan mo man sila o hindi, meron at meron silang masasabi sa’yo, na kesyo “ito lang”, “nagbigay ka pa”, “kuripot naman”, “yan ba ‘yung abroad?”, “tatlong-taon sa abroad heto na ‘yun?”.
Una po sa lahat, hindi po nagbabalik-bayan ang isang OFW para bigyan o pasalubungan kayong lahat, walang obligasyon ang isang OFW na bigyan kayo ng mga tsokolate, sabon, pabango at kung anu-ano pa! umuuwi ang isang OFW hindi para magregalo, mamigay o magpamudmod ng kung ano. Kundi, umuuwi sila para pansamantalang makapagpahinga, makapaglibang at makasama ang kani-kanilang pamila’t mahal sa buhay.
Sana, subukan n’yo ‘hong mag-abroad, para po maranasan n’yo rin ang mga sakripisyo naming, ‘yng mga pagtitipis, pangungulila at kalungkutang nararanasan ditto at ng mga kapwa-OFW naming sa buong mundo. Matuto po sana kayong magpasalamat o makuntento, dahil kahit papaano’y naabutan at naalala kayo nung tao."
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
Source: News Keener
No comments