Sabi nga nila, ang mga larawan ang magsisilbing alaala ng mga pagkakataon na minsan lamang dadaan sa ating mga buhay. Maaring ang mga ito ay ating makalimutan, pero nandiyan pa rin ang mga larawan para tayo ay paalalahanan.
Ngunit meron bang pagkakataon na ikaw ay kumuha ng larawan na ikaw mismo ay hindi mawari kung bakit ganoon ang kinalabasan?
Halina't silipin ang mga kakaibang litratong aming natagpuan:
Imahe mula sa Easy Craft Idea/Facebook
Bihira nga lang naman para sa iilan na makasakay sa isang ostrich. Pero siguradong laking gulat ng babaeng ito ng makita na tila nasa isang katauhan lang sila ng kaniyang sinasakyan.
Imahe mula sa Easy Craft Idea/Facebook
Sa aking hinala, ang babaeng may dalang bag ay nakipagusap sa kanyang make-up artist matapos makita ang kuhang ito. Pinabago niya kaya ang kulay ng make up niya sa mata?
Imahe mula sa Easy Craft Idea/Facebook
Habang napakasarap ng panunood ng telebisyon ng lalakeng ito. Hindi niya namamalayan na nag-iba na ang anyo ng kanyang paa.
Imahe mula sa Easy Craft Idea/Facebook
Mukha namang masarap din ang panunood ng isang ito, mabuti na lang at alerto ang lalaking katabi niya upang salagin ang baseball bat na siguradong sasapul sa kaniyang mukha kung hindi naagapan.
Imahe mula sa Easy Craft Idea/Facebook
Nagtataka na ako ngayon kung saan ba lumalabas ang bagong silang na kabayo.
Imahe mula sa Easy Craft Idea/Facebook
Tinatayang ang bilis ng lumilipad na rocket ang isa sa pinakamabilis sa buong mundo. Pero puma-pang ilan kaya sa listahan ang tao na kumuha ng larawan na ito?
Imahe mula sa Easy Craft Idea/Facebook
Hindi ako makikipagtalo na isa sa mga bayani ng buong henerasyon ang mga bumbero.
Imahe mula sa Easy Craft Idea/Facebook
Tila ba ang babaeng ito ay may kakayahang pigilan ang mga alon sa dagat.
Imahe mula sa Easy Craft Idea/Facebook
Pakisabi naman sa asong ito na tapos na siyang iguhit sa pader. Pwede na siyang gumalaw.
Imahe mula sa Easy Craft Idea/Facebook
Nasilip ba muna ng babaeng ito kung may tao pa sa kumot bago niya ito pagpagin?
Imahe mula sa Easy Craft Idea/Facebook
Ang isang trak naman na ito ay tila ba gustong isama ang haring araw sa kaniyang pag-uwi.
Imahe mula sa Easy Craft Idea/Facebook
Ano kaya ang pinapakain sa pusa sa litratong ito? Ang kisig ng katawan eh!
Imahe mula sa Easy Craft Idea/Facebook
Kung sino man ang mautusan para maglinis ng inidoro na ito, sa sobrang liwanag ay siguradong walang mapapalagpas na mikrobyo.
Imahe mula sa Easy Craft Idea/Facebook
Yung kagalang-galang ang iyong kasuotan ngunit sumablay ka sa iyong pinagkakatayuan.
Imahe mula sa Easy Craft Idea/Facebook
Beer ba ang ibinuhos sa kanya o sinakluban ng puting tela?
Imahe mula sa Easy Craft Idea/Facebook
Maganda ang istilo ng kanyang buhok, pero mas interesado ako sa kung ano ang bunga nito.
Imahe mula sa Easy Craft Idea/Facebook
Sa palagay ko, kailangan na ng dagang tumakbo.
Imahe mula sa Easy Craft Idea/Facebook
Napakagandang tignan ang liwanag sa dulo ng ilalim ng tulay na ito.
Imahe mula sa Easy Craft Idea/Facebook
Nagmistulang unicorn sa balat ng lupa ang kuha sa hayop na ito.
Imahe mula sa Easy Craft Idea/Facebook
Sino ba naman ang hindi gugustuhing salubungin ang panibagong araw kapag ganito ang makikita mo?
Imahe mula sa Easy Craft Idea/Facebook
Talaga nga namang napaka gandang pagmasdan at balik-balikan ang masasayang memorya gamit ang mga larawan. Isang simpleng kwadradong makulay na piraso ng papel na punong puno ng istorya.
Source: trendszilla.net
Source: News Keener
No comments