Ilang araw na simula nang puro saging na lamang ang kinakain ng magkapatid na sna Gino at Jelly. Hindi naman din kasi makahanap o makapag-hanapbuhay si Gino dahil hindi siya ay menor de edad pa lamang at hindi maaaring makalabas ng bahay bunsod ng lockdown.
Dalawang linggo na din ang nakakalipasnang puman@w ang kanilang ina kaya naman si Gino na ang nagtataguyod at nag-aalaga sa limang taong gulang na kapatid. Maagang namulat si Gino sa kahirapan kaya naman bata pa lamang ay natuto na siyang magbanat ng buto.
Mabuti na lamang din at mayroong maliit na taniman ang kaniyang ina sa likod ng kanilang bahay kaya naman kahit papano ay mayroon silang pinagkukunan ng pagkain ngayong lockdown.
Ngayong araw ay saging na naman muli ang inulam ng magkapatid. Nais man ni Gino ibahin ang kanilang ulam o mabigyan ng maayos na pagkain ang kapatid na si Jelly ay hindi niya magawa dahil hindi pa siya makapaghanapbuhay ngayon.
Gayunpaman, hindi naman nagrereklamo si Jelly sa kanilang pagkain bagkus ay tuwang tuwa pa ito sa saging na pagkain nila dahil ito ay naging paborito na din niya.
Ngunit, hindi pa din mapigil ni Gino ang makaramdam ng awa para sa kaniyang kapatid dahil sa halos araw-araw nilang pagkain ng saging ay ang nasabing pagkain na lamang din ang naging paborito ni Jelly. Hindi din kasi nakakatikim ng ibang putahe si Jelly dahil saging at saging lamang ang kinakain nito.
Sa kabila nito, ipinagpapasalamat pa din ni Gino sa Diyos na kahit papaano ay mayroon silang kinakain. Ipinangako na lamang niya sa kaniyang sarili na siya ay gagawa ng paraan para magkaroon ng maayos na buhay at mabigyan ng komportableng buhay ang kaniyang kapatid.
Bago kagatin ang nilagang saging, isinawsaw muna ito ni Gino sa bagoong at sinabayan niya ng subo sa kaning lamig. Inilaan niya kasi ang bagong saing na kanin para sa kaniyang kapatid para naman mainitan ang sikmura nito.
Maya maya pa ay may bigla na lamang kumatok sa pintuan ng kanilang bahay. Nagtataka man ay tinignan pa din ni Gino kung sino ang kanilang panauhin.
Binuksan niya kaagad ang kanilang pintuan na de buhal dahil tanggap na ang bisagra nito dahil sa nagdaang bagyo.
Pagkabukas niya ay nakita niya ang isang mapostura ngunit hindi niya kilalang babae. Tila kasing edad lamang ito ng kaniyang ina.
Hinahanap din nito ang kaniyang ina na si Loida. Ngunit, binalita na lamang ni Gino ang malungkot na balita tungkol sa pagp@naw ng kaniyang ina.
Nagulat naman ang babae at maya maya pa ay sunod sunod ng nagbagsakan ang mga luha nito mula sa mata dahil hindi makapaniwala sa nangyari kay Loida.
Maya maya pa ay napagpasyahan ni Gino na alukin na ang babae na pumasok sa kanilang bahay. Doon ay tinanong na siya ng babae kung siya ba ang anak ni Loida.
Tumango naman si Gino bilang tugon dito at ipinakilala ang nakakabatang kapatid na si Jenny na noo'y patuloy pa din sa pagkain ng saging.
Saad naman ng nagpakilalang si Ada,
"Ako naman ang Ninang Ada mo. Matalik kong kaibigan si Loida. Noong mga panahong ako ang nangangailangan ay siya ang kaisa-isang taong tumulong sa akin kahit pa salat na salat siya.
Pagkukuwento pa nito,
"Alam mo ba, hijo? Maliit ka pa nang huli kaming magkita ng iyong ina. Nang mga panahong iyon ay hindi pa rin nabibilanggo ang ama mo't masaya pa silang nagsasama ni Loida."
Muli namang nalungkot si Gino nang maalala na sumakab1lang buhay na din ang kaniyang ama na nahuli dahil napagbintangang magnanakaw at nadisgrasay ng mga kapwa nito bilanggo sa loob ng kulungan. Siguro ay masaya na ang kaniyang ama sa langit ngayon dahil muli nitong nakapiling ang kanilang ina..
"Si Loida ang nagturo sa aking maging mapagpasalamat kahit na ang mayroon lang sa hapag mo'y nilagang saging na paborito naming kainin noon dahil iyon lang ang mayroon kami. Tumakas kasi ako sa mga magulang ko noon. Malaki ang pasasalamat ko sa iyong ina, Gino. Sayang nga lang at hindi na ako umabot para sana'y natulungan ko siya."
Muli namang naiyak ang babae habang binabalikan ang pinagsamahan nila ng kaibigan.
"Pero ngayon, nandito ako para bumawi. Kahit man lang sa inyong mga anak niya'y maipadama ko ang pasasalamat ko sa inyong ina. Simula ngayon ay aampunin ko na kayo'y ituturing na sariling akin."
Labis naman ang kasiyahan na naramdaman ni Gino nang marinig niyang sabihin iyon ng kaniyang Ninang Ada. Niyakap niya ito ng mahigpit at nagpasalamat dito. Sa wakas ay hindi na nila kailangan pa ng kaniyang kapatid na magtiis ng gutom.
Si Ninang Ada ay isang may kayang babae. SIya ay nagmamay-ari ng ilang negosyo. Wala itong anak o kahit asawa kaya naman mas naging malapit silang magkapatid sa babae. Itinuring na din nila ito na parang tunay na ina at minahal ng lubusan.
Source: The Relatable
No comments