Sa panahon ngayon, maraming tao na ang gumagamit ng gadgets. Lalo na ngayong panahon ng pandemya, kung saan gadgets at internet ang ginagamit na midyum sa pag-aaral at pagtatrabaho. Kung kaya naman tila isa nang “pangangailangan” ang gadgets. Ang cellphone ang pangunahing gadgets na ginagamit ng tao.
Sa katunayan, mayroon nang humigit-kumulang na 1.35 bilyong cellphone. Sa ilang bansa, higit sa kalahati ng populasyon ng mga ito ang mayroon nito. Nakadepende na ang tao sa cellphone sapagkat sa pamamagitan nito maaring makipagkomunikasyon ng mabilis, pagbabayad ng bills, pag-aaral o pananaliksik, trabaho at iba pang maaring gawin dito.
Ngunit ang paggamit ng mga gadgets na ito ay may katuwang na pag-iingat.
Isang netizen, na nagngangalang Rosalyn Evangelio Garcia ang nagbahagi ng kaniyang karanasan at nagpabatid sa mga iba pang gumagamit ng cellphone na mag-ingat sa paggamit ng mga gadgets.
Ayon sa salaysay ni Rosalyn sa post niya sa Facebook, hindi raw natanggal ang kaniyang cellphone sa pagkakacharge at ilang oras ding naiwang nakasaksak sa saksakan ng kuryente.
"Kanina lng po bandang 2:30am March 9,2018 ay pumutok ang cellphone ko…ang lakas nagulat ako ganito na ang hitsura nya…Nakacharge kc ito Ng 8:30pm kagabi sbi ng anak ko..Umalis kmi sa bahay ng 10pm pra mglamay…"
"Hindi natanggal ng anak ko ang CP sa pagcharge..Naiwan sa bahay ang asawa ko at c Harry na natutulog nag lamay kami ni Hk at Hero ung mga anak ko…2:20am nakauwi n kmi dto sa bahay…tinanggal ko itong CP sa charge dahil chinarge ko nmn ung CP kong malaki…Tapos nilapag ko lng sya…Dahil pumunta akong kusina para initin ung kanin…"
Pagpapatuloy niya, "Maya-maya ng konti my pumutok ng malakas at umuusok na san pwesto kung nsan ang CP kong maliit… Buti nalng at hindi sya nakacharge…pero ang lakas ng pagputok…Kaya babala ito sa mga gumagamit ng CP na katabi nyo SA pagtulog or malapit sa inyo dahil maaari pala tayong masunog… Hanggat maari bantayan po ntin ang oras ng pagcharge ng CP para maiwasan ang ganitong pangyayari…Kaya ingat po."
Sinabi rin niyang hindi peke ang kaniyang aparato.
“Hindi po FAKE ung phone ko…Na over charge sya kaya cguro pumutok kc ang anak ko ang ngcharge..nakalimutan nya tanggalin bago kami umalis…Pinost ko ito para mabigyan ng babala ang mga gumagamit Ng phone na maaring mangyari din sa inyo ito.”
Ayon naman sa mga eksperto, nangyayari ito dahil sa labis na init na nagdudulot ng short circuit sa baterya ng cellphone na sumisira sa mga internal cells.
Hindi rin daw dapat na tinatagalan ang oras ng pagchacharge dito sapagkat binabawasan nito ang kapasidad ng battery.
Source: The Relatable
No comments