Sa hirap ng buhay at kumita ng pera, kailangan nating magbatak ng buto upang hindi magutom ang ating pamilya. Kahit sa gitna ng kinakaharap na p@ndemy@, dapat ay kumayod tayo para may pang tustos sa araw-araw.
Katulad na lamang ng isang lalaki na patuloy pa rin ang pagpadyak ng pedicab kahit na putol ang isang binti nito.
Oktubre 29, 2014 nang maaksidente si Zosimo Cabuong Jr., 35- anyos na nakatira sa Pugeda St. Brgy Kanluran, Rosario Cavite, na kilala rin sa kanilang lugar sa tawag na “Tepart”.
Kwento ni Tepart, naipit ang kanyang paa ng bakal habang nagtatrabaho siya bilang pahinante ng isang truck ng basura sa QĎ…ezon City kaya kinailangang putulin na ang kanyang kaliwang binti.
Ayon kay Tepart, buntis pa ang kanyang asawa nang mangyari ang nakakalungkot na insidente ngunit nanalangin siya at pinili ang lumaban.
Kahit mahirap ay patuloy pa rin sa pagtatrabaho si Tepart dahil mayroon siyang 6-anyos na anak at 86-anyos na lolang may karamdaman na si lola Ligaya.
Patuloy ang pagsisikap ni Tepart sa pagpasada ng pedicab na naka-boundary pa. Kumikita siya ng hanggang 200 kada araw, depende sa dalas ng byahe.
Pangarap ni Tepart na magkaroon ng artificial na paa o kaya naman ay electric bike na may sidecar ng sa gayon ay hindi na siya mahirapan sa pagpadyak.
Mensahe ni Tepart, na patuloy lang manalangin at magpatuloy sa kabila ng hamon ng buhay at tutulungan tayo ng Diyos na makayanan ang lahat.
***
Source: ABS-CBN News
Source: News Keener
No comments