SECRET RECIPE? Customer ng isang sikat na restaurant muntik ng makakain ng ipis!

Trending ngayon ang Facepost post ng netizen na si Lem Quiñosa Reyes, ibinahagi niya ang naging karanasan sa isang kilala at sikat na restaurant na Aristocrat sa may Roxas Boulevard.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, isang kakaibang sangkap ang natikman na muntik pang makagat at makain ni Lem sa kanilang inorder na pagkain.


Imahe mula Lem Quiñosa Reyes | Facebook


Imahe mula Lem Quiñosa Reyes | Facebook


Noong nakaraang dalawang araw, sila ay nagtungo sa nasabing restaurant para kumain ng tanghalian. Ayon kay Lem, matagal tagal na rin ng huli silang bumisita sa kilalang kainan na ito sa Malate, Roxas Blvd.

Boneless chicken, Pork Spareribs at Pancit ang napiling nilang orderin na talaga namang best seller ng Aristocrat.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain ay may nalasahang siyang kakaiba. At nang ito ay kanyang iniluwa, laking gulat na lang ni Lem nang sumabulat sa kanya ang lutong ipis na kahalo ng kanyang pagkain.

Kwento ni Lem ay sobra siyang nandiri sa kanyang nakita at natikman na halos makagat pa nga niya ito pero buti na lang at nailuwa niya din kaagad.

Madali namang nakunan ng litrato ni Lem ang pagkaing may halong insekto bago ito tuluyang ilayo sa kanya ng supervisor ng restaurant.

Sinabi ng naturang supervisor na papalitan na lamang ang kaniyang pagkain ngunit ito'y kanyang tinanggihan.

Imahe mula Lem Quiñosa Reyes | Facebook


Tinawag ng supervisor ang manager ng restaurant at sinabi na wag ng bayaran ang pagkaing nakain ni Lem.

Ngunit dahil sa ang natagpuang ipis ay galing sa pansit na napagsaluhan na ng lahat ay hindi sila pumayag sa alok nito.

Imahe mula Lem Quiñosa Reyes | Facebook


Dahil dito, napagdesisyunan ng manager na huwag ng bayaran ang kabuuang bayarin nila Lem.

Pero muli nila itong tinanggihan. Ayon sa kanya, hindi nila intensyon na makaiwas sa bayarin, bagkus ay gusto niyang magsilbing paalala ang pangyayaring ito upang mas maging malinis at gumawa ng mabilisang aksyon ang pamunuan ng Aristocrat ukol sa nangyari.

Gayunpaman, pinilit pa rin ng manager na huwag na nilang bayaran ang bill at sa huli ay pinagbigyan na sila ng customer na si Lem.

Imahe mula Lem Quiñosa Reyes | Facebook


Sa Facebook post ay nagpaalala siyang muli na maging mapagmatyag ang lahat sa ating mga kinakain sa mga restaurant. Malamang ay dahil na rin ito sa matagal na panahong hindi pagbubukas ng ilang mga establisyemento.

Sa ngayon ay may 3.4k reactions, 2.2k comments at 4k shares na ang post na ito ni Lem na sadyang ikinadismaya ng maraming netizens.

Narito ang kabuuang post:

Imahe mula Lem Quiñosa Reyes | Facebook



Source: News Keener

No comments

Seo Services