Sundalong kasama sa bumagsak na C-130, may mga senyales na umanong may hindi magandang mangyayari

Labis labis ang pagdadalamhati ng mga pamilya ng mga sundalong binawian ng buhay dahil sa nangyaring tråhedya sa Patikul, Sulu nitong Linggo, Hulyo 4.
Photo credit: GMA News

May mga nagtamo ng sugat at pilay ngunit mas marami ang binawian ng buhay matapos bumagsak ang aircraft C-130 na sinasakyan ng mga sundalo.

Nasa 52 ang bilang ng mga sundalong binawian ng buhay at kasama na rito si CPL Carol Dapanas Jr.

Mahal na mahal kita."
Photo credit: GMA News
Photo credit: GMA News

'Yan ang naging bukambibig ni CPL Carol Dapanas Jr. sa huling video call nila ng kaniyang asawang si Mabel Dapanas ilang minuto bago ito sumakay sa nag-crash na C-130 aircraft nitong Linggo.

Kwento ni Mabel, tila may mga senyales at pahiwatig na umano ang kanyang mister na may hindi magandang mangyayari sa kanya.

"(Sabi niya) mag-ingat diyan sa bahay, mahal daw niya ako. Hindi niya raw ako kakalimutan at tsaka 'yong anak namin. Sign na talaga niya na parang may mangyari sa kanila. Hindi niya matiis na hindi niya ako ma-contact, ma-video call," kuwento ni Mabel.
Photo credit: GMA News
Photo credit: GMA News

Naputol raw ang pag-uusap ng mag-asawa at nang subukang tawagan ulit ni Mabel ang mister ay hindi na ito ma-contact.

Laking gulat na lang daw niya nang mabalitaang bumagsak ang C-130 na sinakyan ng kaniyang asawa. Hindi kasama ang kaniyang asawa sa mga nakaligtas.

Aniya, marami pa raw pangarap ang kanyang mister para sa kanilang pamilya.

"Bago siya pumunta ng Sulu, sabi niya magpundar daw siya ng bahay at tsaka ng business sabi niya sa akin para sa kaniyang anak," pahayag ni Mabel.


***
Source: GMA News

Source: News Keener

No comments

Seo Services