32-year-old na construction worker, pasok sa Top 10 Certified Public Accountant Licensure Exam (CPALE)

Marami ang humanga at bumilib sa isang construction worker matapos nitong mag top 10 sa nakaraang 2022 Certified Public Accountant Licensure Exam (CPALE) ay may average na rating na 87.50 percent.

Tunay nga namang ang kasipagan ay susi sa tagumpay.
Photo credit to the owner

Si Butch Warren Hojas, 32-year-old, ay pitong taong construction worker at 4 na taong OFW. Aminado siya na nagdalawang isip siyang matapos ang kolehiyo dahil sa kanyang edad.

Ngunit dahil sa kanyang pangarap na magkaroon ng magandang kinabukasan, sinubukan niyang ipagpatuloy ang pag-aaral.

At first I was hesitant to continue studying because I was out-of-school for 11 years already. Baka kinakalawang na yung utak ko, baka hindi ko kayang sumabay sa mga k-12 graduates. Pero nagpasya ako na pa gandahin yung buhay ko pati na sa pamilya ko kaya itinuloy ko yung pag-enroll sa kolehiyo.”

Kwento niya, talagang nagpursige siya sa pag-aaral. Wala siyang ibang inintindi kundi ang mag-aral at magtrabaho.

Kahit sa kanyang birthday at mga holidays o special occasions ay nanatili siyang consistent sa pag-aaral.

Pinangarap ko talagang maging CPA kung kaya yung pagsisikap ko ganun na lang.”

Muntik na rin daw siyang matigil sa pag-aaral nang magkaroon ng anak. Naisip niyang tumigil upang makapag focus sa pagtulong sa kanyang pamilya. Ngunit ang kanyang determinasyon na makatapos ang nagtulak upang mas lalong magsumikap.

Pero talagang hindi ko sinuko yung pangarap kong maging isang ganap na CPA lalo't malapit ko na itong maabot. Kaya nagpasya kami ng asawa ko na iwan muna yung aming anak sa mother niya. Dahil sa pagkakataon na binigay sa akin ng asawa ko na makapag-focus sa paghahanda para sa board exam ay sinigurado ko na magiging kontento ako sa preparasyon ko para sa board exam,” ani Butch.

“Literal na binigay ko lahat simula umpisa nong mag-accountancy ako. I did it so that I can honestly say to myself na ginawa ko lahat at wala akong pagsisihan no matter the result of CPALE,” dagdag niya.

Sa huli ay nakamit ni Butch ang matapos na tagumpay. Nagtapos siya sa University of the Visayas-Cebu City.

Isa siya sa topnotcher mula sa 1,722 na pumasa sa 6,665 na examiness noong October 2022 CPALE.


***

Source: News Keener

No comments

Seo Services