Ang pagmamahal sa kapwa ay hindi masusukat ano man ang estado natin sa buhay. Mapa mahirap, mayaman, may kaya o ano paman. Ang pagbibigay sa kapwa ay siyang simbolo kung gaano kalaki ang puso at kabutihan ng isang tao na makikita sa kanyang kaloob-looban.
Mapa gamit man ito o pera kapag nagbigay ka, iba ang saya kapag nalaman mong may mga taong kang pinapasaya dahil sa kabutihang loob na iyong ipinakita.
Kumakailan ay nag trending sa social media ang post ng isang netizen na si Joy Anne Vicente. Ibinahagi niya kung gaano kalaki ang puso ng batang kalye na ang pangalan ay si Joshua.
Ayon kay Joy, pumunta sila noon sa OWWA dahil mayroong inasikaso ang kanyang Ina kaya sinamahan niya naman ito. Habang nag iintay sa parking lot si Joy, halong tanghali na wala parin ang kaniyang Ina kaya nakaramdam na siya ng gutom.
Noong una, humingi pa lamang ng pera si Joshua sa kanya, ngunit wala din itong dalang wallet kaya wala siyang maibigay sa bata.
Tinanong naman siya ni Joshua kung nakakain naba ito, "Hindi" naman ang sagot ni Joy.
Ilang minuto lang ang lumipas ay may dalang dalang turon si Joshua na nais niyang ibigay kay Joy. Natuwa naman si Joy dahil hindi niya inasaahan na kung sino pa yung walang wala sa buhay ay siya pa yung kusang nagbibigay.
Ayun sa post ni Joy;
“I`m so touched. May mga tao pa rin talagang ganito. Minsan kung sino pa yung walang wala, sila pa yung nagbibigay”.
“This made me realize even more na I`m really blessed and should be thankful kasi nasa maayos akong kalagayan. And for that, I should also have the capacity na makatulong in my own little ways. Kung siya, kaya niya. So what can`t I? Why can`t we?”.
Dahil sa post na ito ni Joy ay marami ang mga netizens na nagpaabot ng magandang reaksyon at komento kay Joy Anne at sa batang si Joshua.
Ito ang nagpapatunay na kahit mahirap man ang mga taong nakatira sa lansangan, sila naman yung mayaman pag dating sa mabuting kalooban.
Source: The Relatable
No comments