Ipinahayag ng isang Irish ang kanyang paghanga sa mga Pilipino sa kabila ng kinakaharap na pandemya ng Pilipinas.
Sa Facebook post ni Mike Grogan, isang leadership trainer, speaker at author, sinabi nito na anim na taon na siyang naninirahan sa bansa at mas lalo siyang napapamahal dito.
Aniya, alam niyang nahihirapan ang bansa na lumaban at marami pa ang dapat na ma-improve, ngunit sana raw ay huwag kalimutan ang pagiging mabuti, mapagbigay at pagmamalasakit ng bawat Pilipino sa isa’t isa na hindi nakikita ng media.
Kwento niya, humanga siya sa mga Pilipino kung papaano nila harapin ang problema sa pandemya. Bukod sa pagsunod sa mga restrictions ay nagagawa rin ng mga ito ang tumulong sa mga nangangailangan.
Dagdag pa niya, ang katangiang ito ng mga Pilipino ay hindi makikita sa ibang bansa.
“Filipinos call it 'Malasakit para sa kapwa' (empathy in action for your fellow man) something that many so-called developed countries around the world are lacking right now.”
Ang mga Pilipino rin daw ang dahilan kung bakit ang mga katulad niyang foreigner ay ayaw ng umalis ng Pilipinas.
Aniya, alam niyang malalagpasan ng mga Pilipino ang pandemya ng mas matibay at sama sama.
Mike Grogan / Photo credit: Youtube
Mike Grogan / Photo credit: Central Mindanao University
Basahin ang buong post ni Mike Grogan sa ibaba:
“I know the Philippines has its fair share of critics, but as a foreigner who has lived here for the past 6 years, I can honestly tell you that I am falling more and more in love with this place.
Yes, there are struggles, yes there are things that desperately need to be improved .. but let's never forget the acts of kindness, generosity, and compassion that happen every day among ordinary Filipinos that don't get any media attention.
Over the pandemic, Filipinos have really impressed me with how they have responded to this crisis - with the vast majority not only doing their best to comply with the restrictions .. but to also help out those in need.
Filipinos call it 'Malasakit para sa kapwa' (empathy in action for your fellow man) something that many so-called developed countries around the world are lacking right now.
So as we enter this new season of lockdown I want to use this opportunity to say a big thank you to the people of the Philippines.
You are a gift to the world.
You are the reason why I and so many foreigners don't want to leave this country (and thousands more dream of living here).
I am convinced you will come out of this pandemic stronger and more united than ever!
Mabuhay ang Pilipinas!”
Maraming mga Pilipino ang natuwa at nagpasalamat sa mga sinabi ni Mike. Narito ang ilan sa kanilang mga komento.
***
Source: Mike Grogan | Facebook
Source: News Keener
No comments