Viral na pangalan ng sari-sari store, pinapatanggal ng isang manager ng 7-Eleven

Ang mga Pinoy ay kilala sa pagkamalikhain at pagiging masiyahin. Kaya naman maging ang pangalan ng kanilang mga negosyo ay nalalagyan nila ng twist at minsan ay talagang nakakatuwa.
Photo credit: Chad Gray Jet Pazaol and Calvin Pasaol Carlson

Marami na ang kumalat sa social media na pangalan ng mga negosyo na hinango sa mga sikat o kilalang establisyemento.

Ngunit ayon sa Intellectual Property Code ng Pilipinas, mayroong karapatan ang mga establisyemento na maproteksyunan ang kanilang trade marks, trade-names, at service names upang hindi ito makopya o magamit ng ibang kompanya.



Katulad na lamang ng isang sari-sari store sa Agusan del Norte na ibinahagi ng netizen na si Chad Gray Jet Pazaol sa kanyang Facebook account kung saan makikita ang pangalan ng tindaan na hinango sa convenient store na 7-Eleven.
 Photo credit: Calvin Pasaol Carlson

Mabilis na kumalat at mag-viral ang mga larawan ng sari-sari store na may pangalang 7-Evelyn. 

Ayon sa ‘The Campfire Thoughts”, makalipas ang ilang araw ay pinuntahan ng isang manager ng 7-Eleven ang nasabing tindahan at pinapatanggal ang karatulang 7-Evelyn.

Ayon sa may-ari ng tindahan, katuwaan lamang umano ang paggamit ng pangalan na 7-Evelyn at hindi nila inakalang magvi-viral ito sa social media.

Sa ngayon ay umabot na sa 55k reactions at 82k shares ang post ni Pazaol.


***

Source: News Keener

No comments

Seo Services