Ipinost ni Patricia Ivy Peñano, isang singer ang karanasan nya sa isang imbitasyon na kung saan nanggalaiti siya sa groom na nag imbita sa kanya.
Matapos na mapanood ng groom sa " I Can See Your Voice" ang naturang singer, naimbitahan i hire para kumanta sa kasal.
Humiling ang groom na kumanta si Patricia ng 20 songs sa kasal, na siyang ikinagulat niya ngunit pinaunlakan pa rin nya ito.
Ngunit mas lalo niyang ikinagulat ng sabihin ng groom na libre na lamang ang kanyang pagkanta at pakakainin nalang sya sa reception.
Tinanggihan na ito ni Patricia sapagkat napakarami ng gusto ng groom at pagkain lamang ang kabayaran sa kanyang serbisyo.
Nakaramdam ng pagkainsulto si Patricia sa sinabi ng groom sa sinabi nitong 'lang' ang pagkanta.
Dagdag pa nito ay sinabi pa ng lalaki na pasisiskatin na lamang sya nito sa pamamagitan ng kanyang mga koneksyon.
Ipopost pa raw ang video ng kanyang pagkanta upang sumikat at dumami ang followers nito.
Ngunit talagang nadismaya at nainsulto si Patricia at pinasya pa rin niyang hindi tanggapin ang offer ng groom na ito.
At magalang pa rin naman nyang tinanggihan ito, ngunit nakatanggap pa sya ng salitang 'walang modo'
Ayon sa Socmed post ni Pagtricia, matagal na niyang gustong ipost ang pangyayaring ito, ngunit ngayon lamang sya nagkaroon ng lakas ng loob.
“Sa totoo lang ang daming beses ko na na-encounter yung may magPPM sakin na hindi ko kilala pero ni refer ng kakilala ko ganoyn! Tapos kukunin sa ganito ganyan pero ngayon lang ako naka encounter ng ganitong tao. Knowing na hindi kami magkakilala.”
“I sing to EXPRESS not to IMPRESS. NOTE THAT. (Motto yan ng mga singers haha),” pabula niya sa sinabinang lalaki na kumakanta lang naman daw sila upang sumikat.
"Ayos lang naman ang humiling wag lamang sobra" dagdag pa ni Patricia.
Ang pagkanta rin daw sa panahon ngayon ay pinagkakakitaan na. Sapagkat mayroong mga bagay na kailangang paglaanan ng pera. Matuto rin daw magpahalaga sa bagay na pinagkaloob ng Diyos. Hindi raw biro ang maging isang singer.
Na totoo naman lalo po, wag maliitin at insultuhin ang kapwa lalo at ikaw ang humihingi ng pabor.
***
Source: Nation's Press
Source: News Keener
No comments