Tsaleko Na Binili Ng Dalaga Sa Ukay-Ukay, Di Inakala Na Swerte Ang Dala Nito Sa Kanilang Buhay

Huwag mawawalan ng pag-asa.- Ilan na lamang sa mga salitang nagpapalakas sa loob ng mga tao upang magpatuloy sa buhay sapagkat habang maybuhay, may pag-asa.

Maaaring isa sa mga taong ito si Lorna, isang fresh graduate na patuloy pa ring naghahanap ng trabaho, ilang buwan matapos makapagtapos. Labandera ang kaniyang ina na nagtaguyod sa kaniya sapagkat sa kasamaang palad, maagang namayapa ang kaniyang ama.

Sa panahon ngayon, pahirapan na ang paghahanap ng trabaho kung kaya talaga namang lumbay si Lorna, lalo na tuwing makikitang nahihirapan na sa paglalaba ang inang matanda na.

Isang araw, maagang umalis ng bahay si Lorna upang maghanap muli ng trabaho. Sa isa niyang panayam ay sinabihan siya ng tauhan na kung gustoniyang matanggap, kailangan ay presentable o kahit papaano’y pormal tignan ang kaniyang kasuotan.

Sa natitirang 100 piso ng babae, hindi niya alam kung saan pa siya makakhanap ng ganoong damit. Hanggang sa madaanan niya ang ukay-ukay. Doon ay nakita niya ang isang tsalekong tig-tatatlumpung piso lamang. Kaniya itong binili at agad ipinakita sa nanay pagkauwi ng bahay.

Lingid sa kaniyang kaalaman, nang kaniya itong sulsihan bago labhan, bumulaga sa kaniya ang isang singsing na mayroong dyamente sa bulsa ng tsalekong iyon. Nang kanilang suriing mabuti, may nakaukit na pangalan sa likod nito.

Pinayuhan siya ng kaniyang ina na ibalik ito sa may-ari. Ngunit sabi niya, hindi naman daw maaaring nasa Ukay-ukay na iyong ang may-ari nang naturang singsing.

Subalit ipinilit pa rin ng ina na hanapin ang tunay na may-ari. Napagdesisyunanna lamang nilang ibahagi ito sa socimed. Hindi nagtagal ay kumalat nga ito, marami na rin ang mga nagpadala ng mensahe kay Lorna. Ngunit ang tunay na may-ari lamang ang nakakaalam ng palatandaan na nasa singsing.

Mag-iisang buwan na ring walang trabaho si Lorna. Nawawalan na siya ng pag-asa. Naiisip niya na kung kanilang mabebebenta ang singsing, sapat na ang halaga nito upang makapagpatayo ng negosyo upang tumigil na sa paglalabada ang ina. 

Ngunit, isang mensahe ang pumukaw sa atensyon ni Lorna. Mula ito sa isang babaeng nakatira sa Amerika. Ayon dito, matagal na raw nitong hinahanap ang singsing na pagmamay-ari. 

Bilang patunay kung totoo nga ba ang sinasabi ng babae, tinanong ni Lorna ang palatandaan sa singsing. 

“My dearest Anna,” saad ng banyagang babae. 

Ayon pa rito, pamana raw ito nang kaniyang ina mula sa ama at matagal na niyang hinahanap matapos mawala. Ito na lang din daw ang tanging alaala nito sa mga magulang.

Lumipad patungong Pilipinas ang banyagang babae at nakipagkita kay Lorna at Aling Mely. Labis ang pasasalamat nito sa mag-ina.

Nang malaman ng banyagang babae ang kwento kung paano natagpuan ni Lorna ang singsing sa kaniyang lumang tsaleko ay agad niya itong inalok ng trabaho sa ibang bansa. 

May-ari pala ng isang malaking kumpanya ang babaeng ito at nais niyang maging bahagi nito si Lorna. 

Labis ang tuwa ng mag-ina dahil bukod sa tinulungan nitong magkatrabaho ang anak sa ibang bansa ay isasama pa ni Lorna ang kaniyang ina upang pareho na silang doon manirahan. 

Simula noon ay naging maayos at umunlad na ang kanilang pamumuhay. Hindi akalain ni Lorna na dahil lamang sa tig-tatatlumpung pisong tsaleko ay lubusang magbabago ang takbo ng kanilang buhay. 


Source: The Relatable

wokes Wednesday, December 30, 2020
Jaclyn Jose, Hindi Napigil Ang Damdamin At Pagsabi Ng Bagay Na Ito Tungkol Sa Engagement Nina Andi At Philmar

Hindi napigilang inihayag ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose ang kaniyang naramdaman sa engagement ng anak na si Andi Eigenmann sa kasintahan nitong si Philmar Alipayo.

Nito lamang nakaraan, ilang buwan bago ang panganganak ni Andi sa ikatlong nitong anak, inalok na ni Philmar ang huli upang magpakasal, na talaga naman daw hindi inaasahan ni Andi.

Sa ibinahaging Instagram post kung saan makikita ang dalawa, nasa dagat kung saan nangyari ang proposal, sinabi ni Andi, “I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t think I’d have one.”



“It would’ve been okay regardless, but it did happen. And it happened the way I wanted it and so much more,”dagdag nito.

Ang nagpaganda daw nang pangyayaring iyon ay simple lang ngunit tunay. “Nothing grand. Unprompted, simple and oh so sincere. That’s us. That’s him. This is how I want the rest ofmy life to be. I am over the moon, so stoked to be spending it with you my mahal @chepoxz!”

Sa kabilang banda nama’y, maluha-luha sa tuwa si Jaclyn para sa anak habang sinusulat ang congratulatory message para sa magkasintahan. “Ang anak ko, ikakasal na. Happy nanay,” saad niya sa sariling Instagram post, kung saan makikita ang litrato ni Andi noong ito ay bata pa. 

“Yes happy! Kinilig ako sa proposal sa vlog! Yung foggy ‘tapos voice lang ang naririnig? And the underwater shoot? It was beautiful!”, pagbabahagi niya sa panayam sa Cabinet Files, matapos tanungin ang kaniyang naramdaman sa sorpresang ginawa ni Philmar para kay Andi. 

Talaga namang masasabi ring pinagpala ang beteranang aktres pagdating sa pamilya. 


“Mababait yung dalawang anak ko, lalo na si Gwen. Si Andi super matured and she likes taking care of her family hands on.” 

Nagbungang tunay daw ang kaniyang pagpapalaki sa mga anak na sina Andi at Gwen, sapagkat lumaki raw na mababait at dalisay ang mga ito. Natutuwa rin daw siya sa mga apo sapagkat napakabibibo. Hindi na rin daw siya makapaghintay sa kaniyang ikatlong apo sapagkat masaya raw ang malaking pamilya.

 “Sila ang bunga ng pinaghirapan ko.”


Source: The Relatable

wokes
Palaboy Na Aso, Tinawag Ang Pansin Ng Isang Pulis At Dinala Sa Dumpsite Kung Saan May Itinapon Na Sanggol

Isang stray dog ang hinahangaan at tinatawag ngayon bilang isang "hero" sa munisipalidad ng Sibonga, Cebu, matapos itong tumulong sa pagre-rescue sa isang sanggol na iniwan sa dumpsite ng walang puso niyang magulang.

Ayon sa report mula sa lokal na awtoridad, si Junrell Fuentes Revilla ay nadaan umano sa dumpsite sa bundok ng Magkagong, Sibonga noong Disyembre 24, Huwebes ng umaga, nang siya ay habulin ng isang aso.

Ngunit, naguguluhang tinignan ni Junrell ang aso dahil tila may nais itong sabihin sa kaniya. Patuloy lamang ito sa paghabol sa kaniya at hindi din naman nito sinubukan na kagatin siya nang siya ay mapadaan dito.

Sa kuryosidad, napagpasyahan ng motorcycle rider na tignan kung ano ang nais sabihin ng aso sa kaniya. Hininto niya ang kaniyang motorsiklo at sinundan ang aso na tumakbo patungo sa madamong parte ng dumpsite. Laking gulat ni Junrell na makita ang isang sanggol na nakabalot sa isang brown na tuwala at mag-isa lamang sa lupa.

Kaagad naman niyang tinawagan ang pilice at sinabi ang kanilang lokasyon. Ayon kay Police Master Sergeant Venus Tampos ng Sibonga Police Women and Children Protection Desk, ang sanggol umano ay kakapanganak lamang dahil nakakabit pa dito ang umbilical cord sa kaniyang pusod.

Ang sanggol ay dinala naman sa Municipal Social Welfare and Development Office habang ang mga police ay patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

Nanawagan naman ang mga pulis sa ina ng sanggol sa responsibilidad nito bilang magulang sa sanggol. Hinimok din nila ang publiko na kaagad i-report ang kahit na anong impormasyon na kanilang makukuha tungkol sa insidente o kung may kakilala sila na kakapanganak lamang ngunit wala na ang kanilang sanggol sa kanila.

Dagdag pa ni Tampos nagkaroon umano kamakailan lang ng house-to-house campaign para makausap ang mga batang residente sa lugar tungkol sa teenage pregnancy.

Samantala, pinuri naman ng mga netizens ang aso sa pagligtas nito sa sanggol. Marami ang humihiling na sana ay ma-adopt ang stray dog dahil siya ay isang hero!


Source: The Relatable

wokes
Lolo Na Nahuli Sa Checkpoint Dahil Dahon Ng Saging Lang Ang Facemask, Naiyak Sa Ginawa Ng Pulis

Humigit kumulang siyam na buwan na ang pagkalat ng pandemya sa Pilipinas, na nagresulta nang paghihigpit ng pamahalaan sa mga patakaran kontra c0v1d. Ilan na lamang sa mga ito ang social distancing, pagbabawal nang pagkakaroon ng mass gathering, tamang pagsusuot ng face mask at face shield upang mabawasan posibilidad na magkahawaan ang mga tao partikular na sa pampublikong lugar.

Ngunit, hindi naman lahat ng tao ay mayroong kakayahang bumili ng face mask dahil na rin sa hirap ng buhay, lalo na’t halos lahat ng mamamayang Pilipino ay natigil sa pagtatrabaho. Ito nga ay dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine, kung saan talaga namang mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng mga awtoridad pagdating sa tamang pagsusuot ng face mask. Maaari ring maparusahan ang mga lumabag rito.

Subalit sa hirap ng buhay, walang kakayahang bumili ang iba ng face mask. Ang iba’y gumagawa na lamang ng mga alternatibo nito.

Katulad na lamang ng matandang lalaking ito na dahon ng saging ang ginawang  facemask. Sa litratong ibinahagi sa socmed, makikita ang lalaking padaan sana ng checkpoint sa Brgy. Alinam, Cauayan City, Isabela habang sakay ng kaniyang bisikleta. Napansin ito ni PSSG Mark Anthony Ramirez, partikular na ang kaniyang kakaibang face mask. 

Nalaman ng mga ito na walang sapat na perang pambiliang matandang lalaki upang makabili ng face mask at face shield. 

Dahil dito, imbis na pagmultahin, kanila na lamang itong tinulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng N-95 face mask upang maprotektahan ang sarili laban sa vrus. Nagbahagi rin ang pulis ng mabubuting salita at pinuri ito sa pagiging malikhain. 


Ibinahagi ng Cauayan City Police Station ang nakakaantig-damdaming istoryang ito sa socmed. Marami namang netizen ang nakaintindi sa sitwasyon ng matanda, kaya naman marami ang naghandog ng tulong sa lolo. Kanila ring pinuri ang pagiging mabait at matulungin ng PSSG. 


Source: The Relatable

wokes
Asteroid Na Kasinlaki Ng “Great Pyramid”, Pinangangambahang Tatama Sa Mundo Ayon Sa NASA

Ayon sa pagaaral ng National Aeronautics and Space o mas kilala sa tawag na NASA, kanilang napagalaman na isa di umanong malaking asteroid ang tatama sa mundo sa ika-6, sa buwan ng Mayo, taong 2022.

Sinasabi na ang laki ng higateng bulalakaw na ito ay maihahalintulad sa laki ng Great Pyramid of Giza.

Ang taas ng Pyramid of Giza ay 146.7 metres o 481 ft at ito ay may haba na 230.34 metres (756 ft) or 440 Egyptian Royal cubits kaya talagang masasabi na napakalaki ng asteroid na ito at siguradong magdudulot ito ng malaking pinsala sa eksaktong lugar na tatamaan nito.


Bagamat meron lamang 0.026% o tinatayang 3,800 ang posibilidad na tumama ito sa mundo, ito ay nakakapag dulot pa din ng malaking pangamba para sa karamihan lalo’t hindi agad masasabi ang eksaktong lugar kung saan maaaring tumama ito.

Isa din sa pinapangambahan kapag tumama ito sa mundo ay ang lakas ng pagsabog nito kung saan ito ay may tinatayang 230 kilotons ng trinitrotoluene o TNT. Maihahalintulad ang sabog nito sa 15 beses na lakas ng isang atomic bomb na puminsala sa lungsod ng Japan sa Hiroshima noong taong 1945.

Dagdag pa dito, kahit di-umano tumama sa lugar ng maraming tao o kaya naman ay sa liblib na lugar o kaya ay sa Pacific Ocean, Ito pa din ay makakapag dulot ng mapaminsalang tsunami at nuclear winter.

“Even if the asteroid was to avoid civilization and hit ‘the remotest part of the Pacific Ocean,’ the impact would still be powerful enough to cause devastating tsunamis and ‘nuclear winter.’” Ayon sa naturang ulat.

Ang pangalan ng nasabing asteroid ay JF1 at ito ay natuklasan noong taong 2009. Patuloy itong binabantayan ng NASA Jet Propulsion Laboratory sa pamamagitan ng kanilang Sentry. Kung saan ito ay “highly automated collision monitoring system that continually scans the most current asteroid catalog for possibilities of future impact with Earth over the next 100 years.”

Sa kabila ng bantang panganib nito ay marami pa din ang positibo na hindi ito tatama sa mundo.


Source: The Relatable

wokes
3-Taon-Gulang Na Nawala Habang Nagsho-Shopping Silang Mag-Ina, Natutulog Lang Pala Sa Ibabaw Ng Mga Wrappers

Kinaaliwan ng publiko ang larawan na nagtrending sa socmed kung saan makikita ang isang bata na nakatulog na sa ibabaw ng mga gift wrapper dahil marahil sa pagod na ginawang pagwi-window shopping kasama ang kaniyang ina sa isang home supply store sa Cagayan de Oro.

Ayon kay Judah Abonitalla, ang ina ng batang si Zacs sa larawan, nagtitingin tingin umano sila sa Mr. DIY Cogon kasama ang kaniyang mga anak habang hinihintay ang kaniyang asawa para sila ay sunduin na.

Nang mapadako na umano sila sa parte kung saan nakalagay ang mga party decors, napansin umano ni Judah na bigla na lamang nawala ang kaniyang 3-anyos na anak na si Zac sa kinauupuan nito.


Kahit pa man nakaramdam ng takot at kaba sa kung saan na nakarating si Zacs, mas nanaig kay Judah ang huwag mag panik sa sitwasyon at mahinahon nitong hinanap ang kaniyang anak. Sa kaniyang pag-iikot sa nasabing store, doon ay nakita niya naman ang pares ng tsinelas ng bata.

Nawala ang pangambang nararamdaman ni Judah nang may magsabi sa kaniya na nakita umano nila si Zacc na natutulog sa istante ng mga gift wrappers.

Mahimbing na mahimbing pa ang tulog ni Zacc nang siya ay makita ng kaniyang ina na nakahiga sa gift wrappers. Siguro ay marahil dala ng sobrang pagod sa kanilang pag-iikot kaya ito ay nakatulog na.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang naaliw sa bata na nagsabi pa ang ilan na ito ay cute at funny.

Si Zacc kasi ay hindi din katulad ng ibang mga bata na sobrang malikot sa tuwing pumupunta sa mga shopping malls. Itong si Zacc daw ay tila naghanap na lamang ng kaniyang pwesto para siya doon ay makapagpahinga ng sandali.

Mayroon pa ngang mga netizens na nagsasabi na 'tulog is life' daw para kay Zacc.



Source: The Relatable

wokes
Jackie Rice, Di Nakapagtimpi At Pinatulan Ang Mga Bastos Na Komento Patungkol Sa Kanyang Mga Larawan

Pagdating nga naman sa usapang socmed, lahat naman siguro ng tao alam ito. Dahil sa teknolohiyang patuloy na lumalaganap mas lalong napapadali ang mga impormasyon na nais nating malaman. Mapa celebrity, news, health o ano pa man.

Isa ang socmed sa nag papagaan sa buhay ng isang tao. Halos lahat ay naka babad dito, pwera na lang sa ilan na hindi ito alam paano gamitin.

Karamihan sa mga hinahangaan nating artista ay may kanya kanyang social media. Kung saan nagpopost ng ibat ibang uri ng litrato.

Isa si Jackie Rice sa mga sikat na celebrities na may kakaibang hubog ng katawan. Makins na kutis at magandang mukha sa showbiz.


Kaya naman, hindi mapigilan ng ilang lalaking netizens ang gawin siyang katatawanan at mapag komentohan ang kanyang mga litrato ng kung ano anong masisilang mga komento.

Dahil nga sa mga litrato na pinopost ng aktres kung saan naka bikini lamang ito, hindi mapigilan ng ilang lalaki ang kanilang saloobin tungkol kay Jackie.


Sa katuwaan nireplayan naman ni Jackie ang ilang biro ng netizens tungkol sa post nito.

Sa kanyang socmed account, sinagot ni Jackie ang ilan sa mga nag komento sa litrato nito:





Source: The Relatable

wokes
Lani Misalucha, Tuluyan Nang Nabingi At Di Na Makakanta Dahil Sa Matinding Karamdaman

Masakit na ibinahagi ni Lani Misalucha ang tungkol sa karamdaman nito kung saan labis na naapektuhan ang buhay niya bilang isang sikat na mang aawit.

Isa sa mga judge si Lani sa isang show na "The Clash" ngunit dahil nga sa karamdaman nito agarang nawala ang singer sa show upang mag pasuri ito sa doctor. Pinalitan naman agad ni Pops Fernandez ang pwesto ni Lani Misalucha bilang judge sa show.

Marami naman ang nag taka kung bakit agarang nawala si Lani  ilang jugde sa The Clash. Sa isang interview, ibinahagi ni Lani ang tungkol sa kanyang totoong kalagayan ilang buwan na ang nakaraan.

Ayun sa singer, siya ay na diagnosed na may bacterial meningitis matapos na ma admit sa isang hospital.

"Ang nangyari po sa akin ay mas matindi pa sa c0v1d. Bingi po talaga ang nangyari sa akin, sa right side ko, sa aming mag asawa. At meron po kaming vestibular dysfunction kaya kailangan namin ng alalay lagi", saad pa ni Lani.

Na diagnosed noong October si Lani kung saan nakaramdam ito ng ibat ibang sintomas gaya ng, fatigue, headache, nausea, at pagkawala ng pandinig.

Ayon pa kay Lani, isa di umanong restaurant ang kanilang pinagkainan na  kung saan merong bacteria ang hinaing pagkain sa kanila ng kanyang asawa.

Itinago naman ni Lani ang pangalan ng restaurant kung saan sila kumain dahil wala naman daw itong sapat na ebidensya kung Doon ba talaga nang galing ang nasabing bacteria.

"Hirap akong kumanta. Hindi ko narining ang masyado ang boses ko. Bingi yung kanan, biningi nung bacteria yung kanang tenga ko. Nakakarinig yung pangalawang  tenga, pero hindi one hundred percent. Ang weird pa ang dining ko sa music, nagpa-flactuate yung pitch, yung key, as in parang pinapakinggan mo si Ading Fernando na kumakanta, yung nasisintunado". dagdag pa ni Lani.

Walang gamot ang bacterial meningitis. Maari rin itong maging Permanente na Mawalan Ng pandinig ang isang tao.

Dahil dito, hindi na makakabalik bilang judge si Lani sa show na The Clash.

Kahit na grabeng pagsubok ang hinaharap ng singer, nag pa pasalamat parin ito sa Panginoon na Binigyan pa siya ng pagkakataon na ma buhay kahit na tuluyan ito Mawalan Ng pandinig.


Source: The Relatable

wokes
Pilit Niyang Pinag-TNT Sa Abroad Ang Dalagang Anak, Pag-Uwi Ay Di Inaasahang Bagay Ang Bubungad Sa Kanya Sa Airport

Gaano mo ba ka gusto kumita ng pera? Bilang isang magulang layunin nito ang ma bigyan ng mabuting edukasyon ang kanyang mga anak ngunit ang iilan naman ay kusang pinipilit ang anak ng mag trabaho sa mura nitong edad.

Ang buhay ay hindi perpekto minsan nasa ilalim minsan naman na ay nasa itaas. Hanggang saan ang kaya mo bilang isang magulang ang pagsusumikap upang maiahon sa kahirapan ang iyong mga anak?

Mayroong pagkakataon na wala kang ibang gusto kundi ang ikakabuti ng kalagayan ng iyong anak. Karamihan sa alam nating kwento tungkol sa pag aalaga ng anak ay iba sa naging realidad na gustong maramdaman ng anak ang salitang "haplos ng pagmamahal ng isang magulang"

Kagaya nalamang sa kwento ng isang magulang na pilit pinagtrabaho sa ibang bansa ang minor de edad nitong anak na babae.

Pangalanan nating siyang Ana, si Ana 16 years old palamang kung saan ito ay hindi pa pwedeng magtrabho sa ibang bansa ayun sa batas.

Ngunit sa pag pupumilit ng kanyang Ina na mag kayod sa murang edad walang ibang nagawa si Ana kung hindi ay sundin nalang ang utos ng kanyang Ina kahit pa labag ito sa kanyang loob.

Sa tulong ng kanyang kamag anak ay naka labas na nga si Ana ng bansa upang makipag sapalaran su mura nitong edad.

Mahirap man para sa kanya, wala siyang magagawa dahil ito ang naging desisyon ng kanyang Ina para mapag bayaran nito ang kanilang utang at gayun na din ang pang gastos sa araw araw nilang gawain.

Ilang buwan tiniis ni Ana ang lungkot at paghihirap sa kanyang trabaho ngunit wala rin siyang magagawa dahil ayaw ng kanyang Ina na pauwiin sya dahil lubog nga sila ito sa utang.

Oras ng kanyang pag uwi sa Pinas labis ang kaligayahan ni Ana dahil sa wakas makikita na niya ang kanyang pinaka mamahal na Pamilya. Labis rin ang saya ng kanyang Ina dahil sa mga bitbit nitong pasalubong para sa kanyang pamilya.


Ngunit sa kasamaang palad imbis na pasalubong ang datnan ng kanyang Ina, bangkay na ni Ana ang kanyang natanggap. Labis ang pagsisi at lungkot ng kanyang Ina sa nangyari kay Ana.

Ang anak na tumulong sa kanya upang maiahon sila sa kahirapan ay siya pa ang tuluyang kinuha sa kanya. Hindi ma ipaliwang ng Ina ni Ana ang kanyang nararamdaman sa tuluyang pagkawala ng kanyang anak.


Source: The Relatable

wokes Saturday, December 26, 2020
"Ten-Peso Coin Story": Akala Ng Dalagang Ito Ay Walang Wala Na Siya, Pero Sinuklian Ng Umaapaw Na Biyaya


Isang kuwentong ibinahagi ng socmed user na si Ma Ria, nagbigay inspirasyon at umantig sa mga puso ng netizens. Ang kuwento ng karanasang ito ay mula sa may akda na si Joan Soliman. 

Pinatunayan ng kuwentong ito, na anumang pagsubok ang iyong maranasan, malalagpasan mo ito kung malalim ang pananampalataya at mahigpit ang pagtitiwala sa Diyos. Kahit pa walang-wala ka na masusuklian lahat ng iyong mabuting gawain, lalo na kung galing at bukal sa puso, katulad ng kuwentong ito.

'10 PESO COIN STORY'

"Hinding hindi ko makakalimutan yung araw na umattend kami ng nanay ko sa church tapos ang laman ng bulsa ko 10 pesos, tapos si mama walang wala din talaga as in 0.

Umattend kami ng nanay ko ng Sunday service na hindi nag almusal at kumakalam sikmura, kaya hindi ko mabili ng almusal dahil may fear ako na pag naubos yung 10 pesos di kami makapag tanghalian at hapunan. Plano ko kasi ibili ng itlog ng tanghali saka itlog ulit sa gabi tapos pag hahatian namin ni mama. Yung mga susunod na araw, hindi ko na alam kung paano kami.



Habang nasa church, pumwesto yung nanay ko sa may bandang likod kung saan magkakasama yung mga kananayan. Tapos ako sa may bandang unahan, as usual kasi part ako ng music team and sa unahan din ang youth group.

Di ko makakalimutan, na kapag naaalala ko yung kabutihan ni Lord sa buhay ko, tumutulo pa rin luha ko hanggang ngayon.

Yung scenario is, tumugtog na yung pang TITHES AND OFFERING na music. Sa church kasi namin dati yung box nasa unahan ng altar, so talagang pupunta ka dun para maghulog ng tithes and offering mo kay Lord. Hindi ako pumapalya kahit baon ko sa school nag huhulog ako doon, pero ito iba dahil 10 peso coin na lang yung meron ako. 

Habang naglalapitan yung mga tao, lumingon ako sa likod at tinignan ko yung nanay ko, napa tingin sya saken tapos ngumiti. Ang ginawa ko, nag decision ako na ilagay yung huling pera namin sa tithes and offering. Pumunta ko sa harap, yung saradong sarado yung palad ko kasi at some point nahihiya ako kay Lord na 10 pesos lang yung nakayanan ko. As in saradong sarado yung palad ko.

Natapos yung service ng church. Inalok kami nila Pastor Dario (Hope Church Pastor in Taytay Rizal) na doon na kami mananghalian. Ang matindi may pa sopas pa right after ng service so naihabol namin ng nanay ko yung gutom nung pang almusal at nakapag lunch pa.

Ang matindi, pag uwi namin ni Mama, nag aantay yung bestfriend nya na galing abroad at kakauwi lang ng Pinas. May dalang mga pasalubong, mga de lata, chocolates at kung ano ano pa. Yung pinaka malupit nagbigay sa nanay ko ng limang libo (5000 pesos) as a gift daw at ibili ng gusto.

Pumunta ko sa kwarto ng di alam ng nanay ko at doon ako umiyak ng sobra sobra. Dahil alam ko na ginamit ni Lord yung kaibigan ng nanay ko para mag provide sa amin ng panahong 0 na talaga.

Dun ko napatunayan na may MIRACLE. 

I share this story of my life to inspire people na, ngayong pandemic na kinakaharap natin, ngayon tayo mas kailangan maging matatag sa FAITH natin kay Lord. We have a BIG GOD. Kaya kailangan BIG FAITH ang meron tayo sa Kanya.

Mula ng mangyari sa buhay ko ito, hindi na ako natakot maka experience ng challenges. Every challenges na kinakaharap ko, lagi ko tinatanim sa isip ko na may PURPOSE/REASON ang LAHAT. At kung ano man yon, si Lord lang nakaka alam. Kaya mula noon hanggang ngayon pinahalagahan ko yung blessing na binibigay Nya sa akin and I make sure to PAY IT FORWARD.

Truly FAITH SHOULD BE BIGGER THAN OUR FEAR. 

ALL PRAISE AND GLORY TO GOD ALONE! Amen."


Source: The Relatable

wokes
Maja Salvador, Ipinakita Na Sa Wakas Ang Loob Ng Kanyang Pinaka High-Tech Na Van

Mapapansin na halos lahat ng artista ay mayroong kani-kanilang mga sasakyan na nakalaan para sa kanilang trabaho. Iba’t-ibang uri angmga ito. Ito ay dahil sa kanilang mga gamit at kung minsa’y ginagawang pahingahan lalo na kung mayroon silang mga sh00ting.

Nito lamang nakaraan, ibinahagi ni Maja Salvador ang kaniyang TUNED in STYLE Customized Van Tour sa kaniyang Youtube Channel, #MeetMaja. Ang van niyang ito ay pinangalanan niyang ‘Ari’ na kaniyang hinango sa pelikula niyang “Arisaka”.

Aniya, kaya raw ito ang kaniyang pinangalanan ay dahil nais niya raw sana itong gamitin habang ginagawa ang pelikulang iyon, ngunit dahil kaniyang pina-customize ay hindi nangyari ang ninanais.

Masayang pinakita ni Maja ang loob ng kaniyang van. Sa pagpasok dito, bubungad ang mga Power Captain Seats, hindi lamang ito ordinaryong upuan.

Ito ay mayroong heater at massager, dahil gustong-gusto raw ni Maja ang nagpapamasahe. Nare-recline din ang mga ito upang maging komportbale siya kapag nagpapahinga. Mayroong apat na upuang ganito sa loob ng van.


Pinapaliwanag naman ng mga Pin lights at Star lights ang buong van. Ultimo mga Cup Holder ay mayroon ding mga ilaw. Sa baba naman nito ay ang Touch Sensitive Controls. 

Kung kinakailangan naman ng privacy ay mayroong Privacy glass na nakapagitan sa driver’s seat at sa loob ng van, na maaaring makontrol sa isang switch. Mayroon ding mga window blinds ang binate ng sasakyan. 

Sa usapang libangan, hindi ito pahuhuli.Sapagkat nagpalagay na rin si Maja ng 32” Smart TV gayundin sa Android Head Unit kung saan maaaring making ng musika, radyo at iba pa. Mayroon din siyang mga Outlets at USB ports. 


Makikita rin ang mga lagayan ng gamit o mga storage drawers para sa mga pangapangailanagn ng artista. Kung kakailanganin din naman daw niya ng kainan ay mayroon siyang pull-out tables. Maaari rin daw siyang mag-ayos ng sarili dito at ilabas na lamang ang kaniyang vanity mirror. 

Napakalaking bagay daw nito para sa aktres sapagkat maaari niyang maramdaman na nasa bahay siya kahit malayo siya sa tahanan. 


Source: The Relatable

wokes
Seo Services