Masakit na ibinahagi ni Lani Misalucha ang tungkol sa karamdaman nito kung saan labis na naapektuhan ang buhay niya bilang isang sikat na mang aawit.
Isa sa mga judge si Lani sa isang show na "The Clash" ngunit dahil nga sa karamdaman nito agarang nawala ang singer sa show upang mag pasuri ito sa doctor. Pinalitan naman agad ni Pops Fernandez ang pwesto ni Lani Misalucha bilang judge sa show.
Marami naman ang nag taka kung bakit agarang nawala si Lani ilang jugde sa The Clash. Sa isang interview, ibinahagi ni Lani ang tungkol sa kanyang totoong kalagayan ilang buwan na ang nakaraan.
Ayun sa singer, siya ay na diagnosed na may bacterial meningitis matapos na ma admit sa isang hospital.
"Ang nangyari po sa akin ay mas matindi pa sa c0v1d. Bingi po talaga ang nangyari sa akin, sa right side ko, sa aming mag asawa. At meron po kaming vestibular dysfunction kaya kailangan namin ng alalay lagi", saad pa ni Lani.
Na diagnosed noong October si Lani kung saan nakaramdam ito ng ibat ibang sintomas gaya ng, fatigue, headache, nausea, at pagkawala ng pandinig.
Ayon pa kay Lani, isa di umanong restaurant ang kanilang pinagkainan na kung saan merong bacteria ang hinaing pagkain sa kanila ng kanyang asawa.
Itinago naman ni Lani ang pangalan ng restaurant kung saan sila kumain dahil wala naman daw itong sapat na ebidensya kung Doon ba talaga nang galing ang nasabing bacteria.
"Hirap akong kumanta. Hindi ko narining ang masyado ang boses ko. Bingi yung kanan, biningi nung bacteria yung kanang tenga ko. Nakakarinig yung pangalawang tenga, pero hindi one hundred percent. Ang weird pa ang dining ko sa music, nagpa-flactuate yung pitch, yung key, as in parang pinapakinggan mo si Ading Fernando na kumakanta, yung nasisintunado". dagdag pa ni Lani.
Walang gamot ang bacterial meningitis. Maari rin itong maging Permanente na Mawalan Ng pandinig ang isang tao.
Dahil dito, hindi na makakabalik bilang judge si Lani sa show na The Clash.
Kahit na grabeng pagsubok ang hinaharap ng singer, nag pa pasalamat parin ito sa Panginoon na Binigyan pa siya ng pagkakataon na ma buhay kahit na tuluyan ito Mawalan Ng pandinig.
Source: The Relatable
No comments