Lt. General Parlade tinawag na sinungaling si Angel Locsin

Tinawag na sinungaling ni Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. Antonio Parlade ang Kapamilya aktres na si Angel Locsin.
Command Chief Lt. Gen. Antonio Parlade and Angel Locsin / Photo credit to the owner

Sa isang news article ng ‘Abante’, nakapanayam ni Parlade ang host ng “Diskusyon” na si Aileen Taliping. Sinabi ni Parlade na napanood niya ang naging interview ni Henry Omaga-Diaz kay Angel Locsin.

Itinanggi ni Parlade na sinabi niyang miyembro ng New People’s Army (NPA) si Angel.

Napakasinungaling nitong Angel Locsin. Sinabi na ako daw ay inakusahan ko raw siya na NPA siya. Never ko sinabi ‘yon. Ewan ko kung sinong nagtuturo dito kay Angel Locsin at sana sagutin na lang niya ‘yung tanong kung totoong may kaugnayan sila at ‘yung kapatid niya sa NPA,” saad ni Parlade.

In fact kahit busy ako dito sa paghahanda sa bagyo kinakailangan nating gawin ito dahil hindi maaaring durugin ng mga artistang ito ang credibility natin,” dagdag niya.

Inilabas din ni Parlade ang isang tao na nakakaalam diumano sa naging partisipasyon ng kapatid ni Angel na si Ella Colmenares sa NPA sa Polillo, Quezon noong 1999 hanggang 2002.

Ayon sa nagpakilalang “Ka Leni”, siya mismo ang nakakita kay Ella sa kanilang lugar. Nakasama pa raw ng kanyang ama si Ella sa loob mismo ng kilusan.

Nagbabala rin si Parlade na unti-unti nilang ilalabas ang mga ebidensiya laban sa kapatid ni Angel.

Ani Parlade, ikukunsulta niya sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang mga naging pahayag ni Angel at ang banta nitong idedemanda umano siya.

Ano ‘yung allegation niya? Ano ‘yung ikakaso niya? Ako merun akong ikakaso sa kanya dahil dun sa pagsisinungaling niya,” sambit ni Parlade.

Nilinaw din niyang wala silang away ni Angel dahil nilalaro at pinapaikot lang daw ang aktres ng mga taong nakapaligid sa kanya partikular aniya ang Bayan Muna at Gabriela.

Noong Sabado nakapanayam ni Henry Omaga-Diaz si Angel.

Wala po akong tinatago, wala po akong masamang hangarin,” panimula ng aktres.

I never associated myself with the NPA. He [Parlade] associated me with the NPA. Magkaiba po ‘yun,” giit ni Angel.

Ang sinasabi niya mayroon siyang mga ebidensiya, marami raw akong mga picture, sasabihin ko na po sa inyo ‘yong pictures na ‘yon, sa akin din po nanggaling. Kami po ang naglabas nun noong 2009 kaya siya nakuha ng iba’t ibang media outlets. Bakit po namin ilalabas ang mga litrato na tingin namin na ikapapahamak ko at may koneksyon sa NPA,” dagdag niya.



***
Source: Abante

Source: News Keener

wokes Saturday, October 31, 2020
Babala ng netizen, huwag gamiting pambukas ang bibig sa mga biscuit o chichirya

Nagbabala ang isang babae sa mga taong mahilig magbukas ng mga biscuit at chichirya gamit ang kanilang bibig matapos dalhin sa ospital ang kanyang sariling ina.

Photo credit: Joy Diaz Austero

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Joy Diaz Austero ang nangyari sa kanyang ina matapos malunok ang plastic na pinagtanggalan sa binuksang skyflakes.

Kwento ni Joy, ginamit umano ng kanyang ina ang bibig nito upang buksan ang skyflakes nang biglang nahigop nito ang naputol na bahagi ng plastic.

Pinilit nilang ilabas ang plastic ngunit nahihirapang huminga ang ina ni Joy. Sinubukan rin itong isuka ngunit wala talaga. Kaya dinala na ang kanyang ina sa ospital.

Pagdating sa ospital ay hindi nakita ng mga doktor kung saan napunta ang plastic, ang nakita lamang daw nila ay ang sugat at punit sa lalamunan ng ina ni Joy.

Makalipas ang isang linggo, bigla na lamang daw nahirapan huminga ang nanay ni Joy kaya bumalik sila ng ospital. Aniya, hindi raw napunta sa daluyan ng pagkain ang plastic kundi sa daluyan ng hangin.
Photo credit: Joy Diaz Austero

YES, opo, sa RIGHT LUNG na NAKUHA yang plastic na yan. Kaya grabe hingal ni nanay, at nagtrigger na tumaas ang BP, Blood Sugar, ung sa heart nya hndi normal even potassium & weight nya bumaba,” sabi ni Joy.

Sa ngayon ay magaling na ang ina ni Joy at natanggal na ang plastic sa katawan nito.

Bronchoscopy po ang ginawa kay nanay, which is pinatulog sya at may pinasok na instrument sa tubo ng baga nya. At nakita ngang nasa right lung naka harang ung plastic,” sabi ni Joy.

Kaya naman nagbigay ng paalala si Joy sa mga netizen, “Kaya po doble ingat, mas ok na gumamit nalang ng gunting, or do it with your 2 hands kasi di sya biro.”
Photo credit: Joy Diaz Austero

Sa ngayon ay umabot na sa 25k reactions, 10k comments at 84k shares ang post ni Joy.

Narito ang kanyang bugong post:

“A lesson to be learned. For everyone's safety, please pag magbubukas kayo ng packaging nang any biscuit or chicha or any packaging na plastic, PLEASE do not use your mouth kung ayaw nyo matulad sa nangyare kay nanay. So ito na nga ang reason.

FEB. 23 nang magbukas si nanay ng isang skyflakes gamit bibig nya, nang biglang parang nahigop nya un. Naubo sya, pinilit nyang ilabas kasi nahirapan sya makahinga, matagal din syang inubo pero di nya nailuwa ung plastic. Pinilit nyang isuka pero wala talaga, kaya nag decide na kami dlhin sya sa E.R. Nagpunta kami ng Fatima Med kaso sbe wla daw EENT ksi gabi na at may oras doon. Rekta kami Chinese Gen. ganon din ang sinabe so dumirecho kame ng UST Hospital which is ni recommend ng unang 2 hospital na pinuntahan namin. Hindi ko alam ung exact na ginawa kay nanay pero sinilip ung lalamunan nya but they got nothing. Nakita lang ung sugat at punit sa lalamunan nya. But the Doctor told us na obserbahan si Nanay if mahirapan makahinga.

Almost 1 week nang biglang parang hikain si nanay, as in na nahihirapan sya makahinga at grabe ung hingal nya. Nagpunta kami for a follow up check up which they recommends once mahirapan makahinga si nanay. Saka nila nirefer sa Pulmonologist dahil 2 lang daw pwede puntahan nung plastic, sa daluyan ng pagkain or daluyan ng hangin. Kung sa daluyan ng pagkain napunta, eh itatae lang din daw un. Pero di namin alam bakit maswerte tong plastic ng skyflakes bakit sa daluyan ng hangin ni nanay sya napunta. YES, opo, sa RIGHT LUNG na NAKUHA yang plastic na yan. Kaya grabe hingal ni nanay, at nagtrigger na tumaas ang BP, Blood Sugar, ung sa heart nya hndi normal even potassium & weight nya bumaba.

Kaya po doble ingat, mas ok na gumamit nalang ng gunting, or do it with your 2 hands kasi di sya biro. Anyway, thankyou po sa lahat ng comments and messages nyo. Nababasa ko po siya, dko lang kayo maisa isa, kasi yan po ung buong istorya eh masyado mahaba ikwento. Thankyou po sainyo and keep on praying po for fast recovery ng aking Nanay. Godbless everyone.
Photo credit: Joy Diaz Austero
Photo credit: Joy Diaz Austero

PS: Bronchoscopy po ang ginawa kay nanay, which is pinatulog sya at may pinasok na instrument sa tubo ng baga nya. At nakita ngang nasa right lung naka harang ung plastic.

PPS: Thankyou to Dr. Perez de Tagle (otolaryngologist) & Dr. Dalupang(pulmonologist) and to 2 other Doctors for Internal Med & Cardio na tumingin kay nanay at sa ibang  Assistant Doctors & Nurses.

Kindly do share para na din maging aware lahat mapabata man o matanda.”


***

Source: News Keener

wokes Thursday, October 22, 2020
Pinoy Big Brother auditionee, viral matapos madiskubre ng mga netizens na suportado ang ABS-CBN Shutdown

Viral ngayon ang isang Pinoy Big Brother (PBB) auditionee matapos malaman ng mga netizens na pabor pala ito sa ginawang pagpapasara sa ABS-CBN Network.
Photo credit: Kapamilya Kingdom

Sa Facebook page na ‘Kapamilya Kingdom’, ibinahagi nito ang mga screenshot kung saan makikita ang post ni Charlie Drin na humihingi ng suporta dahil isa raw siya sa napiling auditionee sa bahay ni kuya.

Ang ilang screenshots naman ay patungkol sa nangyaring pagsasara ng Kapamilya Network. Makikita ang mga posts ni Charlie na pabor siya sa ABS-CBN shutdown.

Buhay na buhay ang Pressfreedom. Congratulations Republica ng Pilipinas,” ayon sa Caption ni Charlie.





Dahil dito ay umani ng maraming batikos ang PBB auditionee.

Sa ngayon ay umabot na sa 12k reactions, 1.4k comments at 9.9k shares ang nasabing post.

Narito ang buong post ng Kapamilya Kingdom Facebook page: 

"SPOTTED: Isang PBB auditionee, suportado ang ABS-CBN shutdown!

Namataan ng mga netizen ang isang auditionee ng Pinoy Big Brother: Connect sa Facebook matapos nitong manghingi ng suporta gamit ang kanyang account.

Ayon sa auditionee na si Charlie Drin, nakatanggap daw siya ng mensahe mula sa mismong PBB na nakapasa na siya sa audition. Pinaalalahanan pa niya ang kanyang mga followers na sana raw ay maging inspirasyon ang nangyari sa kanya.

ANG SEY NAMIN: Ang DDS na gipit, sa ABS-CBN kumakapit! 

[VOTE TO EVICT: Text “BBE Charlie” and send to 2331 for Globe, TM, and Sun Cellular subscribers and 231 for Smart and TNT subscribers]"

SPOTTED: Isang PBB auditionee, suportado ang ABS-CBN shutdown! Namataan ng mga netizen ang isang auditionee ng Pinoy...

Posted by Kapamilya Kingdom on Tuesday, October 20, 2020


***

Source: News Keener

wokes Tuesday, October 20, 2020
Netizens, Nagulat Nang Malaman Kung Saan Napunta Ang Inutang Ng Isang Teacher Sa Kapatid Na OFW



Isang kwento ng pagmamahal ng isang kapatid ang kamakailan ibinahagi ng netizen namabilis kumalat at naging usap-usapan sa socmed. Marami ang nagandahan sa istorya at hindi makapaniwala sa nangyari dito. Kung saan talaga namang marami netizen din ang nakapulot ng napaka gandang aral sa buhay.

Ang istorya ay umiikot sa dalawang babaeng magkapatid. Kung saan madalas humihiram ang nakakatandang kapatid ng pera sakanyang bunsong babae na kapatid, na isang guro.

Ayon sa istorya, noong mga unang pagkakataon ay hinahayaan niya lang na makahiram ng pera ang kanyang kapatid at hindi iniisip kung saan ba nito ito ginagamit. 



Hanggang sa pagtagal ay nakaramdam na din ang bunsong kapatid na napapadalas ang panghihiram nito ng pera. At dumating sa punto na nagtapat ito sakanyang bunsong kapatid na ang pera palang hinihiram nito ay kanyang iniipon at nilalaan para pala sakanya din mismo.

Hindi sukat akalain ng kanyang nakakabantang kapatid na hindi naman pala nangangailangan ang kanyang ate. At panghihiram ng pera pala nito ay hinanda lamang niya para sa pagdating ng kagipitan.



Masasabing napakaswerte talaga kapag meron kang kapatid na katulad ng nasa istorya. Na kung saan hindi lamang sarili ang kanyang inaalala kundi pati ang kapakanan ng kanyang kapatid. Nawa’y mag silbing inspirasyon ang istoryang ito sa mga may kapatid at gayun din sa walang kapatid.


Laging din sana natin tandaan ang kasabihan na ang buhay ay parang gulong na kung minsan ay nasa taas at kung minsan din ay nasa baba. Kaya nakakabuti na hangga’t may biyayang natatamasa ay wag aksayahin ito bagkus ay mag ipon kagaya ng nakakatandang babae sa ating istorya



Ang istoryang ito din ay nagpapaalala sa atin ng kasabihan na kapag may sinuksok ay merong madudukot.

Kung kayo ay may kommento, maaari niyo din itong ibahagi sa amin at kung meron din kayong alam na istorya na katulad nito ay ibahagi niyo lamang sa amin.


Source: The Relatable

wokes
Pamilyang Aeta, Tinanggihang Isakay Ng Isang Kilalang Bus Liner

Sa panahon ngayon meron pa din talagang mga tao na mapang diskrimina at hindi marunong tumanggap ng kultura o pagkakaiba ng mga naka gisnan ng isang tao.

Katulad na lamang ng istorya na ibinahagi ni Mikhael Petito kamakailan sa socmed, kung saan isang pamilyang aeta ang tinanggihang isakay ng kilalang Bus liner.

Ayon sa nag ibinahaging istorya na si Mikhael Petito, Siya ay naghihintay ng masasakyan papuntang Pasay ng mapansin nito ang isang pamilyang aeta sa tabing gilid na may kausap na babae. Ayon sa kanyang nalaman, ang mga ito ay patungo sa Sta.Cruz, Pampanga. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi daw ito pinasakay at tinatanggihan pasakayin sa mga bus na nagdaan.

Dahil sa hindi makatarungan na pangyayari ay nag mabuting loob na si Petito at ang babae na tulungan ang mga ito upang makasakay. At sa kabutihang palad ay nakasakay din ang mga ito sa kasunod na bus.

Makikita sa larawan na nasa maayos na pananamit naman ang maganak na pamilyang aeta. Sadya nga lang talagang may mga tao talagang mapangmata ng kapwa.

Kaya naman dahil sa pangyayaring ito ay nag labas ng kanyang hinaing si Petito patungkol sa Bus na hindi pinasakay ang pamilyang Aeta. Narito ang kayang mensahe na kanyang pinost sa social media.

“Hi Victory Liner, Inc. may existing rules ba kayo na namimili ng sasakay? Ayon kay ate na nag assist din sa kanila 2 victory liner bus ang tinaggihan sila.”.

Ang binahaging post na ito ni Petito ay mabilis na nagviral sa social media at nakaabot din sa social media account ng nasabing bus company. Sumagot din ang socmed ng bus company na nabanggit at humingi ng patawad sa hindi magandang nangyari.

"I totally agree with you, that all of the PUV's should not select their passengers. All are equal and should be treated the same as the others. Aeta's are also filipino's are humans therefore they should be treated as one."

Nakakalungkot isipin na hindi lamang pala sa ibang bansa nangyayari ang ganitong  pangdidiskrimina. Pero mabuti na lamang at may mga taong katulad ni Petito na handang  tumulong at magmalasakit sa mga nangangailangan ng tulong.

Nawa’y ang pangyayaring ito ay makapag bukas mata sa ibang pang mabubuting tao sa paligid upang tumayo at tumulong sa iba. Mabuhay kay Petito.


Source: The Relatable

wokes
Frankie Pangilinan kay Pangulong Duterte: “Magresign ka na nga”

Frankie Pangilinan and President Rodrigo Duterte / Photo credit: CNN Philippines and South China Morning Post

Muli nanamang bumanat ang anak nina Senator Francis “Kiko” Pangilinan at Megastar Sharon Cuneta kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagpahayag ng kanyang opinyon si Frankie sa isang article ng Inquirer kung saan may headline na “I offered to resign, says Duterte.”

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Frankie, “magresign ka na nga #DuterteDuwag

Si Frankie ay isa sa mga personalidad na patuloy ang pagbatikos kay Pangulong Duterte. Kilala ang kanyang ama na si Sen. Kiko Pangilinan na laging kumokontra sa Duterte administration.


***

Source: News Keener

wokes Monday, October 19, 2020
Cristy Fermin kay Vice Ganda: "Umiikot ang gulong ng buhay. Wag kang mayabang!”

Nagbigay ang columnist at radio broadcaster na si Cristy Fermin ng payo kay TV Host Vice Ganda na maging humble at panatilihing nakatapak ang mga paa sa lupa.
Cristy Fermin and Vice Ganda / Photo credit to the owner

Sinabi ito ni Fermin sa kanyang programang “Cristy Ferminute” kung saan may nakapagsabi umanong ginagawa biro ni Vice ang paglipat ng ilang Kapamilya Stars sa TV5.

Narito ang mga sinabi ni Cristy Fermin:

“Kinausap ako kanina ng isang kaibigan ko. Narinig daw niya si Vice Ganda sa A2Z Channel 11 na parang nagtatawanan sila at nagpaparinig. Gusto raw niyang tanungin si Gat. Andres Bonifacio kung ano ang isinigaw niya noong sumugod.”

“Sugod mga kapatid!’ Ganon daw ba? O ‘Sugod mga kapamilya!’ Parang ganon. Sa pagkaintindi ng mga nag-report sa akin, mga kausap ko parang inuuyam ni Vice Ganda ang mga Kapamilya na sumugod dito sa Kapatid channel.”

“Wag mo namang iniinsulto yung mga Kapamilya ninyo na lumundag dito sa Kapatid channel na hindi naman nakaipon at wala namang pera na tulad mo. Alam mo, Vice Ganda, maipapayo ko lang, ang aga-aga pa lang, napakaaga pa lang gumagawa ka na naman ng mga usapin.”

“Dyan ka na nga sumasablay, inuulit ulit mo na naman eh. Don’t take it against them. Kung ikaw ay nasa kanilang kalagayan, siguradong hahanap ka din ng trabaho sa ibang channel Nagkataon lang na nakapaka-palad mo. Na nakaipon ka, yumaman ka, naging bilyonayo ka. Baka isang araw, biruin ka ng kapalaran. Baka ikaw naman ang lumundag ng ibang channel.”

“Ikaw kahit maupo ka lang, kumain maglambingan kayo ni Ion Perez kahit anong gawin nyo – makararaos ka. Huwag mong ipagmamalaki kung ano man meron ka. Umiikot ang gulong ng buhay. Happy Hormones ka lang. Wag mayabang, Wag kang mayabang!”

Panoorin ang video sa ibaba:


***
Source: ShowbizChika

Source: News Keener

wokes
'Last Letter' Ng Namayapang Asawa, Natuklasan Ni Mister At Naluha Na Lamang Sa Laman Nito

Maraming mga netizens ang napaluha matapos ikwento ng isang netizen ang kaniyang makapagdamdaming kwento.

Ang netizen na si Nestor Flores Manglia ay ibinahagi sa kaniyang socmed account ang mensahe na kaniyang natuklasan mula sa namapayang asawa.

Sa nasabing post, makikita na isinulat ng kaniyang asawa ang mensahe nito sa Notes app sa cellphone nito. Ngunit ang nasabing application ay mayroong password. Mabuti na lamang at nagawan ni Nestor ng paraan upang ito ay mabuksan.

Sinulat ng kaniyang asawa ang nasabing mensahe noong Disyembre 2019 pa. Saad ni Nestor na ito na ang pinaka nakakalungkot at pinaka magandang mensahe na nabasa niya mula sa kaniyang asawa.

Ayon kay Nestor, hindi niya napigilang maging emosyonal at umiyak nang siya ay nagsisimula pa lamang basahin ito.


Saad ni Nestor sa caption ng kaniyang socmed post,

"She wrote the note on her phone last December 2019. I was able to unlock it a week ago.

"This is the saddest and most beautiful letter/note I've received from you. Ayaw tumigil ng luha ko nung mabasa ko 'to."

Basahin sa ibaba ang kabuuang post ni Nestor:

"Day 19:

"This is very personal but wanted to share to all of you. She wrote the note on her phone last December 2019. I was able to unlock it a week ago.


"This is the saddest and most beautiful letter/note I've received from you. Ayaw tumigil ng luha ko nung mabasa ko 'to. Akala ko hindi ko mauunlock, Nay! Maraming salamat din sa lahat, someday things will get better, magiging okay din ako — kami.

"The link (movie soundtrack — m@rried life) and the quote on the latter part were from one of our favorite movies — D!sney P!xar's "UP". Just like the movie, the wife d1ed first. We used to watch the movie together with our daughters and lagi nya sinasabi na same sila ni Ellie.

"Di man tayo umabot sa "until we're grey and old" sulit naman yung 15 years natin.

"Thanks for the adventure, now go have a new one."

Ito naman ang mensahe ng asawa ni Nestor:


Source: The Relatable

wokes
Isang Lolo, Namamalimos Na Lamang Sa Daan Matapos Diumano Pabayaan Ng Mga Anak

Ang pagsasakripisyo ng mga magulang sa sariling anak ay walang makakatumbas kahit na sino man. Dugo't pawis ang tangi nilang nilaan upang mairaos ang pang araw-araw na pangangailan. Ano man hirap na ma angkin pagsuko ay di kailan man naging hadlang.

Bunga nag pagsasakripisyo ng ilang taon, anak ang syang kinukunan ng rason para makatulong. Sa kabilang banda merong istorya ng ilang anak na inabanduna ang sarili nilang mga Ama't Ina.

Nasaan ang awa? Nasaan ang utang na loob?

Kagaya nalamang ng totoong kwento ni tatay Eddy Gabriel na nang lilimos nalamang sa kalye upang may makain. Ito ay matapos siyang ma kausap ng YouTube Content Creator na si Denso Tambyahero.

Ayun sa video ni Denso napa daan sya noon sa pwesto ni Tatay kaya agad niya itong binigyan ng makakain dahil kaawa awa ang kalagayan nito.

Tumanggi pa si Tatay dahil nahihiya ito, nag pumilit naman si Denso na kunin nalamang niya ito bilang isang tulong sa kanya.


Nag kwento naman si Tatay kung bakit siya naparoon at ayun sa kanya hindi na sya inaruga pa nga kanyang mga anak dahil may sarili na itong mga pamilya sa Davao at Cotabato kaya naman napag isipan ni tatay na mamihay na lang mag isa at wag nang umasa sa kanyang mga anak dahil minsan ay sinasaktan lamang sya.

Dating karprentero si Tatay Eddy, ngunit dahil sa nag eedad na rin ay malabo na ang kanyang paningin pada sya ay humanap ng trabaho. Kaya nag mamalimos nalamang siya para may iraos sa pang araw araw na pagkain.

Humingi naman ng tulong si Denso ng sa gayon ay kung may nais mang umabot na tulong ay agad niya itong ibibigay kay Tatay Eddy.


Source: The Relatable

wokes
Malaking Pagbabago Ni Ate Glow, Ikinagulat Ng Netizens

Ikinagulat nga ng publiko ang bagong buhay ni Renee Hampshire o mas kilala noon na si Ate Glow. Taong 2003 ay sumikat si Ate Glow sa pag iimpersonate sa dating pangulo na si Gloria Macapagal Arroyo.

Dumating nga sa oras na lumipas din ang kasikatan ni Ate Glow at nag focus na lang siya sa kanyang private life.

Taong 2016 ay nagpakasal sya sa isang Briton at namuhay nga pribado. Kumakailan ay kumalat sa kanyang IG post ang kanyang litrato kung saan nga malaki na ang kanyang pinagbago pag dating sa pisikal na anyo.


Ayun sa interview nga Magandang Buhay, ikinwento ni Ate Glow ang kanyang naging buhay matapos makilala ang kanyang husband.

“Yung hubby ko tsaka ako, nagkakilala kami online. Ano lang yun eh, sa UK, pero hindi siya dating app. Tapos ayun, parang lagi na niyang nili–like. Kumbaga lagi na niyang fina-follow yung mga restaurants, yung mga places na pinupuntahan ko.

"So may show ako sa Italy, pagbalik ko sa London sabi niya, “sige magkita tayo.” December 30 yun, ako naman, “sige manonood ako mamaya ng sine.” ani Ate Glow.



“So nag-wine kami, tapos biglang sabi niya na “what are you gonna do?” “well I’m supposed to go to the cinema, I’m supposed to go to the movie house.” Tapos sabi niya, “have you eaten?” Sabi ko, “no” tapos bigla na lang niya akong niyaya na kumain. Tapos naimpress ako sa kanya kasi dinala niya ako sa magandang restaurant.”

Doon na nga nagsimula ang kwento nila Ate Glow at ng kanyang napangasawa, sa ngayon nakatira sila sa United Kingdom. 


Matapos nga ang interview ay sinurpresa sya ng kanyang husband, 

“It’s a pleasure to call you my wife. I’m so very proud of you, and I love you very much. We have a fantastic connection and have done since day one. We embrace our similarities and differences, and it makes us a very strong couple together. And as always darling, I love you today, I love you tomorrow, and I love you forever,” saad ng kanyang asawa.


Source: The Relatable

wokes Sunday, October 18, 2020
Nagulat Ang Mga Tao Nang Malaman Na Isang Bata Pala Ang Mascot Na Nakakatulog Sa Daan Sa Sobrang Pagod


Sa panahon ngayon hindi biro humanap ng madali at magandang trabaho lalo na kung ikaw may edad na sa buhay o di kaya’y nasa murang edad pa lamang. Kaya naman marami sa nagtratrabaho ngayon ang dinodoble ang kayod at kinakaya ang hirap ng trabaho upang kumita ng mas maganda para may maipang suporta sakanilang pamilya.

Ito ngayong ang kinakaharap ng isang bata na nag ngangalang Rehan, kung saan ang batang ito ay maagang nagsusumikap sa buhay upang may maitulong sakanyang pamilya.

Ang istorya ni rehan ay ibinahagi sa Instagram na si @rhmadii.

Ayon sa nasabing post, si Rehan ay 9 na taong gulang lamang. Maaga itong gumigising at nilalakad nito araw-araw ang mahigit sa 10 kilomentrong layo sa kanyang trabaho. Kung saan ito ay nagtratrabaho bilang mascot sa Jalan Gatot Subroto na matatagpuan sa South Kalimantan, Indonesia. 


Ang kanyang trabaho ay nagbibigay  aliw sa mga tao na dumadaan katulad ng mga empleyadong pumapasok sa trabaho at mga driver na madalas naiipit sa traffic sa daan.

Dagdag pa ng nagbahagi sa istorya ni Rehan, ito daw ay ginagawa ng bata para maipangdagdag sa upa sakanilang tinitirahan at upang maipangdagdag sa kanilang makakain.

Bagama’t may trabaho ang kanyang ina ay alam nitong hindi sapat ang kinikita nito. Kaya sa kagustuhan nitong tumulong ay pinasok niya ang ganitong uri ng trabaho.

Hindi biro ang maging mascot, bukod sa init na sinusuot nitong costume ay hindi rin biro ang bigat ng tela na ginagamit dito. Kaya masasabing sobrang nakakapagod ang trabaho ni Rehan na ito lalo’t siya ay nasa batang edad pa lamang na dapat ay nag lalaro at nag-aaral imbes na magbanat ng buto.

Ayon pa kay Rehan, alam nito na mahirap ang trabahong kanyang gingawa at malayo ang kanyang nilalakad upang makarating sakanyang pinagtratrabahuan. Pero masaya naman siya na nakakatulang siya sa kanyang ina.

Ang istorya ni Rehan ay maituturing na inspirasyon sa mga kabataan na sakabila ng hirap ng dumarating sa buhay ay pinipiling hindi sumuko.  


Source: The Relatable

wokes
Seo Services