Ang pagsasakripisyo ng mga magulang sa sariling anak ay walang makakatumbas kahit na sino man. Dugo't pawis ang tangi nilang nilaan upang mairaos ang pang araw-araw na pangangailan. Ano man hirap na ma angkin pagsuko ay di kailan man naging hadlang.
Bunga nag pagsasakripisyo ng ilang taon, anak ang syang kinukunan ng rason para makatulong. Sa kabilang banda merong istorya ng ilang anak na inabanduna ang sarili nilang mga Ama't Ina.
Nasaan ang awa? Nasaan ang utang na loob?
Kagaya nalamang ng totoong kwento ni tatay Eddy Gabriel na nang lilimos nalamang sa kalye upang may makain. Ito ay matapos siyang ma kausap ng YouTube Content Creator na si Denso Tambyahero.
Ayun sa video ni Denso napa daan sya noon sa pwesto ni Tatay kaya agad niya itong binigyan ng makakain dahil kaawa awa ang kalagayan nito.
Tumanggi pa si Tatay dahil nahihiya ito, nag pumilit naman si Denso na kunin nalamang niya ito bilang isang tulong sa kanya.
Nag kwento naman si Tatay kung bakit siya naparoon at ayun sa kanya hindi na sya inaruga pa nga kanyang mga anak dahil may sarili na itong mga pamilya sa Davao at Cotabato kaya naman napag isipan ni tatay na mamihay na lang mag isa at wag nang umasa sa kanyang mga anak dahil minsan ay sinasaktan lamang sya.
Dating karprentero si Tatay Eddy, ngunit dahil sa nag eedad na rin ay malabo na ang kanyang paningin pada sya ay humanap ng trabaho. Kaya nag mamalimos nalamang siya para may iraos sa pang araw araw na pagkain.
Humingi naman ng tulong si Denso ng sa gayon ay kung may nais mang umabot na tulong ay agad niya itong ibibigay kay Tatay Eddy.
Source: The Relatable
No comments