Ito ngayong ang kinakaharap ng isang bata na nag ngangalang Rehan, kung saan ang batang ito ay maagang nagsusumikap sa buhay upang may maitulong sakanyang pamilya.
Ang istorya ni rehan ay ibinahagi sa Instagram na si @rhmadii.
Ayon sa nasabing post, si Rehan ay 9 na taong gulang lamang. Maaga itong gumigising at nilalakad nito araw-araw ang mahigit sa 10 kilomentrong layo sa kanyang trabaho. Kung saan ito ay nagtratrabaho bilang mascot sa Jalan Gatot Subroto na matatagpuan sa South Kalimantan, Indonesia.
Ang kanyang trabaho ay nagbibigay aliw sa mga tao na dumadaan katulad ng mga empleyadong pumapasok sa trabaho at mga driver na madalas naiipit sa traffic sa daan.
Dagdag pa ng nagbahagi sa istorya ni Rehan, ito daw ay ginagawa ng bata para maipangdagdag sa upa sakanilang tinitirahan at upang maipangdagdag sa kanilang makakain.
Bagama’t may trabaho ang kanyang ina ay alam nitong hindi sapat ang kinikita nito. Kaya sa kagustuhan nitong tumulong ay pinasok niya ang ganitong uri ng trabaho.
Hindi biro ang maging mascot, bukod sa init na sinusuot nitong costume ay hindi rin biro ang bigat ng tela na ginagamit dito. Kaya masasabing sobrang nakakapagod ang trabaho ni Rehan na ito lalo’t siya ay nasa batang edad pa lamang na dapat ay nag lalaro at nag-aaral imbes na magbanat ng buto.
Ayon pa kay Rehan, alam nito na mahirap ang trabahong kanyang gingawa at malayo ang kanyang nilalakad upang makarating sakanyang pinagtratrabahuan. Pero masaya naman siya na nakakatulang siya sa kanyang ina.
Ang istorya ni Rehan ay maituturing na inspirasyon sa mga kabataan na sakabila ng hirap ng dumarating sa buhay ay pinipiling hindi sumuko.
Source: The Relatable
No comments