Video Ng Isang Buwayang Nakuryente Matapos Gawing Agahan Ang Isang Electri Eel


Ang mga buwaya ang isang uri ng reptilya na naninirahan sa mga matubig na lugar. Napakalaki nang bunganga nito kapag nakabuka at talagang napakatalas ng mga ngipin nito.

Ayon sa pag-aaral, nasa 2000 hanggang 3000 piraso ang posibleng dami ng ngipin sa buong buhay nito. Sino ba naman ang mabubuhay kapag nakagat na nito?

At kapag matured na ang isang buwaya, kumakain na sila ng malalaking isda, pagong,  mga ibon, usa, at kahit iba pang reptilya o mammal. Wala nga namang mailalaban ang mas maliliit na nilalang na ito kumpara sa mabagsik na mga buwaya.

Gayunpaman, sa kabila ng lakas ng buwaya, maaari rin pala silang 'matalo' ng kanilang 'pagkain'. Paano?

Nag-viral ang isang video clip kung saan makikita ang isang buwaya na nakabantay sa isang electric eel sa ilog.

Makikita roon na habang sinisikap ng electric eel na makalayo sa buwaya, nakaabang naman ito sa kaniya para atakihin at kainin.

Maya maya pa, kinagat ng buwaya ang electric eel, pero laking gulat ng lalaki sa video dahil sa nangyari.

Halos hindi na nakagalaw ang buwaya matapos nitong kagatin ang electric eel. Maya maya pa, nagkikisay na ito habang kagat kagat pa din ang eel.

Lumaban ang electric eel sa buwaya hanggang sa huli ng kaniyang buhay. Ang totoo, ang isang maliit na electric eel ay maaaring magkarga ng 100 boltahe samantalang ng mas malaking electric eel ay may boltaheng nasa pagitan ng 450 hanggang 600. Napakalakas niyo anupat agad na mamamatay ang sinuman na tamaan nito, mapahayop man o tao.

Bagaman hindi masisiguro kung nabuhay pa ba ang buwaya sa video clip, makikita naman na talagang nakaranas ito ng matinding electric shock anupat halos napaunat ang buo nitong katawan.

Patunay lamang ito na hindi laging nagtatagumpay ang mga predators. Dahil sa kakayahan ng electric eel na maproduce ng malalaking boltahe, napagtagumpayan niya ang mabalasik na buwayang ito.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services