Mister sumama sa ibang babae at tuluyang iniwan ang asawa at tatlong anak
Marami ng pagsasama at tahanan ang sinira ng pagtataksil. Hindi na ito bago sa ating lipunan at maging noon pa man ay marami ng ganitong pangyayari.
Photo credit: TrendzShares

Ang nakakaawa sa ganitong sitwasyon ay ang mga anak na naapektuhan dahil sa hiwalayan ng kanilang mga magulang. Ito ang nakakalungkot na pangyayaring ibinahagi ng netizen na si Jerlyn Busaco.

Sa kanyang Facebook post, ikinuwento ni Jerlyn kung papaano niya sinubukang ipaglaban ang kanyang pamilya sa kabila ng hirap at pagtitiis na kanyang naranasan.

Ayon kay Jerlyn, magkasintahan pa lamang sila noon ng kanyang asawa ay babaero na raw talaga ito. Ngunit palagi pa rin niya itong pinapatawad dahil sa kanyang pagmamahal.

Noong sila ay magpakasal at magkaroon ng kambal na anak, akala ni Jerlyn ay magbabago na ang kanyang asawa. Ngunit hindi pa umaabot sa isang taon matapos nilang magpakasal ay nagtataksil na ito.
Photo credit: TrendzShares

Nalaman ni Jerlyn na may relasyon ang kanyang asawa sa babaeng nagngangalang Ginafe Martinez. 

Ayon sa kanya, walong buwan na palang magkarelasyon ang dalawa. Pinilit pa rin daw intindihin ni Jerlyn ang kanyang asawa at maging ang mga payo ng kaibigan ay hindi niya pinakinggan.

I was trying to fix my family and even talk to him heart to heart, he told me that he loves us and he just had some reasons why he was having relationshp wth the woman. I still undrstood him and even neglected the advices of others just to save our family. But as time goes by the situation gets worst he never go home on his day off,” saad ni Jerlyn.

Para sa kanilang mga anak ay tinitiis ni Jerlyn ang sakit. Minsan raw ay isang oras o dalawang oras na lamang ito kung manatili sa kanilang bahay.

Samantala, muling nabuntis si Jerlyn ng kanyang asawa, ngunit imbes na magbago ito ay sinabihan pa siya na ipalaglag na lamang ang ipinagbubuntis.

Then i got pregnant again, i was trying to reach out to him and hoping it would change his mind, but all he said was ab0rt the child.”

Dumaan sa maraming pagsubok si Jerlyn dahil sa pagbubuntis ng mag-isa. Sa huli ay tumigil na rin si Jerlyn na ayusin ang relasyon nila ng kanyang asawa at nag focus na lamang siya sa pag aalaga sa kanyang mga anak.
Photo credit: Jerlyn Busaco
Photo credit: Jerlyn Busaco

My married life ended too soon, but my life as a mother has just begun, i will just focus on my children and those who truly love me and my babies.”

Basahin ang buong post ni Jerlyn:

“MY EVER DREAMED HAPPY FAMILY THAT WAS LOST 

I want to share the miserable life that ive been through.

When I was in college and about to graduate i met this man who is my only boyfriend and first love,who became my husband, his the only man i ever love, ive been through sufferings because of loving him, but still i continue to forgive and understand, i supported him all the way until he reached his dreams. Then we got married and had twin babies. I thought that he would change his vice of having different woman, i was a bit complasant that time that he would be a good papa and husband. I was too blind that during the 10th month of our marriage he was again having relationshp wth other woman, i was suspecious because he seldom go home and spend time wth us, but he insisted that he was just workng hard to sustain our needs, he would say i am a buddy of an official thats why i couldnt go home, and here comes a time that his mistress in the person of GINAFE R. MARTINEZ who happened to be a mistress also of a prominent politician, she contacted me telling me that theyre living together.. so its not an official that my husband had been with for the past 8months,  it was his mistress that his spending his time instead of his family. I was trying to fix my family and even talk to him heart to heart, he told me that he loves us and he just had some reasons why he was having relationshp wth the woman. I still undrstood him and even neglected the advices of others just to save our family. But as time goes by the situation gets worst he never go home on his dayoff even just to see our children, when he go home its just 1-2 hrs then he would left. Then i got pregnant again, i was trying to reach out to him and hoping it would change his mind, but all he said was ab0rt the child it was devastating, yet i  insisted to continue the pregnancy, there are times that when i needed a husband because im alone at home. i couldnt force my husband to be wth me, his mistress wont allow him to go home. Then my husband and the mistress had a small fight because she heared about my pregnancy, the mistress would call me that my husband would cry in front of her on bended knees, that difinitely broke my heart,he had never done that on me just to save our family.  I carried the pain and the sadness in my heart making my body to give up, i almost lost my third child because of stress. I thought my husband would comfort me even if its just a fake care even just for our baby, but he would rather tell me i dont want to see you cause his with the mistress. I was suffering mental and physical distress, he did physically abused me. One thing that really breaks my heart when he told me that i dont have worth at all, that if i feel pained i should take my life and he would be very happy seeing me dead wth the child i carry, and he would still chose his mistress.

I dont know why i would be treated this way, i dont deserve all this pain and rude treatment, but later on i realized no matter what we do to fight for our family, no matter how understanding and supportive wife we are we can never force someone who's inlove wth somebody else. I even asked my husband why you dont visit our children you dont miss them? Our babies looking for you, they would usually say papa ma? (Or playing my phone trying to call him on the phone saying hellow papa) but  he just answered i was used to it i am a man i can have children wth other woman. I was confused how a father could easily scratch his family who loves him so much and didnt do anything bad against him. When his at home we always made sure to show him how we loved him, i made sure i took care of him, i made sure to always make him feel comfortable, that he has a loving wife and children who's happy to see him. I wonder how he has a very rock hard heart to ignore and disregard his family. All this questions come in my mind, i also wonder how some woman would still continue such relationshp even if they knew they stepped on somebody,that they broke a family. I did my best to save my family, and for my children to have a father but my husband is happy wth his mistress. He was very happy wth the comfortable life his mistress gives him, driving car, living in a fancy house, visiting different places, eating what he wants to eat all expense paid, he exchanged his family wth the rich like life he experienced with his mistress. My 2019 was full of challenges yet i know my God wont leave me. And later on i could understand why i need to exprience all of this. 

My married life ended too soon, but my life as a mother has just begun, i will just focus on my children and those who truly love me and my babies.”


***
Source: Facebook

Source: News Keener

wokes Sunday, January 3, 2021
Kilalanin ang babaeng may 44 na anak
Ang pagkakaroon ng anak ay hindi madaling trabaho. Simula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak  ay samu’t saring paghihirap na ang daranasin ng isang ina.
Photo credit: Brightside

Ayon pa sa kasabihan, kapag nanganganak ang babae ay parang nasa hukay na rin ang kanilang isang paa.

Kaya naman inirerekomenda ng mga doktor sa mga babae na magkaroon ng malayong agwat sa panganganak. Ito ay makabubuti sa kanilang pamilya lalong lalo na sa kalusugan ng mga babae.

Samantala, isang babae mula sa Uganda ang nakakamangha at nakakagulat matapos nitong magkaroon ng 44 na anak.

Ayon sa mga reports, 12 years old lamang si Mariam Nabatanzi noong siya ay magpakasal sa mas matandang lalaki. Ngayon ay nasa edad 36 na siya at may anak na 44 mula sa 15 na panganganak.
Photo credit: Brightside
Photo credit: Brightside

Normal na sa kanilang lugar ang pag-aasawa ng maaga. Isang 40 years old ang pinakasalan noon ni Mariam. Matapos ang isang taon ay ipinanganak niya ang kanyang unang anak.

Mayroon umanong ‘rare health condition’ si Mariam na naging sanhi ng kanyang sunod sunod na panganganak. Na-diagnosed rin siya ng ‘unusually large ovaries.’

Karaniwan, ang fertile na babae ay naglalabas lamang ng ‘one egg’ kada buwan. Ngunit si Mariam ay kayang maglabas ng maraming egg ‘per cycle.’

Ito ang naging dahilan kung bakit napakadali umano niyang mabuntis.
Photo credit: Brightside
Photo credit: Brightside

Nasa lahi rin daw nila Mariam ang pagkakaroon ng mga kambal. Siya ay nanganak ng anim na pares ng kambal, 4 na pares ng triplets at 5 na pares ng quadruplets. 

Sa kasamaang palad, tanging 38 lamang ang nabuhay sa 44 na anak ni Mariam. Ang anim sa kanila ay namatay.

Dahil sa kanyang kondisyon, sinabi ng mga doktor kay Mariam na huwag ng magbuntis dahil delikado na ito at makakaapekto na sa kanyang kalusugan.

Hindi rin umano maaaring gumamit ng pills si Mariam dahil baka makaapekto ito sa kanyang katawan lalo na’t kakaiba ang kanyang mga hormones.


***
Source: TrendzShares

Source: News Keener

wokes
Natapos na ang 2020, handa ka na bang mag SORRY?
Maraming tao at pangyayari sa ating buhay ang nagdulot ng sakit at pighati. Mula sa naka deadma-hang bestfriend na nauwi sa pag unfriend. At sa mga taong nagparamdam sa atin ng kalungkutan na para bang the world is going to end.

Dahil sa lahat ng pasakit na dulot nito, sinong tao nga naman ba ang basta basta na lng magpapatawad? Yung mga paglalasing at hirap sa pagtulog na ating naranasan at mga nasirang tiwala na nagpababa ng ating kompiyansa. Totoo nga namang mahirap magpatawad at makalimot.

Pero bakit nga ba kailangan nating magpatawad o mag SORRY. Hayaan mong bigyan kita ng limang (5) dahilan kung bakit.

1. (S) Serenity – Maging kalmado at mahinahon. Kapag nagpatawad ka, binibigyan mo ang sarili mong makawala sa madilim na kabanata ng iyong buhay. Hindi hamak na ika’y makakakita ng liwanag sa dilim, mula sa gaan ng pakiramdam na dulot nang pag-gawad ng kapatawaran.

2. (O) Order – Direction patungo sa mas masaya at mas matiwasay na pamumuhay. Isang pang dulot ng pagpapatawad ay ang pag-alis ng mga hadlang upang ikaw ay makaabante sa iyong paglalakbay. Gumagaan ang iyong pakiramdam sa pagtanggal ng mga sama ng loob at bigat ng iyong mga pasanin.

3. (R) Release – Kalayaan! Bigyan ang sarili ng kalayaang bumitaw sa nakaraan at magsimulang muli. Gawin ito ng simple at walang pag aalinlangan. Magpatawad at magparaya sa pait ng nakaraan.


4. (R) Recover – Maihahalintulad mo siya sa pag -eexercise o pag-ggym ng higit sa iyong kakayahan. At pagkatapos mo rito, unti unti kang makakabawi ng lakas. Masakit man sa katawan pero mas higit ang ginhawa sa kalooban kapag ang pagpapatawad ay iyong matututuhan.

5. (Y) YOU – Bakit? Dahil lahat ng ito ay ginagawa mo para sa sarili mo. Karapatan mong magkaroon ng mapayapang pagiisip. Marapat lang na mamuhay ng matiwasay matapos mong malagpasan ang kadiliman ng nakaraan. Ang pagpapatawad ay hindi lang para sa pinapatawad, bagkus ito’y para sa iyong sarili. Mahirap man itong gawin, pero ito’y tiyak na magdudulot ng magandang hangarin.

                    
Sa oras na matuto kang magpatawad magsisilbi itong hudyat na nalunasan mo na ang mga sugat ng iyong nakaraan.

Hindi mo naman ito kailangang madaliin. Maghintay ng tamang oras at pagkakataon. At kapag ang lahat ng ito ay umayon sa nararapat. Magtiwala ka, gagaan ang iyong pakiramdam.

Kaya para sa lahat ng nagdulot sa akin ng sakit at pighati. I forgive you!
Para naman sa mga may maling nagawa sa kanilang kapwa. Mag umpisa gamit ang salitang “I am Sorry”


Source: News Keener

wokes
Matandang sumayaw sa gitna ng kalsada, sapul ng motorsiklo
Sapul ng motorsiklo ang isang matandang lalaki na sumasayaw sa gitna ng kalsada na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.


Kinilala ang matandang lalaki na si Raol Mandaget, 60, mula sa Davao City. Nangyari ang insidente bago sumapit ang bagong taon.

Nakuhaan ng video ang nasabing pangyayari sa Bgy. Calinan Proper.

Kinilala naman ang naka-motorsiklo na si Joviemar Caybot, 21. Nasawi rin ito at ayon sa ulat ng pulisya ay wala itong suot na helmet.

Panoorin ang video sa ibaba:



***

Source: News Keener

wokes
Misis tinawag na madamot ang ninang ng kanyang anak dahil hindi napagbigyan ang kanyang request

Tuwing pasko ay maraming isyu ang kumakalat patungkol sa mga usapin ng pagbibigay regalo sa mga inaanak. Katulad nitong pag-uusap ng mag-kumare sa social media na nauwi sa pagtatalo.



Sa Facebook page na ‘Beauty from The Kitchen’, ibinahagi nito ang mga screenshots ng usapan ng dalawang babae. Mababasa sa mga uploaded pictures kung papaano pinipilit ng nanay na sagutin ng kanyang kumare ang mga souvenirs para sa 2nd birthday ng kanyang anak.

100 pcs na souvenirs umano ang hinihingi ng nanay ngunit hindi sumang-ayon si kumare dahil marami rin siyang mga inaanak na bibigyan ng pamasko.

Sinubukan pa ni kumare na kumbinsihin ang nanay ng kanyang inaanak na kung pupwede ay cake nalang ang iregalo niya o kaya ay 30 pcs na souvenirs, ngunit ayaw talagang pumayag ng kabila.

Hanggang sa nainis na ang nanay at tinawag ang kumare niya na kuripot.

iyo na yn pmasko mo di kelangan yn kuripot…dpt si gelay na lng knuha ko d ikw..” 

Tinawag pa ng nanay ang kanyang kumare na makapal ang mukha dahil 500 pesos lamang umano ang ibinigay nito sa binyag ng kanyang anak.

"kapal mkha mo post ako yabang ka neng..500 nga lan bgay mo sa inaanak mo nung binyag...babawi ka nga lan gnyan pa.."

Narito ang mga screenshots ng kanilang usapan:








Narito ang ilang komento ng mga netizens:








***
Source: Facebook

Source: News Keener

wokes Saturday, January 2, 2021
Identical twins nahuling iisang driver’s license lamang ang ginagamit sa loob ng 20 years

Mistulang isang kwento sa pelikula ang pagkakahuli sa magkamukhang-magkamukha na magkakambal matapos nilang gumamit ng iisang driver’s license sa loob ng 20 years.

Larawan mula Elite Readers

Ayon sa article ng ‘Elite Readers’ ang kambal ay mula sa Jiamusi, Heilongjiang province of China. 

Ayon sa mga reports, nabuking ang ginagawang kalokohan ng magkapatid na may apelyidong ‘Yan’, nang pahintuin ang nakatatanda sa kambal ng mga pulis habang nagmamaneho.

Suspetsa ng mga pulis ay ‘revoked license’ ang gamit nito. Kahit na nagpanggap itong siya ang nakababatang Yan ay nagduda parin ang mga pulis dahil may napansin silang kakaiba.
Larawan mula Elite Readers

Sa pagtingin ng mga pulis sa kanilang database, nakita nila na ang mas nakababatang Yan ay marami pang buhok, habang ang nakatatanda naman ay napapanot na.

Kahit na nakasuot ng bonnet ang nakatatandang Yan nang siya ay parahin ng mga pulis ay pinatanggal nila ito kaya bumungad sa kanila ang napapanot na nitong ulo.
Larawan mula Elite Readers

Dito na napag-alaman ng otoridad na salitang ginagamit ng magkapatid ang iisang driver’s license.

Parehas nang na-revoke ang license ng magkakambal noon dahil sa pagmamaneho ng lasing, ngunit ang nakababatang Yan ay muling nakakuha nito matapos dumaan sa ilang driving test. Mula noon ay isang license na lamang ang kanilang ginagamit.

Although they looked really alike, there were some features that set them apart - including the thickness and the length of their hair," sabi ni officer Zhao Xin.

"I have been using the same driver's licence with my younger brother for 20 years," sabi ng nakatatandang Yan.
Larawan mula Elite Readers

"We are twins, so we look very alike," pag-amin nito.  

Ayon sa Daily Mail, si Mr. Yan ay pinagmumulta ng 2,000 yuan o mahigit P14,000. Patuloy rin ang imbestigasyon ng mga pulis sa kaso nito.


***
Source: Elite Readers

Source: News Keener

wokes
Sec. Duque sinabing magsisimula ang Covid-19 vaccination nitong darating na Marso
Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na magsisimula ang C0vid-19 vaccination sa Pilipinas nitong darating na Marso.
DOH Secretary Francisco Duque III / Photo credit: BusinessMirror

Sa isang interview ng TeleRadyo kay Duque noong Biyernes, January 1, sinabi ng kalihim na mismong si Sec. Carlito Galvez Jr, ang vaccine czar, ang naglabas ng impormasyon.

"Mga March hanggang mga second quarter 'yan tapos tuloy-tuloy na daw 'yan hanggang sa marating natin 'yung 60 to 70 percent ng population kasi ang goal natin ay herd immunity,” sabi ni Duque.

Ang bansang Amerika ay hindi naging matagumpay sa kanilang target number of vaccination kamakailan, kaya naitanong din kay Duque kung mayroon na ba silang naisip na stratehiya upang maiwasan ang kaparehong problema.

Ani Duque, nagtutulong-tulong ang iba’t ibang sangay ng gobyerno upang maipatupad ang magandang plano.

.. ‘yan ang tinututukan ng atin pong vaccine czar kasama ng DOH, ano po, at ang PNP, AFP, para talaga ‘pag ni-roll out natin ay naaayon doon sa ating detalyadong plano.”
DOH Secretary Francisco Duque III / Photo credit: BusinessMirror

Dagdag pa niya, mayroon daw ginawang ‘formula for the prioritization’ ang gobyerno kung sino ang mga dapat unahin na bakunahan.

Ito ay ang mga sumusunod:

Healthcare workers, senior citizens, individuals exposed to the sick, indigent families, at uniformed personnel, katulad ng PNP at AFP.

Ika-cascade po natin ‘yang formula na ‘yan sa lahat po ng regions, provinces, cities, municipalities, hanggang sa barangay level.

Samantala, hindi naman nabanggit ng kalihim kung anong klase ng bakuna ang kanilang gagamitin.


***
Source: KAMI

Source: News Keener

wokes
Seo Services