Maraming tao at pangyayari sa ating buhay ang nagdulot ng sakit at pighati. Mula sa naka deadma-hang bestfriend na nauwi sa pag unfriend. At sa mga taong nagparamdam sa atin ng kalungkutan na para bang the world is going to end.

Dahil sa lahat ng pasakit na dulot nito, sinong tao nga naman ba ang basta basta na lng magpapatawad? Yung mga paglalasing at hirap sa pagtulog na ating naranasan at mga nasirang tiwala na nagpababa ng ating kompiyansa. Totoo nga namang mahirap magpatawad at makalimot.Pero bakit nga ba kailangan nating magpatawad o mag SORRY. Hayaan mong bigyan kita ng limang (5) dahilan kung bakit.
1. (S) Serenity – Maging kalmado at mahinahon. Kapag nagpatawad ka, binibigyan mo ang sarili mong makawala sa madilim na kabanata ng iyong buhay. Hindi hamak na ika’y makakakita ng liwanag sa dilim, mula sa gaan ng pakiramdam na dulot nang pag-gawad ng kapatawaran.
2. (O) Order – Direction patungo sa mas masaya at mas matiwasay na pamumuhay. Isang pang dulot ng pagpapatawad ay ang pag-alis ng mga hadlang upang ikaw ay makaabante sa iyong paglalakbay. Gumagaan ang iyong pakiramdam sa pagtanggal ng mga sama ng loob at bigat ng iyong mga pasanin.
3. (R) Release – Kalayaan! Bigyan ang sarili ng kalayaang bumitaw sa nakaraan at magsimulang muli. Gawin ito ng simple at walang pag aalinlangan. Magpatawad at magparaya sa pait ng nakaraan.
4. (R) Recover – Maihahalintulad mo siya sa pag -eexercise o pag-ggym ng higit sa iyong kakayahan. At pagkatapos mo rito, unti unti kang makakabawi ng lakas. Masakit man sa katawan pero mas higit ang ginhawa sa kalooban kapag ang pagpapatawad ay iyong matututuhan.
5. (Y) YOU – Bakit? Dahil lahat ng ito ay ginagawa mo para sa sarili mo. Karapatan mong magkaroon ng mapayapang pagiisip. Marapat lang na mamuhay ng matiwasay matapos mong malagpasan ang kadiliman ng nakaraan. Ang pagpapatawad ay hindi lang para sa pinapatawad, bagkus ito’y para sa iyong sarili. Mahirap man itong gawin, pero ito’y tiyak na magdudulot ng magandang hangarin.
Sa oras na matuto kang magpatawad magsisilbi itong hudyat na nalunasan mo na ang mga sugat ng iyong nakaraan.
Hindi mo naman ito kailangang madaliin. Maghintay ng tamang oras at pagkakataon. At kapag ang lahat ng ito ay umayon sa nararapat. Magtiwala ka, gagaan ang iyong pakiramdam.
Kaya para sa lahat ng nagdulot sa akin ng sakit at pighati. I forgive you!
Para naman sa mga may maling nagawa sa kanilang kapwa. Mag umpisa gamit ang salitang “I am Sorry”
Source: News Keener
No comments