Kilalanin ang babaeng may 44 na anak

Ang pagkakaroon ng anak ay hindi madaling trabaho. Simula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak  ay samu’t saring paghihirap na ang daranasin ng isang ina.
Photo credit: Brightside

Ayon pa sa kasabihan, kapag nanganganak ang babae ay parang nasa hukay na rin ang kanilang isang paa.

Kaya naman inirerekomenda ng mga doktor sa mga babae na magkaroon ng malayong agwat sa panganganak. Ito ay makabubuti sa kanilang pamilya lalong lalo na sa kalusugan ng mga babae.

Samantala, isang babae mula sa Uganda ang nakakamangha at nakakagulat matapos nitong magkaroon ng 44 na anak.

Ayon sa mga reports, 12 years old lamang si Mariam Nabatanzi noong siya ay magpakasal sa mas matandang lalaki. Ngayon ay nasa edad 36 na siya at may anak na 44 mula sa 15 na panganganak.
Photo credit: Brightside
Photo credit: Brightside

Normal na sa kanilang lugar ang pag-aasawa ng maaga. Isang 40 years old ang pinakasalan noon ni Mariam. Matapos ang isang taon ay ipinanganak niya ang kanyang unang anak.

Mayroon umanong ‘rare health condition’ si Mariam na naging sanhi ng kanyang sunod sunod na panganganak. Na-diagnosed rin siya ng ‘unusually large ovaries.’

Karaniwan, ang fertile na babae ay naglalabas lamang ng ‘one egg’ kada buwan. Ngunit si Mariam ay kayang maglabas ng maraming egg ‘per cycle.’

Ito ang naging dahilan kung bakit napakadali umano niyang mabuntis.
Photo credit: Brightside
Photo credit: Brightside

Nasa lahi rin daw nila Mariam ang pagkakaroon ng mga kambal. Siya ay nanganak ng anim na pares ng kambal, 4 na pares ng triplets at 5 na pares ng quadruplets. 

Sa kasamaang palad, tanging 38 lamang ang nabuhay sa 44 na anak ni Mariam. Ang anim sa kanila ay namatay.

Dahil sa kanyang kondisyon, sinabi ng mga doktor kay Mariam na huwag ng magbuntis dahil delikado na ito at makakaapekto na sa kanyang kalusugan.

Hindi rin umano maaaring gumamit ng pills si Mariam dahil baka makaapekto ito sa kanyang katawan lalo na’t kakaiba ang kanyang mga hormones.


***
Source: TrendzShares

Source: News Keener

No comments

Seo Services